Chapter 6-New Year

14 7 4
                                    

Ainee's point of view

Simula nang iwan ako ni dad, nawalan ako ng gana sa lahat. Naalala ko kasi yung halik niya tuwing uuwi ako sa bahay. Yung tuwing makikita ko siya, expect ko na yung kiss niya. Kadalasan sa labi, wala namang malisya yun kasi papa ko siya.



Pero seryoso, hindi ako nagpapahalik. Di ko alam kung anong kahangalan ang naisip nila kung gayon na alam nila na ayaw kong magpahalik. Gusto ko, si papa lang, since wala si mama. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko pa nakikita si mama, kasi new year ngayon. Wala akong katuwang sa buhay. Wala akong masasandalan. Buti nakilala ko sila Aubrey, sila kasi yung nagpapalakas sa akin na makikita ko si mama. Yung dapat na media noche namin ngayon, wala. Feeling ko walang wala ako.



Siyempre, natutuwa naman ako na andyan mga kaibigan ko. Sila Aubrey, Elijah, Aldous at dumagdag pa yung gwapo--- este makulit na alien na si Aries. Natutuwa ako kasi andyan sila para gabayan ako. Si Aubrey na nagmakaawa pa talaga sa magulang niya na ibigay itong bahay nilang hindi nila nagagamit. Si Elijah'ng hikain at Aldous na babaero, handa silang tumulong, willing to risk it all para lang sa amin ni Aubrey. Parang prinsesa kaming dalawa dahil sa dalawang ugok na yun, besides, gwapo rin sila, di ko maipapagkaila yun.



Though, New Year ngayon, bumili kami ni Aries ng paputok sa kabilang bayan. Hindi naman siya mahal kasi niloko ni Aries yung tindera. Wengya, may powers siya eh. Eh ako tong tulala lang habang niloloko niya yung tindera. Bakit kaya ang mga lalaki madalas mangloko para sa ikasasaya lang ng sarili nila--- este namin. Siyempre, kami makikinabang. Ako pa tong choosy eh bibili lang naman kami ng fireworks. Psh.



Kanina pa ako lutang habang naglalakad, binabagabag ako nung nangyari nung nakaraan, plus yung iniisip ko kung nasaan ba si mama ngayon. Media noche ngayon oh? Wala siya, hindi kami makapagcelebrate. Siya lang naman kasi yung hiling ko araw-araw. Kahit mahagip lang ng mata or makita ko lang siya, okay na ako. Kahit may hawak hawak siyang anak niya sa iba. Sino ba hindi maiisip yun kung ilang years na siyang hindi nagpapakita, 'di ba?


Pero nakakainis talaga yung nangyari nung nakaraan. Dalawang halik yun ah? 



"Ano ka ba? Curious lang naman ako kung lasang labi ba o lasang mars, jupiter, saturn or whatever!" Napatigil ako sa paglalakad ng mag-flashback sa isipan ko ang sinabing iyon ni Aubrey, ilan beses nang nagflashback sa utak ko wengya. Kaya nga hindi ako nakatulog nung araw na yun. Halos magulong ko na yung kabuoan ng kama ko. Nasuntok ko pa siya pagkauwi psh.




Actually nalito ako sa sinabi nyang iyon kasi naman kung ano-anong planeta pa ang sinabi e lasang labi lang naman iyon! At saka masarap sya--




"Ay masarap!" Gulat na sabi ko ng itulak nako ni Aries. Halos tumilapon ako sa daan pero buti nahawakan niya ako bigla kaya hindi tumama yung mukha ko sa simento. Phar, ang daming tao oh! "Bwisit kang alien ka. Lagot ka sa akin sa bahay grr." mahinang bulong ko sabay sinamaan siya ng tingin.




"Anong masarap? Kala ko ba hindi kinakain yung paputok?" Tanong nya. Isuksok ko sa lalamunan niya yung paputok, makita niya. "Ano ba flavor ng paputok, may flavor ba?" naririndi na ako kaya mas sinamaan ko siya ng tingin. Pikon na ako dito. Kanina pa ako binabara nitong alien na to. Suntukin ko kaya puson nito?

My Love From the Other PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon