Glutha's POV
Ang sakit sakit.
Bawat oras na nararamdaman ko ang kanyang presence lalong kinakain ng lungkot ang aking mundo. Lubusan akong nasaktan sa mga nangyayari. Ang hapdi at kirot na aking dinadanas ay walang kapantay na paghihinagpis. Masakit mang isipin pero kailangan kong tiisin.
Kahit masakit.
Kahit maibsan man lang ng kaunti ang poot na aking nararamdaman.
Dahil kailangan.
Dapat kong labanan.
Dahil pag hindi, mas lalong sasagana tong sakit, tong sakit ng ngipin kong kanina pa ngumingilo nang kumain ako ng ice cream. Pambihira naman kase eh. Alam ko namang may sira tung isang ngipin ko hala nilamon ko pa ren ang ice cream. Pinatunayan ko lang na umandar nanaman ang pagka patay gutom ko.
Kaya andito ako ngayun sa isang bench ng school namen. Nakaupo at hinahaplos tong pisngi ko kasi naman eh. Ang sakit talaga :(
Wala akong karamay ngayun kasi si Niel nakipaglandian nanaman kay JV. Sina Angel at Carly naman namili ng mga damit dun sa isang ukay ukay na malapit lng ditu sa school. Alas tres na ng hapon pero hindi pa ren nawawala ang sakit. Kanina pa ako dito. 1:30 P.M kse disimissal ng lahat ng estudyante dito.
Nagmumukmok pa ren ako ng nakita ko si Alfredo Alvares. Crush ko yun eh ^_^. Kilala niyo si Taylor Lautner? Magkahawig sila ng mukha ni Alfredo. Tapos ang hot pa niya mmmm! Sarap niya tignan. Nakita kong papalapit siya sa akin at nag smile.
"Hi ganda" tapos pinisil niya pisngi ko.
"ARAY!!! PoT@#!!" Napamura ako sa sobrang sakit at napahiga sa lupa with matching iyak pa. Tinignan ako ni Alfredo at tinulungan. Tinadyakan ko ang kanyang private part at tumakbo. Nakita ko ang mukha niya at narinig ko siyang umungol dahil sa sakit. Binalikan ko siya at tumingin sa paligid para humingi ng tulong pero kaming dalawa lang ang nandito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Diba pag may masakit sa katawan natin hinihimas natin to? Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kaya... Hinimas ko. Nanlaki mga mata niya at tinulak ako ng mahinahon.
"Ano ba?!"
Tumayo ako at nagsalita. "Wow ganyan ka mag thank you? Grabe in 14 years of my existence gaganyanin mo lang pagkababae ko? Hindi mo ba alam na ginagawa ko lng naman ang lahat para pawiin ang sakit na nararamdaman mo. Para malaman mo hindi ikaw ang nag aalaga at nagpapakain saken? Ginawa ko yun para miahon ko ang pamilya ko sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak ko. My gosh" he smiled. I smiled back.
"Ang OA neto."
Boses ng babae yun ah. Lumingon ako at nakita ko ang isang babaeng sexy na parang model na nga at... Kamukha ko? Ang pinagkaiba lang mataba ako. Pero magkamukhang magkamukha kami.
"I'm Jemaema Soluta. Boyfriend ko tung lalakeng nakaupo sa floor. Ikaw sino ka?"
"Glutha. Glutha TaeYoon." I smiled
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ng masakit. Kaya binalik ko ang mga tingin niya sa kanya.
"Ang taba mo teh." Sabi niya. Na offend ako dun ah. Untog you like?
Umiinit ang ulo ko. Parang may kuryenteng nagkakabit sa mga mata namin. Babanat pa sana ako nang tumalikod na sila at umalis. Ugh! Hinding hindi ko makakalimmutan ang araw nato. Hinding hindi kita makakalimutan Jemaema Soluta. You're going down.
BINABASA MO ANG
Here Comes Trouble
Tienerfictie"Kayo na bahalang humusga. Haha Lagyan ko na lng ng Description pag tapos na ang story :) Enjoy!"