Chapter 4-Emotions

17 9 3
                                    

Ainee's Point Of View


Tahimik lang kaming nanonood ni Aries ng A Quiet Place. Grabe, pag pala pinanood moto magiging tahimik ka din? Nagtataka tuloy si Aries kung bakit walang sounds, pero wow, binuksan niya pa yung loob ng TV para lang maayos yung volume. In the end, siya yung pahiya huahuahua!


Naiiyak ako takte! Sinakripisyo kasi nung tatay nila yung sarili nya para magpakain sa mga halimaw para makatakas yung mga anak nya pero parang may mali eh, hindi naman ako sumisinghot pero may naririnig akong sumisinghot. Hindi naman ako sumisinghot?


"Ano ba to nakakaiyak!" Biglang yumakap sakin si aries habang humahagulgol. Napayakap na din ako sa kanya dahil naiiyak din talaga ako-- Ano kamo? Naiiyak din sya? Whuuut? Siya naiyak?


"Teka aries, naiyak ka?" Napapunas ako ng luha ko. Kakagulat, nung nakaraan lang, sabi niya na hindi siya nagkakaroon ng emosyon? What now? HAHAHA!


"I don't have emotions. Hindi ko kayang matawa, maiyak, masaktan o ano pa man."


Ayan yung natatandaan kong sinabi niya!


"Oo bakit?" Umiiyak padin ito habang nanonood. Binalik niya yung tingin niya sa TV, pero hinawakan ko yung balikat niya at hinarap siya.


"Nagkaroon ka ng emosyon!? Shet kyahhh! Congrats!" Niyakap ko sya dahil sa tuwa. Mas cute kaya siya pag may emosyon siya! God!


*Kring kring*


Napaalis ako sa pagkakayakap kay Aries at dali-daling sinagot yung tawag. Mamaya ko na ikwekwento sa kanya na nagkakaroon ng emosyon si Aries! 


"Hello Aubrey?" sinagot ko ito ng maayos. Mamaya eh malaman na nanggigigil na ako kay Aries huehue!


"[ Hello bess? Kailangan na daw natin gawin yung report ngayon sabi ni elijah. First subject kasi natin irereport yun sa pasukan. So saan tayo gagawa? ]" Napapraning na sabi nito sa kabilang linya. Naalis ko tuloy bigla yung cellphone sa tenga ko. Ang tinis talaga ng boses nito!


"Samin nalang para di nako aalis. Sino-sino ba kayo?" Tinatamad akong maglakad, wala naman akong pamasahe, unless kung may pera si Aries, 'di ba?.


"[ Si Elijah, Aldous, ako, si Shamira tsaka si Aries. ]" Shet, nga pala nya alam magkasama kami sa iisang bahay! Nako! Pano 'to?


"Pisti! Sasama pa si shamira? Wala namang gagawin dito yan eh." Tama, mamaya, makikita mo yang ineepal yung gawa namin! "Wag niyo na kaya isama yan?"


"[ Haha! Wala kasi syang grade pag hindi sya sumama sabi ni Elijah. ]" edi wala siyang grade! Kawalan ba siya? Tanggalan ko siya ng mata diyan eh. Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin kay Aries.


"Sige na nga. Contact-in mo na sila ng makaalis na kayo!" nagpapadyak padyak pa ako dito ng parang bata. Kainis wengya.

My Love From the Other PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon