Chapter 3: Love vs Coffee

189 9 9
                                    

Sa Starbucks malapit sa eskwelahan nila siya dinala ni Rain. Mukhang suki yata ito sa coffeeshop na iyon dahil kilala na ito ng mga empleyado dun. Halata ngang nagpapacute pa ang iba dito.

"Tambay ka ba dito?" tanong niya nang makaupo sila.

"Well, you can say that. Mahilig kasi akong magkape. Sabihin na nating adik ako dun."

"Talaga? Ngayon lang ako nakakilala ng tulad mong adik sa kape" nailing na sabi niya.

"Ewan ko nga din ba. Iba ang epekto sa akin ng kape. Nakakapagpakalma."

"Kape? Nakakapagpakalma? Eh di ba nakakapagpanerbyos nga yun?'

"Siguro iba iba naman sa tao yan. Basta iyon ang epekto sakin ng kape."

"Ayos ka din noh? Kape." Natatawang sabi ni Allison.

"Alam mo ba na ang Love ay parang kape din"

"Oh? Bakit naman? Ayusin mo sasabihin mo ah. Upakan kita kapag joke yan" banta niya rito.

"Bayolente naman nito." Nailing na sabi ni Rain at binato siya ng tissue. "Ang kape kasi, mainit diba? Kailangan dahan dahanin mo ang pag-inom kung ayaw mong mapaso. Parang love, kailangan dahan dahan kung ayaw mong masaktan."

"Naks! Ang deep ah. Naniniwala ka naman ba dyan?"

"Oo naman. Hindi lang halata pero hopeless romantic ako"

"Talaga lang ah. Eh bakit ang sakit mo magsalita dun sa Ex girlfriend mo?" huli na para bawiin ni Allison ang sinabi dahil natahimik na si Rain. "Sorry" hinging paumanhin niya kaagad.

"Ang Love, parang kape. Mapait" simpleng sagot nito.

"Pero masarap" sagot ni Allison.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ni Rain.

"Itong kapeng iniinom ko." Anya at tinaas ang hawak na kape.

"Ahh"

"Parang love, mapait pero masarap pa ding mainlove" nakangiting sabi niya.

Napangiti naman si Rain.

"Nainlove ka na ba?" tanong nito.

"Hindi pa. Pero mahilig akong magbasa ng mga love stories"

"I see. Well, malalaman mo ang sarap ng love kapag ikaw na mismo ang nakaranas."

"Pero malalaman mo din ang pait"

"Ganun talaga. Parte yan eh. Kung walang sakit paano mo malalaman na nagmamahal ka na pala"

"True. Masyadong nakakanosebleed ang pinaguusapan natin. Dumudugo na ilong ko"

"Oh! Tissue" anito at inabutan siya ng tissue.

"Sira!"

Napangiti nalang si Allison. Nag-eenjoy siyang kausap si Rain.

***

"So, kumusta ang date niyo ni Ulan?" tanong ni Akira sa kanya.

Kasalukuyan silang naglalakad papuntang canteen kung saan naroon ang iba nilang kaibigan.

"Ulan?" nagtatakang tanong niya dito.

"Ulan. Si My name is Rain"

"Ahhh.. date ka dyan. Hindi noh! Nagkape lang kami"

"Kape? Tanghaling tapat?"

"Oo. Ayos nga eh."

"Ayos ka dyan. Adik kamo. Ang init init eh"

Daydreamers Series: Love is like a Cup of CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon