Chapter 2

3.8K 21 0
                                    

Kailee's POV

    "I'm very sorry to say this Ms.Kailee but your brother was diagnosed with Pancreatic cancer and did you know that 95% of people with pancreatic cancer die from it. So as soon as possible kailangan niyang ma-operahan because it's getting severe it can lead to his death" pagpapaliwanag ni Doc. Anne sa akin.

My heart is about to explode. I didn't expect na magiging ganito kalala ang sakit ng kapatid ko. He's just 12 years old at nakakaranas na sya ng ganitong sakit. Bakit ang kapatid ko pa?

"Doc, nagmamaka-awa po ako sa inyo, gawin nyo po ang lahat, upang gumaling ang kapatid ko" hindi ko mapigilang umiyak sa sitwasyun ko ngayun.

" Gagawin ko lahat ang makakaya ko Ms. Kailee. But the operation is quite expensive" nag-alalang sabi ni Doc Anne.

"Please! Doc kahit magkano po basta mabuhay lang ang kapatid ko, Hindi ko gustong maranasan ulit mawalan ng pamilya. Sya Nalang ang meron ako." Nag mama-kaawang sabi ko.

" It's 956,000,000 hindi pa kasali dyan ang maintenance na gamot at ilang araw nadin kayong nandito sa hospital, wala pa kayong nabayaran" mas lalo akong napaiyak sa narinig ko. Saan ako kukuha ng ganong kalaking pera? 150 lang meron ako at wala akong trabaho dahil high school graduate lang ako.

"Please po Doc, gagawa po ako ng paraan. Basta po ma-operahan lang ang kapatid ko.

"Naiintindihan kita Ms.Kailee, dahil ikaw na lang ang nag-aalaga sa bunsong kapatid mo. Pero sana magawan mo na ito ng paraan sa madaling panahon dahil nagtratrabaho lang din ako"

"Wag po kayong mag alala Doc mag hahanap po ako ng trabaho bukas na bukas para makapambayad na po ako at ma operahan napo ang kapatid ko"

"Sana nga Ms.Kailee makahanap ka na ng trabaho sa madaling panahon"

"Sige po Doc maraming salamat po,"

"Sige Ms. Kailee you can go now" at lumabas kaagad ako sa opsina nya.Kaagad akong pumunta sa kapatid ko.

"Ate!" Tawag ni bunso sa akin. Kahit may malalang sakit sya di parin nawala sa kanya ang pagiging masigla. Pakiramdam ko kasi na ayaw nyang ipakita sa akin na nasasakatan sya.

"Kyle, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya at umupo kaagad ako sa tabi nya.

"Ok na ako ate! Wag kanang mag-alala sakin kasi parang stress na stress kana" malungkot nyang sabi.

"Sorry bunso, hindi ko lang maiwasang mag-alala sayo." Sabi ko tapos I hugged him.

"Ok lang ate. Pero wag mo nga akong tawaging bunso, dapat Kyle, dahil bigboy na ako ate!" Inis nyang sabi.

"Ito talagang si buns- Kyle!  Ok kung yan ang gusto. Pero dapat magpaggaling ka ha? para maka uwi na tayo sa bahay, diba gusto mo nang umuwi?" Tanong ko.

"Oo naman ate! gusto ko na talagang umuwi" malungkot na sambit nito.

"O sige, bibili muna ako ng pagkain sa labas, ano ba ang gusto mo bunso?" Masayang sabi sa kanya.

"Fried chicken ate! Gusto ko ng fried chicken!" Nagagalak na sabi nito.

"Ok, bibili ako ng fried chicken,"

"Yes!"

"Dito ka lang ha? Bibili lang ako dyan sa labas"

"Ok po ate!"

Pumunta kaagad ako sa labas para bumili ng pagkain, Mabuti nalang may restaurant dito malapit sa labas sa hospital.

"Dalawang fried chicken ho,take out". sabi ko.

"Ok po miss"

Pagkatapos kong bumili ay kaagad akong bumalik. Habang nag lalakad ako ay may nakita akong wallet kaya kinuha ko agad at tumingin kaagad ako sa paligid  nagbabasakaling makita ko ang nagmamay-ari ng wallet na napulot ko. May nakita akong babaeng may kausap sa phone kaya nilapitan ko ka agad.

"Yes, can you just send the document in my house? Because I'm not working today" sabi nito.

"Yes ma'am Jane Mendoza" sagot naman sa kabilang linya.

"Ok thank you!" Tapos binaba na nya ang tawag. Kaya kinausap ko na sya.

"Excuse me Ma'am, sayo ba tong wallet nato?" tanong ko at humarap na man sya sa akin.

"Wallet? Teka lang" sabi nya habang tiningnan nya ang wallet,  kaya binigay ko naman sa kanya.

"Sakin nga! napaka clumsy ko talaga, maraming salamat Miss" pagsasalamat nya sakin.

"Walang ano man po, sige po a-alis napo ako" pagpapa-alam ko.

"Teka Miss! kung gusto mo pumunta muna tayo dyan sa restaurant para naman makapag pasalamat ako sayo" sabi nya.

"Wag napo miss, nag mamadali kasi ako, pupunta pa ako sa hospital" sagot ko.

"Hospital? May sakit ka?" Nagtatakang tanong nito.

"Wala ho, yung kapatid ko po" sagot ko.

"Ah, Sige kung kailangan mo nang tulong, tawagan mo lang ako" sabi nya habang may binigay sya sa akin na parang card.

"Maraming salamat Miss?"

"Ms. Jane Mendoza na lang" sabi nya.

"Ahh Ms.Mendoza, ako po pala si Kailee".

"Nice name" ngiting sabi nito.

"Salamat po Ms.Mendoza,bsige po aalis napo ako."

"Bye take care" sabi nya habang papaalis na ako.

The Hired Mistress (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon