20

85 6 2
                                    

jisoo's pov

jusko, kaya ayokong pumasok ngayon eh. valentines day tapos madaming naglalandian. magbbreak din kayo mga ulol! walang poreber. pagpasok na pagpasok ko sa school makikita ko mga lalaki nagbibigay ng mga bulaklak sa crush nila.

landeh.

so nawalan ako ng gana kaya nagantay ako sa classroom. school fair namin ngayon pero sa classroom nalang ako pupunta. dumating na sila chaeyeon at nagusap-usap kami.

"uyy, musta crush niyo?" tanong ni eunbi. nagingay silang lahat except ako. bakit? never ako magugustuhan ng crush ko :")

"bat ang tahimik mo jisoo?" tanong ni yena. napatingin naman ako sa kanya bigla.
"wala lang." sagot ko at umiwas ng tingin. sobrang ingay ata namin kasi biglang pumasok yung wanna one. nice timing mga guys. so ayun, yung mga babae kong kasama kanina? nawala bigla. szksksksk.

since wala akong magawa, kinuha ko nalang phone ko at naglaro.
"uyy, anong laro yan?" may nagtanong sa tabi ko. pagtingin ko naman sa left, halos mahahalikan niya na ako sa sobrang lapit kaya umurong ako papalikod.

"ahh, helix jump. bakit?" tanong ko kay jinyoung.
"palaro. hehe." sabi niya habang tumawa. binigay ko naman phone ko sa kanya at pinaheram niya phone niya sakin. anong malalaro ko dito? jusko jinyoung.

biglang nagbukas yung pinto sa classroom.
"seonho!!!" sabi ng lahat kaya napatingin ako sa kanya. shet, ganda talaga ng timing. kaiyak naman to, gusto kong umuwi.

"may assembly daw sa grounds. pila na kayo." sabi niya. student council president nga pala namin yun. so ayun, pumila kami sa grounds at umupo. nagantay kami ng 5 minutes(?) at lumabas yung teacher.

sinabi niya lang kung ano mangyayari mamaya at sa susunod na tatlong araw. after nun, tumayo agad kami(w1&izone) at bumili ng tickets for rides. naggala muna kami kasi sobrang haba ng pila sa rides. nagusap-usap kami tungkol sa mga test namin na kakaganap lang kahapon.

nung 12 pm na, bumili kami ng makakain at naghanap ng table. nang makahanap kami, nagsimula na kaming magingay. since bonchon yung kinain namin, naka 4 na chicken si jihoon.

"tangina ang takaw mo! baboy ka baboy!" sigaw ni nako kay jihoon.
"sus, ikaw ah.. crush mo nanaman ako." sabi ni jihoon. lahat kami nagtawanan kasi namumula si nako. hinampas niya ng hinampas si jihoon.
"ano ba?! HAHAHAHA!" sabi ni jihoon.

cant relate si ate mo girl.

habang kumakain may napansin ako. papunta sa table namin si seonho.
"um..pwede makisali?" tanong niya habang may dala-dalang pagkain.
"sige, tabi ka nalang sa kapatid ko." sabi ni kuya. tinignan ko siya ng masama at tinawa lang nila yun.

paupo na sana siya pero naghiyawan nanaman sila kuya. ay ang galeng.
"manahimik nga kayo." sabi ng tao sa isa pang table. nagsorry sila jaehwan kasi sila yung pinakamaingay.
"oh ayan, buti nga sa inyo." sabi ko habang kumakain ng tahimik. PANO BA KASI KUMALMAA SKZKSKSK.

pagkatapos namin kumain, nagpababa kami ng kinain at pumila sa anchors away. medyo malaki siya pero sa tingin ko na 24 lang ang kasya. ayos lang para magkakasama kami ;)

binigay na namin kay kuya yung tickets namin at umupo na sa ride. nasa pinakadulo ako at katabi ko si jinyoung at guanlin. shet ang awkward. bakit? kasi ex ko dati si jinyoung. kaya di kami gaanong nagpapansinan ehh. pinakiusapan ko si guanlin na sa gitna siya pero ayaw niya. bait talaga.

nagstart yung ride at kumapit agad ako sa railings. nagtanungan kami at kailangan daw sagutin.
"wait!!! shet!! oh eto na!! jihoon!! bakit ang taba mo???!!" sigaw ni woojin.
"tangina neto! problema mo ba?!" sigaw ni jihoon at nagtawanan kami.

"nako!!! bakit ang liit mo??!!" sigaw naman ni jihoon.
"mamatay ka na park jihoon!! walang ganyanan!! cute nga ng height ko eh! tatangkad pa ko!" sigaw niya.
"daniel, bakit isip bata ka?!" sigaw ni kuya.
"halaa!! maririnig ka ng nanay ko! sumbong kita! HAHAHAHAH" sabi naman ni daniel.

"guanlin!!" sigaw ni minju.
"ano?!" sinigaw pabalik ni guanlin.
"sino crush mo?!" lahat kami natinginan kay guanlin.
"ulol secret!!" hayss epal.

"jisoo!!" sigaw ni chaeyeon. "sinong may chance sayo sa wanna one?!!" lahat naman sila sigawan. jusko ayoko na.
"kilala niyo na crush ko! kaya wala! WALAAA!!" napalakas yung sigaw ko sa dulo kasi biglang tumaas yung pagakyat. pagkatapos ng ride, nahihilo na ko.
kinapitan ko si kuya habang naglalakad.

"di ko kinaya yun." sabi ko ng mahina.
"jisung hyung, pwede paheram muna ako ng kapatid mo?" sabi ni seonho. umoo naman si kuya agad. may pinuntahan kami ni seonho. somewhere private ganun?

"may sasabihin ako sayo, sana wag ka magalit." sinimulan niya. halatang kinakabahan siya dahil nanginginig na siya. sasabihin niya na ba na gusto niya ko? sus asa pa jisoo.

"jisoo," ayan na shemmzz!!!
"gusto kita." sabi niya at tumingin sa mga mata ko. nabigla ako kaya di ako nakasagot.
"okay lang kung di mo ko gusto pabalik, gusto ko lang naman umamin ehh.."

"seonho, ayus lang naman. crush din kita ehh." sabi ko at biglang yinakap niya ako.
"i love you talaga jisoo!!"
"i love you din."

bumalik kami kanila kuya at nakahawak si seonho sa balikat ko.
"oh, kayo na?" tanong ni kuya minhyun.
"oo hyung!!!" sabi ni seonho at hinawakan bigla ang kamay ko. di na ata ako bitter ehh. joke.

wala na talaga akong chance. wag ko nalang ituloy yung plano. thank you jisoo.

papansin || lai guanlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon