Take Three

17 3 0
                                    

"Uhmm,Goerge pwude ba magtanong?" tanong ko sa kanya.

"Nagtatanong ka na nga e HAHAHA!"sabi niya.

"Pwude bang wag na lang tayong sumakay sa ferris wheel na yan?"tanong ko sa kanya. Kasalukuyang nasa amusement park kami.Kinakalimutan ang kahat ng problema ko.

"Hindi pwude! HAHAHA!"sabi niya. Sa totoo lang ang cute-cute niya pag tumatawa.

"E,takot kase ako sa matataas!" pagpupumigil ko sa kanya.papasakay na kase kami sa ferris wheel.

"Shh! Andito naman ako. Kaya kung mahuhulog ka,sasaluhin kita! Yan ang parati mong tatandaan ha!?" sabi niya sa akin habang nakangiti sabay kurot sa pisngi ko.

Nastar-struck naman ako sa kanyang malaanghel na ngiti.

"Ano tara na?" pagyaya niya sa akin.

Inalalayan niya akong makapasok sa loob ng ferris wheel,naunang akong makapasok sa kanya.Magkatapat kaming ng upuan.

"Zara,hindi mo makikita yung view kung tinatakpan mo lang ang mga mata at saka wala pa nga tayo sa tuktok ang baba pa nito o! Kung gusto mo talunin ko pa to e!" sabi sa akin ni Goerge.

"Huy George! Wag mo ako iiwan! Nakakatakot kaya! Pwude ba dito ka sa tabi ko? Please!" sabi ko kay George habang nakatakip pa rin ang aking mga mata.

"Sige,pero sa isang kondisyon pagtumabi ako sayo.aalisin mo ang mga kamay mo sa mata mo" dare niya sa akin.

"S-sige!" pag-accept ko ng dare niya.

Agad namang lumipat ng puwesto si George sa tabi ko,at pagkalipat niya sa tabi ko agad ko den namang inalis ang aking mga kamay sa mata ko at agad ko den nakita ang magandang view galing sa itaas ng ferris wheel at saktong-sakto sunset,kaya ang ganda.

"George,tama ka nga! Ang ganda ng view!" sabi ko sa kanya.

"Sabi ko naman sayo e!" sabi niya.

Inenjoy ko ang buong ride sa ferris wheel ka-kwentuhan si George,sobrang saya niya kakwentuhan.at ang ganda den pagmasdan ng view

"Goerge,uhmm,sa roller coaster naman tayo!" pag-yaya ko sa kanya sumakay sa roller coaster.

"Sige!" masiglang sabi niya.

Kaya naman pumila na kami sa pilahan ng roller coaster.at sobrang haba ng pila,pero hindi ko naman naramdaman ang pagkabored ko kase nagkwentuhan ulet kami ni George habang nasa pila.

At nung malapit na kami agad namang may sinabi sa akin si George "Zara,sure ka ba kase parang kanina takot na takot ka sumakay sa ferris wheel tapos ngayon naman bigalaan ka sasakay sa roller coaster,na parang wala lang kanina yung nararamdaman mong takot."

"Alam mo George sa tono pa lang ng boses mo parang natatakot ka na!"pagbibiro ko sa kanya.

"Ako? Hindi nu!"matapang na sagot niya.

Agad naman kaming nakasakay sa roller coaster.Unti-unti umaandar ng mabilis and roller coaster at hanggang unti-unti den kami paakyat ng paakyat sa tutok and nung makarating kami sa tuktok,pinagmasdan ko ng mabuti ang view,hindi katulad kanina madyo pula ang langit,ngayon naman ay puno ng city lights.

Napatingin den naman ako kay George kung okay pa ba siya sa kalagayan niya,para kaseng natatakot siya kanina,nung bago kami makasakay dito sa roller coaster.

"George ang ganda ng view ano?"

"Oo kasing ganda-a..." putol na sabi ni George,kaya naman hindi ko na narinig ang huling salita na sinabi niya.Agad kase umandar pababa ang roller coaster.At sa daming babae ba naman ang nagtitilian ay hindi ko na marinig halos mabingi na ako sa kanila at ang sarap ng simoy ng hangin,dahil 'ber' months na ren.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallen Angel (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon