Chapter 5- Truth or Dare

11 6 0
                                    

Someone's Point of View

Eto na, sa wakas ay nakarating din ako sa planetang Earth. Kakatapos ko lang kalabanin ang mga Alreignians na humarang sa sasakyan ko. Sinubukan nila akong kumbinsihin na makipagkampihan sa kanila sa pagsakop sa kabuuan ng aming planeta at ang kapalit noon ay ang pagbibigay nila ng pwesto sa angkan namin bilang hari ngunit hindi ako pumayag kaya kinalaban nila ako. May kung ano ngang bagay na may likido ang tumama sa akin pero hindi ko na iyon pinansin dahil hindi naman na ito masakit at wala namang kung anong nangyayari saakin. Ang mahalaga ay ligtas ako.


Naisip ko tuloy ang aking kakambal ko. Nasan na kaya ang kakambal kong si Aries? Nahanap na kaya nya ang Lost Kaori? Hindi pwedeng mangyari yon! Kailangan ko syang hanapin para kung sakaling kasama na nya ang Lost Kaori ay makuha ko ito. Kilala ko si aries, madaling mauto ang isang iyon!


Nanlaki naman ang mga mata ng lalaking nakasalubong ko, puti ang pang-itaas nitong damit habang ang pang-baba nito ay kulay itim naman. Ayon sa signal sa isip ko, isa raw itong bodyguard, at tungkulin daw nilang bantayan ang seguridad ng mall, subdivision, convenient store, school at madami pang iba. Sa tingin ko ay pwede kong gamitin ang kanyang damit hangga't wala pa akong sariling identity.


"E-engkanto..." napaatras ito sa sobrang takot, naibato pa ang hawak na baton sa akin.


Sinakal ko ito hanggang sa mawalan na ito ng hininga. Itinago ko siya sa isang maliit na lugar sa loob ng isa sa mga bahay dito sa subdivision, hangga't maaari, kailangan ko munang magtago.


Ainee's point of view

Pagka-ikot ni kaklase naming si Alice sa bote ay nabigla naman ako ng ako ang ituro nito. Whuuut?!


"Truth or dare?" Tanong nya saakin. Hmm, ano kaya mas maganda? Ayoko naman ng truth, baka pagdiskitahan nila ang totoo kong crush(kahit wala naman talaga). Dare nalang kaya? Mas safe ako dun.


"Uhmm... dare?" Binigay nito saakin ang bowl na puro papel kung saan nakasulat kung saan nakasulat ang mga gagawin naming dare. Bumunot ako ng isa at saka iyon binasa. Nanlaki yung mata ko sa nabasa ko. Watapak!


I dare you to kiss your crush, yung nandito lang. Goodluck!


"Anong nakasulat?" Tanong ni Aubrey na katabi ko lang kaya naman tinago ko yung papel pero naagaw ito saakin ni elijah na nasa right side ko naman. Hala nakakainis tong dalawang to. Sabi na kaseng meron ako eh! Grrr.


"I dare you to kiss your crush. Sheeet!" Napamura na ito sa nabasa. Wengya, kukulitin ako nito kung sino crush ko eh!


Shet, shet talaga.


"O ano sino ba yung crush mo dito?" Tanong ni alice. Bakit ba kasi pumayag pa ako na sumali dito? Ako laging trip nila.


Kanina, yung dare nila sa akin, kumain ng mangkok ng tutong, na nilagyan ng toyo at mantika para maging instant adobo, pwe! Ang tigas nung kanin! Kainis grrr.


"Crush? Sino ba-- wala eh." Wala naman talaga akong crush dito! Hindi na ulit ako nagkacrush mula nung elementary. Napatingin ako kay Aries na minamasdan ako.

My Love From the Other PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon