CHAPTER 7- He's back?!

44 0 1
                                    

Monday na naman. Parang kailan lang nung binubuhat nya ako at umaasang babalik sya. Hayy~

Tama  na nga ang kadramahang ito. Papasok na ako sa school kahit tinatamad pa akong mag-aral. Well, sino naman nagsabing nag-aaral ako?  E halos whole period ng klase, SYA lang ang iniisip ko? Hindi ko naman sya pwedeng titigin, baka makahalata -_-

------

Nasa school na ako. Hindi ko pa nakikita mga BFF ko kaya dumiretso na ako sa room. Pagkadating ko sa room, andun na pala sila. Hindi man lang ako hinintay nga mga to. :S

“Hoy mga babae! Di nyo man lang ako hinintay” sabi ko, sabay hagis sa bag ko sa may chair.

“WOOOW! Makapagdabog lang ha? Sorry na BFF!”  sabi ni Kamz. Haay. Kailan ko naman ba natiis tong mga to?

“Okay. Forgiven!” sabi ko.

“Haha! I love you BFF Kri!” sabi ni Gem. Huwaaaw. Anong meron?

“Anong kailangan mo, ha?” I said sarcasticly

“Tss. Wala ah!” sabi ni Gem. Tumawa nalang ako.

“O, ba’t parang ang saya mo,ha?” sabi sa akin ni Pam. Bakit ba? Masama bang maging masaya? Pero honestly, maynaf’feel akong magandang mangyayari? Hmm. Ano kaya yun. Bahala na nga! Mahirap mag-assume!

“Masama ba?” sabi ko sabay smirk

“May sinabi ba ako?” sabi ni Pam

“Wala!” sabi ko. Magsasalita pa sana si Pam nang biglang maputol dahil dumating na si Ms.T.

At syempre, nag transform kami bigla. Dali-dali kaming pumunta sa seats namin.

WOOOW. Pag meron lang teacher, dun lang magpapakabait ha? Hahaha. Well, that’s life. >:D<

“Good morning class!” sabi ni Ms.T

“GOOD MORNING MS.T!” masayang sabi ng buong section.

“Siguro, alam nyo naman na ang balita dba?” sabi ni Ms T. Anong balita? O_O

Ang daming nagbubulungan. Yung tinutukoy ba ni ma’am yung transferee? Bulong ng isa. Ano kaya yung balitang yun? Sigaw naman nung isa.

Jusko! Di naman sila excited ne? Malalaman ko naman yan mamaya e.

Sumandal nalang ako sa may arm chair ko. Umagang-umaga, inaantok ako. -_-

“Okay, you will have a new classmate” Ms.T

Nung sinabi yun ni ma’am, nagising kaluluwa ko. AyKKK.

May nagtransfer? Ay. Malamang. New classmate nga dba?  >.<

Pumasok na yung so-called NEW CLASSMATE namin.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” tili nung mga babae. Pati sina Gem, Pam at Kamz, tumitili rin. Nakita ko naman sina Ken, Justin at Phil na parang nagseselos kasi tumitili mga BFF ko.

Pagkakita ko sa NEW CLASSMATE ko.

O___________O

“NIEL?” sabi ko. Pero di gaanong malakas. Narinig yata ni Zach kaya tinanong nya ako.

“Kilala mo?!”  tanong ni Zach

“OO!” yun na lang nasabi ko kasi sobrang nagulat ako sa nakita ko.

Hindi ako nagulat dahil sa nakakatakot ang mukha nya, kundi bakit andito sya?!

Inintroduce na ni Niel  yung sarili nya sa buong klase.

Secretly Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon