Chapter 1 - Introng Pang Ms. Universe

81 0 0
                                    

Niel's POV

I Looove Mornings! I love my hair. I love my face. I love my decayed teeth. I love my pebbled cheeks. I love my bentilador. I love everything! At isa nanamang napakagandang araw ang binigay ng Diyos sa isang napakagandang nilalang tulad ko. Rumaragasang dahon na nililipad ng hangin patungo sa mukha ko. Mmm sarap! Ang lutong ng tuyong dahon nato. Mga ibong kumakanta sa mga puno at -- ay ipot. Putchang ibon yon! Nevermind na lng. Di ko hahayaang masira ang araw ko. Kaya pinahidan ko na lng ang ipot at nagpatuloy sa paglalakad. Sininghot ko ang bulaklak at umubo.

Hello Philippines and Hello World! Ako nga pala si Niel D. Makaiput, 14, Matangkad, lubak lubak ung mukha ko, mapupula ang mga labi ko at basta maganda ako. At naniniwala ako sa kasabihang: ang nagsasabing maganda ako ay pinagpala na makakita ng kababalaghang di kapani paniwala.

Naglalakad ako ngaun papuntang school nang makasalubong ko si Carly Rae Jopson. Ang kaibigan kong minuminuto ay nadadagdagan ang pimples niya. Nahiya tuloy ako sa mga pimples niya di man lang nag family planning.

"Isang taon pa lang ako. Nasundan na ni toto." Pangungutya ko. Natigilan sa pagpipisa ng pimples niya si Carly at tinignan ako ng masama.

"At least babaeng tunay."

Sabog ako dun ah. Si Carly Rae Jopson. Ang pa virgin kong kaibigan na grabe ang pag secure ng grades niya. Kung lumandi naman kami, nakikisabay nga di naman pinapansin ng nilalandi niya. Siya ay merong long curly hair, mahilig mangutya lalo na sa ilong ko. Tignan niya kaya ilong niya kung may pinagkaiba kay Kokey the Alien.

At oo bakla pala ako. Pero maganda. Basta bakla po ako. Na maganda. Period. Well sa buhay ko siyempre nakakaranas pa din naman ako ng discrimination. Siyempre nasasaktan ako but I have to fight back. That's why di ako basta basta. Tao pa ren ako no na nilikha ng Diyos kaya tayo ay pantay pantay lang. One time nga may lumapit saking boy binigyan ako ng flowers (Flashback):

Valentines day kasi nun nung first year ako tapos ang gwapo niya pa at ang sweet sweet niya kaya! May pinasubo siya saken, so nilamon ko naman. Then binigay na niya yung flowers. Tapos tinignan ko ang message. Nakasulat: "Hinding hindi kita makakalimutan. Sa iyong paglisan ay nakaiwan ka ng magagandang ala ala na tumagos sa aming damdamin." Nagtaka ako. Tinignan ko ang likod ng note at dun nakalagay "Funeral Homes Inc." Hayyy buhay nga naman. (End of flashback)

"Tara na nga!"

At yun naglakad na kami papunta sa dalawa pa naming kaibigan: ang best friend kong si Glutha Taeyoon na sobrang puti, medyo chubby pero maganda ang hubog ng katawan. Malapit nang maging patay mga buhok niya. Mahilig sa musika at popular girl. Yung isa naman ay si Angel Ebap na kung tumawa wagas. Konting joke mo lng para ka nang kakainin sa laki ng bunganga niya. Siya ay merong wavy hair, chubby at caring. Ilang minuto lang naabot na namin ang mga bahay nina Angie at Glutha.

"Uy guys lumaki ng inches ang boobs ko!" -Glutha

"Ako naman humaba ang buhok ko!" -Angel

Tinignan ko sila. Si Glutha di naman nagbago eh. Yung boobs niya ayun, matalim pa rin yung suso. Si Angie naman ayun dry na dry pa ren yung wavy hair niya. Kitang kita pa mula dito sa kinaroroonan ko ang dalawang kuto na ang isa ay nakapatong sa isa - alam na. Mga tsusera to. Nagtilian ang tatlo at tinignan ako mula ulo hanggang paa. I just rolled my eyes and tumawa. Nakisabay naman sila at hinug ako. Nagpatuloy na kaming tatlo sa paglalakad. Kahit ganun sila mahal na mahal ko ang tatlong yun. =)

Here Comes TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon