Chapter 10- Mug

12 5 0
                                    

Ainee's Point of View



Nandito ako ngayon sa bahay, kasama ko si Mavecc na kanina pa tahimik. Wala dito si Aries, hinahanap niya si Elijah, pero bakit ang tagal? Kung 8 days kami wala dito sa Earth, nasaan na kaya yown? Si Aldous at Aubrey, pumapasok na sa school matapos ang nangyari kay Elijah. Nagmuni muni muna ako sa labas, masyadong boring dito sa bahay, sobrang tahimik nito ni Mavecc.


Pagkadating ko dito sa bahay kanina, puro chat ni Aubrey ang bumungad sa akin. Sobra siyang nag-aalala sa akin dahil nawawala ako ng ilang araw--- I mean linggo. Akalain mo yun, isang oras palang ako sa planeta nila, walong araw na ang lumipas? Nako nako!


Binasa ko ang ilan sa mga chat niya. Wao ah? Tinatadtad ang panget niyang kaibigan HAHA!


Aubreyngotskienie <3

Active 9 hours ago

Aubrey Lopez:

: Oy ano na nasaan ka na! Grr sasakalin kita sa paa!

: Pag di ka umuwi senyo sasabunutan ko kilay mo!

: Bakit hindi ka pumasok babaita? Oi one week ka na wala!

:Woi saan ka na ba napapadpad?

:Saan ka ba pumunta we? Qiqil mo si akue

:May project tayo lah.

: May importante akong sasabihin sayo.

: Oy hinahanap ka ni Aries! Wag kang feeling Dory!


Napairap nalang ako sa kawalan. OA talaga hays. Saan na ba tong si Aubrey? Tumingin ako sa orasan, ah. Calculus pa lang namin ngayon. Kainis talaga tong babaitang to, OA pero wala naman sa bahay. Bakit ba naging kaibigan ko to? Pero teka, ano yung sasabihin niya? Tungkol ba kay Elijah? Kay Aries?


Chinat ko siya at sinabing nandito na ako sa bahay, ikwekwento ko sa kanya ang lahat kung bakit nawala ako. Masama na, buti hindi sya tumawag sa pulis para ipahanap ako, kundi ako mapapahiya. We, magrereport pa siya eh dala ako nito ni Mavecc? Di parin ako makapaniwala na parang isang oras lang ako dun sa planeta nila eh 8 araw na ang lumipas sa Earth? Bakit pagkami ni Aries? Bumabagal ba ang oras pag magkasama kami? Choss hehe.


Napasinghap ako ng biglang may humawak sa likod ko. Ang lamig ng kamay wola! "Anong iniisip mo diyan, Ainee?" dinig kong sabi ni Mavecc. Kung 'di ko lang siya kasama ngayon, mapapagkamalan kong multo to brr.


"Wala wala." Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko pero sa sobrang taranta ko nahulog pa yung cellphone ko sa sahig.


"Anong wala, eh puro buntong hininga ka dyan? Akala ang bango bango ng hininga." Hininaan niya ang huling pangungusap. Akala niya hindi ko rinig, aba matalas tenga ko. Sabunutan ko kaya kilay nito 360 degrees? Wiee pasalamat siya alien siya grr.


Inamoy ko ang hininga ko, hehe atleast mabait naman ako. Eh sinong hindi babaho ang hininga kung 8 days kuno ka hindi nag toothbrush? Duh? Pasalamat siya alien siya, hehe sabunutan ko pilikmata niya.


"Pasensya na, may importante lang akong sasabihin." Seryoso siya, alangan! Wala siyang emosyon noh! Nanguna siya sa paglalakad papunta sa sala. Pagkaupo niya sa sala ay dumaretso sa kusina dahil mabait ako, nagtimpla muna ako ng gatas para sa kanya, baka naman kase mahilig din siya ditto tulad nung alien nya at kape para sa akin. Pagkalapit ko sa kanya ay tinananong kung ano ang hawak ko.

My Love From the Other PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon