CHAPTER 10- :))

24 0 0
                                    

[KRI'S POV]

Pumunta na kami ni Niel sa clinic, pinainom nalang nung nurse ng gamot si Niel. Kailangan na rin daw nyang maglunch, kaya pumunta na kami ng cafeteria.

"Zhazha, bili na tayo ng food" matamlay na sabi ni Niel. The way he speaks pa lang, halata mo ng may sakit sya. Kawawa naman ang aking bestfriend

"Niel,, di man ako bibili e. Samahan nalang kita :)" -Ako

"Ah ganun ba. Sge, okay lang, kahit wag mo na akong samahan." -Niel

"Sasamahan kita, okay? Tara na" -Ako

"Wag na nga dba?" -niel

"Pero Niel.."

"Wag ka ng makulit Zhazha, mauna ka na doon kina Kamz, bibili  lang ako, okay?" -Niel

At dahil isa akong masunuring bata, sinunod ko na lang yung utos ng aking bestfriend. Di ko na sya kukulitin. Baka mairita pa sa akin. Hahaha!

Pumunta na ako sa table nila Kamz, tapos na rin silang kumain. Nagkukwentuhan at nagtatatawanan nalang sila.

"Oh, BFF! Anjan ka na pala!" -Kamz

Ay, wala, wala, kaluluwa ko lang to, dinadalaw kayo!!! Hihihi, corneeh!

"Ah, oo. Kanina pa. Haha" -Ako

"E nasaan si Nathaniel my labs?" -Denie

"Baliw ka talaga Denie, andun, bumili ng food nya" -ako

"BFF! Baka gusto mong umupo?!" -Pam

"Hahaha. Salamat" -Ako

And as usual, nagkwentuhan kaming mag BFF at barkada ni Zach.

Teka, bat wala dito si Zach?!

"BFF! Si Zach?" -Ako

"May kinuha daw sa classroom" -Gem

"Ah, okay" -Ako

At tinuloy na namin yung pinagkwekwentuhan namin. At SHOOT! May nakaagaw ng pansin naming lahat. Mga students na nakapalibot. Anong meron?

"Shit! Si Zach at Nathaniel, nag-aaway!" -Phil

Oh-Em-Giiiiiiii!!! Anong gagawin ko? 

Tumakbo nalang ako papunta sa kanilang dalawa. Oh, damn, malapit ng suntukin ni Zach si Niel!

"ZACH! ANO BA BITAWAN MO NGA SYA!" -ako

Napatingin naman sa akin si Zach at binitawan si Niel. Dali-dali kong pinuntahan si Niel. 

"Niel, okay ka lang ba? -Ako

Hindi ko na hinintay na sumagot si Niel dahil alam ko namang hindi sya okay. 

Tumingin nalang ako kay Zach ng masama sabay sabing "Ano bang problema mo ha, Zach? Kita mo na ngang nilalagnat si Niel, tapos mag-aaway pa kayo! Ganyan ka na ba katrip at walang magawa sa buhay at  nakikipag-away ka nalang?! Baka makalimutan mong V-President ka ng student council? Ganyan na ba umasta ngayon ang mga vice president, ha?! Akala ko matino ka! Akala ko iba ka sa mga lalaki jan sa paligid. Oo nga, iba ka, dahil mas malala ka sa kanila!"

"Tara na nga Niel!" -Ako

Srsly, hindi ko talaga alam kung sino ang kakampihan ko. Naawa  lang siguro ako nung makita ko si Niel na napaupo sa sahig nung binitawan sya ni Zach kaya sya ang tinulungan ko at parang lumabas na sya rin ang kinakampihan ko. Haaay. Dahil sa aking bungangang walang preno sa pagsalita, yun tuloy, kung anu-ano na ang nasabi ko kay Zach. Well, I didn't mean it. Hindi ko talaga sinasadyang masabi yun. ZACH, PATAWARIN MO KO >:(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon