Chapter 17

2K 15 0
                                    

Kailee's POV

Dalawang araw na ang lumipas at ngayon ay nandito na naman kami sa Davao. Ang dalawang araw ko ay ginugol ko sa kapatid ko dahil namimiss ko na sya. At ngayon ay nag-aayos ako nang gamit na dinala ko dito sa Davao. Si Erick naman ay dumeretso sa kanyang sariling kwarto.Maayos naman ang pakikitungo nya sakin kanina na magkasama kami, parang kinalimutan na nga nya ang nangyari kaya sana makalimutan ko na din yun.

Nagmamadali akong lumabas sa kwarto ko at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig dahil napagod ako sa byahe namin kanina.Napansin ko na wala si Erick, siguro ay nandun nayun sa working site, kaya pumunta din ako ka agad para masimulan ko na din ang aking trabaho. Mabuti nalang na malapit lang dito ang lugar kaya naglakad nalang ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakikita ko ang mga construction worker na busy sa kanilang mga trabaho.Kaya lang napansin ko kaagad ang anyo ng lalaking nakatayo habang may kausap na dalawang trabahante.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang anyo.Dashing in his simple black shirt, I swallowed hard. Nothing can distract me. I am really here just for my job. But damn I can't take off eyes from him. He's wearing a simple black shirt and dark maong pants.

Naglakad siya kasama ang dalawang construction workers at parang may itinuro sya sa kung saan, habang tumatango siya roon at nagsusulat sa hawak na clipboard.

Patuloy akong naglakad patungo sa kanya.Sa suot kong white shirt at high waist black pants at sneakers ay kumportable akong naglakad patungo kung saan nandun si Erick.Mabilis kong inayos ang aking sarili ng nakalapit ako sa kanya at saktong umalis na din yung dalawang kausap nya.

"Hey" sabi ko sa kanya.Lumingon naman sya kaagad sya sakin at tiningnan ang suot ko.

"You're here, but you're not wearing a proper attire" iritang sabi nya.

"Proper attire? Eh ikaw nga hindi din!" Sagot ko sa kanya.

"Tsk! Sanay na ako sa trabaho ko at ikaw ay hindi, sana man lang ay nag suot kang hard hat" Naiinis nyang sabi.

"Well, don't worry sandali Lang naman ako dito" pagdadahilan ko.

Tinaas nya ang kanyang isang kilay habang ibinabaling ang mga mata sa kanyang clipboard. Hindi niya na ako pinansin.Kitang-kita ko ang titig niya sa clipboard at ang pag-angat niya ng tingin sa building na hindi pa natatapos, seryoso at halos nagkakasalubong ang mga kilay.

"Staring at me again" biglang sabi nya na hindi tumingin sa kin.

"Sorry!" Nahihiyang sabi ko at tinuon ang tingin sa mga construction worker na nag ta-trabaho.

Habang nililibot ko ang aking paningin sa buong building na hindi pa natatapos ay may napansin ako sa itaas na parang may malaking kahoy na parang mahuhulog na. Kaya bigla akong kinabahan at biglang tumingin ng mabilis kay Erick na busy sa pagsusulat at doon ko napag tanto na kay Erick yun mahuhulog kung sakali at mababaksakan sya.Kaya mabilis ko syang tinawag.

"Erick!" Lumingon sya sa akin na nagtataka kung bakit ako sumigaw.

"Erick! Umalis ka dyan--!" Pero hindi nya sinunod ang sinabi ko, kaya napansin ko na mahuhulog na yung malaking kahoy.
Tumakbo ako patungo sa kanya at tinulak sya nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat.

Kasabay ng malakas kong pag singhap ang pagkatulak ko kay Erick.Pero bago pa ako gumalaw ay may tumama na sa ulo ko ang matigas na bagay dahilan  para mawalan ako ng malay.

The last thing I heard was Erick calling my name.

"Kailee! Kailee!"

The Hired Mistress (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon