Chapter 36

26 13 0
                                    


                      Chapter 36

Jerick's Pov

Andito ako ngayon sa  bahay ni Mitch ang kulit ni Princess hindi nawawalan ng kuwento. Sabagay ganyan na ganyan si Mitch kapag gusto niya hindi niya  titigilan. Sobrang suwerte ko sa kanila dahil tinuturing nila ako kapamilya kaya love na love ko si Mitch. Napatingin ako kay Princess 'yong mukha niya hindi mapinta sino kaya katetxt niya. Napatingin siya sakin.

"Oh! Bakit kuya EM, may dumi ba ako sa mukha?"

"Wala naman, sino ba 'yan katext mo nakasimangot ka."

"Naku kuya EM hindi ka text, tingnan mo ginawa niya  pinakita niya sa akin." Nagulat ako sa  post sa kan'ya.

"Mahal na mahal kita Princess queen ko love ko forever." Napatingin ako sa kan'ya.

"Kakainis siya kuya EM ang kulit sinabi ng hindi ko siya gusto. Ang kulit-kulit paano 'to, alam na ng buong campus namin. Sigurado ako pagtsisimisan na naman ako. Nakakagigil siya eh!" Natawa ako kay Princess ganyan na ganyan kami ni Princess laging nagbabangayan.

"Oh bakit nakatawa ka kuya EM."

"Wala, bakit kasi hindi mo siya bigyan ng chance."

"Naku kuya EM sa pagmumukha non wag na lang  babaero."

"Guwapo naman."

"Kuya naman oh!" sigaw niya. Natawa ako bigla na lang lumapit si Mitch hindi namin napansin.

"Oh anong kaguluhan 'yan?"

"Hay naku ate, umalis na nga kayo." Hala! Siya biglang nag-iba mood niya. Manang-mana sa ate niya .

"Tara na."  Yaya ni Mitch sa akin.

"Teka lang babes, paalam muna tayo kay Tita Pinky."

"'Wag na kuya ako na magsasabi. Alis na nga kayo nilalanggam ako sa inyo." Umalis na nga kami.

"Nangyari do'n sa kapatid ko?inaway mo ba?" Napatingin ako sa kan'ya tawang-tawa.

"Alam mo parehong-pareho kayo ng sister mo. Ang gulo kausap."

"Ah gano'n." Sabay niya palo sa akin.

"Nasasaktan ako. Nagddrive pa naman ako."

"Ikaw kasi babes." Hinawakan ko kamay niya.

"Ok lang kahit moody ka, mahal na mahal kita."

"Ah! Gano'n moody ako." Tawang-tawa ako 'yong mukha niya kasi nakasimangot din tulad ni Princess. Sabay irap niya hindi niya ako pinansin.

"Babes maganda ka naman." Tawa kong sabi sa kan'ya.
"
Maganda ka diyan kung makalait ka wagas. Alam mo bang dinamdam ko sinabi mo na mukha akong tipaklong tapos sinabihan mo pa ako may baba ako. So ngayon maganda ako." Sabay irap niya sakin.

"Babes naman lambing ko sa'yo 'yon. Ikaw kaya nag simula sinabihan mo akong mokong."

"Eh! Kasi naman ikaw, nakakagigil ka minsan ang kulit mo." Napahinto ako. Nasa school na kami nakaharap ako sa kan'ya.

"Babes lambing ko sa'yo 'yon ang manhid mo kasi, tapos nakakaselos pa kay Justine pansin na pansin ko nakasimangot ako."  sabi sa kan'ya may pasayaw sayaw ka pang nalalaman. Nakita ko sa mukha ang saya-saya mo matalo kami. Napatingin siya sa'kin bigla.

"Babes hindi naman sa gano'n. Ikaw kasi kung  hindi mo ako inaasar edi sana idol kita." Natawa ako sa sinabi niya.

"So, ngayon idol mo na ako." Tumango lang siya natatawa.

Looking For The Love ( Jerick/EM And Mitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon