jisoo's pov
simula nang makipagbreak ako kay seonho, lumala yung buhay ko. nagcut ako ng classes, naglalasing na ako ngayon at di na ko kumakain. ilang beses na din ako napunta sa guidance dahil daw sa behavior ko. i didnt know na ganito pala effect sakin kapag nasaktan ako ng sobra.
"jisoo, lets talk after class." sabi ni ms. yoo sa akin. nagdiscuss siya tuloy-tuloy hanggang matapos ang oras niya. recess na after pero pinastay ako kasi kailangan daw akong kausapin.
"regarding sa behavior mo jisoo.. ano ba nangyari? top student ka sa class, jisoo. dont give your rank to someone that easily." sabi niya.
"my behavior? ano nangyari? tanong mo sa anak mong tarantado. timer anak mo eh. ang dami niyang babae, alam mo yun?"
gusto ko yang sabihin sa kanya. pero di ko talaga kaya. di ko napansin na may tumulong luha galing sa mata ko.
"bat ka umiiyak? jisoo, okay ka lang ba? talk to me. i can keep your secrets." sabi niya at tumingin lang ako sa baba."hindi ako okay ehh.. this is too much to handle. i didnt know na magkakaganito pala ako kapag nasaktan ng sobra. im sorry for my behavior po." sabi ko habang nagbow at umalis. pagkalabas ko ay may nagaabang sa akin.
"guanlin?" sabi ko dahil hinarangan niya ako.
"noona..ay, jisoo. can we talk?" tumango nalang ako kasi wala din naman akong magagawa kasi mamimilit yan si guanlin."later, dismissal. sa garden." sabi niya at sinamahan ako sa cafeteria. sa totoo lang, wala akong gana kumain pero itong si guanlin naman, binilhan pa ako ng pagkain kaya wala akong choice.
"ayoko na. busog na ako." sabi ko at tinulak ng kaunti yung plato.
"di mo pa nga nagagalaw yan oh. oh ito, subuan kita. say ahh~" sabi niya at ginagawang airplane yung spoon ko. kinuha ko naman to at nagsalita.
"di na ako baby.""pero baby kita." nanlaki namna yung mata ko sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"wag mo kong tawaging baby. mamaya mainggit yung liligawan mo."
"luh, sino?" sabi niya at sinandal yung ulo niya sa palm niya."si sarah. diba? ikaw pa nga nagsabi eh."
"ahh..yun.. oo nga pala hehe." sabi niya at natawa ako ng kaunti dahil sa kalokohan niya.
"parang sira." sabi ko.
"at least napangiti kita. diba, baby?" sabi niya naman at kumindat.uminit yung pisngi ko at umiwas nalang ako ng tingin.
"ang landi niyo, gago." may nagsabi sa likuran ko kaya tumalikod ako.
"woojin, bitter ka lang eh. apakan ko kaya yang pagmumukha mo?" sabi ko."syempre joke lang yun. HAHAHAHA. oh sige na. magdate muna kayo diyan." sabi niya at kumaway.
"tamo, pati si woojinie hyung boto satin."
parang timang talaga to. may crush siya tas ako lalandiin?"hoy, may crush ka ah. wag mo kong landiin. not for sale itong dyosang tinitignan mo. plus, may bago akong manliligaw." nanlaki ang mata ni guanlin at bumuka ng kaunti ang kanyang bibig.
"sino?!!" sabi niya habang nakatingin siya sakin. naghihintay ng sagot.
"si justin." sabi ko at ngumiti. di ko siya crush or anything pero nakakatuwa lang siya. gwapo rin. hehe. ang bilis ko pala ma-fall.
BINABASA MO ANG
papansin || lai guanlin
Fanfiction"napaka-papansin mo!" "sayo lang naman ako nag-papapansin eh.. di mo naman ako pinapansin." status: completed!