[ZACHS’S POV]
Saturday night:
Nakakaboring naman dito sa bahay. Wala nalang palaging ginagawa. Matext nga si Kri. Kung okay na sya. Naaalala nyo pa ba nung madapa si Kri nung nagbabadminton sya? Yun ang dahilan kung bakit ko sya kakamustahin.
To: Krizha Morgan
Kri, okay ka na ba?
Mga ilang minuto din akong naghintay sa reply nya. At yun, after 12 minutes, nagreply din sya. Di naman sya gaanong mabagal magreply eh no? -_-
From: Krizha Morgan
Ah. Okay naman na. Salamat sa pag-aalala :)
O___O
Huh? Alam nyang nag-aalala ako?
Malamang, tinanong ko sya kung okay na ba sya e. >.< TANGA ko talaga!!
Pero medyo nakokonsensya parin ako sa ginawa ko sa kanya. Pano ba naman, sinabi ko pa sa kanyang babalikan ko sya sa clinic noon tapos di naman ako nakabalik.
Pano ba naman kasi, ang daming inutos sa akin ni Ate Alexxa. Kahit gaano pa ako katagal mag-explain sa kanya na babalikan ko si Kri, di sya pumayag. Mahalaga daw kasi yung aasikasuhin ko. Para na rin nyang sinabing di mahalaga si Kri >.<. Kaya ayun, sinabi ko nalang sa mga BFF nya na di na ako makakabalik kasi madaming gagawin. Haay~
Paano kaya ako makakabawi sa ginawa ko sa kanya?
Kung yayain ko kayang lumabas bukas?
Ay. Wag na!!
Pero anong gagawin ko?! Okay. No choice. Yayayain ko nalang sya.
To: Krizha Morgan
Uhm. Kri, may gagawin ka ba bukas? Kung wala, labas tayo. Para makabawi ako sa ginawa ko sayo. =))
Nagreply sya agad
From: Krizha Morgan
Wala naman. Pero magsisimba kasi kami ng umaga. Sama ka nalang kung gusto mo.
Sasama ako sa kanilang magsimba?!
Hay. Osge na. Sasama na lang ako. At yun, tinext ko sya na sasama ako.
------
Sunday morning.
*RIIIIIIIIIIING*
Anebeyen!! Wala namang pasok ngayon ah!! Ang aga naman!! Hindi naman din kami magsisimb---
AHHHHHHHHHH! Magsisimba pala kami ni Kri.
After 30 minutes, tapos na akong mag-ayos. Syempre, para dagdag pogi points! JOKE :P
Pumunta na akong simbhan. At nakita ko si Kri.
WAIT! Yung kasamang lalaki ni Kri. Sya yung......
Hinalikan nya dati sa may cheeks, sa loob ng kotse! (refer to Chapter 3 )
Kaya ba nya ako sinama dito, para makita ko sila ng boyfriend nyang sweet na sweet sa isa’t isa?!
Aalis nalang ako.
Pero may tumawag sa pangalan ko at lumingon naman ako.
Si Kri. Papalapit sa akin. Kasama yung boyfriend nya at isang maliit na babae. Kapatid nya siguro.
“Uy!”
Kailangan ba nya talagang ipamuka sa akin na masaya sya?!
“UYYYY!”
BINABASA MO ANG
Secretly Falling In Love
Teen FictionSa lahat ng magbabasa, SALAMAT! Sana magustuhan nyo =))