jisoo's pov
nagantay ako ng kaunti at dumating na din si daehwi sa bahay namin. bumaba naman agad ako para salubungin siya.
"dae!!" sigaw ko. ay tulog nga pala si kuya.
"uyy beh, eto na yung mcdo mo oh. tara kain tayo!" sabi niya at nagaya papunta sa kainan."ay naks, alam na alam kung ano gusto kong pagkain." sabi ko at kinindatan naman niya ako pabalik.
"oh, so sabihin mo na yung nangyari sa inyo ni seonho."pinaalala niya pa."so ayun nga, diba nung feb. 14 tinanong ni kuys kung kami na. sabi niya oo daw pero yung totoo, di niya pa ako nililigawan. so ano yun? basta-basta agad? magjowa na agad kami? parang sira. wala naman atang balak yun ligawan ako eh. ewan ko lang ah pero di ata kami aabot ng isang month." sabi ko habang nabayuko.
"girl, wag ka ganyan. think positive! kapag di ka niya niligawan, sobrang bobo niya na kapag pinalagpas niya yan. kasi once in a lifetime lang yan, eh mahirap ka pa naman pasagutin. diba? so kapag di ka niya niligawan, show him na he doesnt deserve you. okay?" sabi niya habang hinawak-hawakan ang likod ko.
napapaiyak na ko kaya yinakap ko si daehwi at umiyak ng sobra. kasi, ayokong maloko ulit. ayoko nang masaktan. pagod na ko.
"dae, di ko na kaya. pagod na kong mapaasa at masaktan." sabi ko habang tumutulo parin yung luha ko. pinakalma naman ako ni daehwi at pinatahan."lets show him who you really are. prove to him na he is wrong. kapag pinaasa at niloko ka ni seonho, bubugbugin namin yun. kaya ko yan. kahit ako medyo becky kumilos, malakas daw ako manapak sabi ni woojin hyung." natawa naman ako sa sinabi niya. pumunta na kami sa kwarto ko at gumawa ng assignments. pinastay ko muna siya dito kasi 10:30 na din naman ng gabi at delikado na.
akala ko okay na ang lahat pero, di pala.
BINABASA MO ANG
papansin || lai guanlin
Fanfiction"napaka-papansin mo!" "sayo lang naman ako nag-papapansin eh.. di mo naman ako pinapansin." status: completed!