Chapter 59

17 6 0
                                    


Chapter 59

Mitch's Pov

"Ate! Ano ba bilisan mo na riyan?"

"Oo na, ang ingay mo.
Bakit ba?"

"Malalate na ako."

"Malalate oh, gusto mo lang magpapansin sa bago mong crush." Tawang-tawa ako
Nakasimangot si Princess.

"Nakakainis ka ate alam mo 'yon."

"Tara na nga binibiro ka lang. Ihahatid mo ba talaga ako?"

"Oo, hihiramin ko sasakyan mo. Kakainis si kuya kinuha kotse ko porket bago."

"Oh siya! Hiramin muna magkikita rin kami nila Joyce, Ara at Janna. Girls bonding malapit na kasi ikakasal si Ara at Len alam mo na girls bonding daw kami."

"Naku ate! Tigilan mo riyan sa girls bonding niyo, magboboyshunting sabihin mo." Natawa ako sa sinabi ni princess. Kaloka kasi minsan na namin sinama si Princess, akalain mo 'yon nakigulo rin sa amin. Game na game kaya ganyan siya kamalas kasi 'yong pinakainiiwasan niya lalaki sa school nila siya pa nakapair niya, 'yan kasi nagagawa pagsama kila Janna at Joyce natatawa ako sa itsura ni Princess.

"Tara na nga." Sabay hila ni Princess sa akin. Nakasunod ako nakatawa sa kan'ya. Hinatid na niya ako sa work ko. Pagbaba ko sinalubong agad ako ni bakla. Bakla tawag ko sa kan'ya.

"Girl alam mo ba kahapon may may naghanap sa'yo?" Napakunot noo ako kay bakla.

"Di ba mga girls may naghanap kay Mitch?"
Sabay-sabay sabi nila

"Correct ka riyan bakla!"

"Ang guwapo niya Mitch, ang hot niya grabe Mitch boyfriend mo 'yon?"

"Anong pinagsasabi niyo? Tigilan mo ako bakla ang aga-aga may issue agad."

"Naku girl hindi issue totoo kaya," sabi niya boyfriend mo siya?Naguluhan ako sa kanila. Iniwan ko sila. Nakasunod si bakla ayaw ako tantanan.

"Girl ano ba? May LQ kayo. Gusto mo akin na lang siya." Tawang-tawa si bakla.

"Naku bakla ka, sayong-sayo na."

"Talaga natuwa pa siya. Sinabi mo ko."

"Wala ng bawian."

"Oo sabi."

"Ang cute guwapo niya alam mo 'yon. Ang sarap amoy amoyin." Tawang-tawa si bakla na patingin lang ako.

"Sige girl mauna na ako sa'yo may ipapasa pa ako, naku darating naman 'yong boss natin napakasungit." Natawa ako masungit nga boss namin. Tumuloy na ako sa office. Ang dami kong ginagawa hindi ko namalayan ang oras tanghali na pala, kung hindi pa kumatok si Janey hindi ko pa malalaman oras na pala magtanghalian.

"Oh busy ka na naman?"

"Oo nga eh, tinatapos ko kasi."

"Mabuti pala pinuntahan kita rito, Tara sa canteen?" Sabay na tayo.

"Hindi kayo kakain sa labas ni Shawn?"

"Naku! Hindi naglasing kagabi hindi nakapasok ayon masakit ulo niya."

"Ok ka na ba?" Sabay lapit niya sa akin .

"Oo naman."

"Tara na baka magkasakit ka pa niyan." Nakasunod ako sa kan'ya.

"Sa labas na lang tayo riyan sa may kanto."

"Sige!" Namiss ko rin atsaka may pag-uusap kami ni Janey sa ginawa niya kalokohan. Nakasunod ako kay Janey. Busy sa kausap sa phone nakikinig lang ako. Kung makakilig naman si Janey oh! Akala ko ba masakit ulo ni Shawn, ako nga konti lang naiinom ko maghapon sumakit ulo buti na lang may work kapatid lagot ako sa dalawa hindi pa ako handa magkuwento na nagkita ulit kami ni EM 3taon na hindi siya nagpakita. Simula na balitaan ko na nagpunta siya america kinalimutan ko na siya pero bakit gano'n tumigil puso ko ng makita ko sa ulit? Ang gulo utak ko kakaisip kasalanan ito lahat ni Janey. Gumawa naman siya hindi ko alam.

Looking For The Love ( Jerick/EM And Mitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon