CHAPTER 9- NO RIGHTS

18 0 0
                                    

3 days have passed nung nagtransfer si Niel sa university kung saan ako pumapasok. Okay naman kami. Close din kasi sya sa mga BFFs ko. Pero kahit nasasabi kong okay kami, may part pa rin sa akin na nalilito. Kasi bawat tanong ko sa kanya kung bakit nya ako biglang iniwan.. "IT'S NOT THE RIGHT TIME FOR YOU TO KNOW" yan ang lagi nyang sagot. Bakit?! Bakit ganon ang sagot nya?! NALILITO AKO!!

Si Zach? Kamusta kaya sya? Kamusta kami? Kung may KAMI. Haha. Di kasi kami nakakapg-usap. Palagi nalang syang busy. O kaya naman, ako ang busy. Kung may chance ako para makausap sya, nawawala din kasi bigla nalang nyang sasabihing, "SORRY, I AM BUSY". Busy daaw sya?! Kahit HINDI naman. Hay nakooo.

At pag nagsama na tong dalawa (Niel & Zach), parang World War III na dahil sa init ng dugo nila sa isa't isa! Anong meron sa kanila!

OKAYYY> BACK TO REALITYY~

7:15 na at nandito na rin ako sa school gate. Nakita ko si Zach kaya nilapitan ko na sya.

"UY ZAAAACH!!" -ako

"Ano ba yan Kri. Umagang-umaga sumisigaw ka!" irita nyang sagot. Hala. nainis yata sa akin -__-

"Hehe. Sorry na!" -ako

"Sorry sorry ka jan. pasalamat ka mahal kta" -Zach

Ano daw? Di ko kasi narinig yung huli nyang sinabi e.

"Ano? Di ko narinig ee!" ako

"WALA!" - Zach

At naglakad na kami. Medyo tahimik kami kasi walang nagsasalita. Sabay na kaming nagpunta sa room

Nung makarating kami sa room, nakita ko si Niel. Nag-usap-usap kami hanggang makarating na si Ms.T at nag discuss ng kung anu-ano.

--

Lunch na! YEHEEEY!

Pupunta pala kami sa rooftop may surprise daw kasi si Phil kay Gem. Kasi nga, nag-away daw sila.

"Ang sweet naman nitong si Phil" sabi ko

"Oo nga bakla. May pa-flowers flowers chorva pang nalalaman" -Denie

Nga pala, may petals ng rose na naka shape na heart. Tapos yung heart na yun, doon tumayo sina Gem at phil. 

Binigyan ni Phil si Gem ng flowers at nag-explain. Pagkatapos nyang mag-explain, may hinugot sya sa bulsa nya... isang red na box.

RING NA MAY HEART! Yan ang laman! Sinuot ni Phil yun kay Gem sabay sabing "Thankyou for giving me another chance. I promise to do nothing but to love you"

GRABEEEE! Ang sweet!! 

At ayun sabay-sabay kaming nag YIIIIE.

"Ang sweet!" sabi naming mag-BFF

"Sweet na ba yan para sa inyo?" -Zach

WAA! Andito pala si Zach sa tabi ko! Di ko man lang namalayan dahil sa sobrang kilig ko dito sa dalawa!

"Sus. Ikaw nga, di marunong manligaw. Anong panama mo kay Phil!" pambabara ko sa kanya

sabay-sabay tumawa yung mga BFF ko

"Tss. Di mo lang kasi ako alam kung pano manligaw. Mas sweet pa ko dyan sa ungas na yan." sabi ni zach

"SUS! TORPE!" sabi ko

"Wag ko akong sabihan ng torpe. Baka maligawan kita ng wla sa oras e! ;)" sabi nya with a smile. At nag wink pa sya

Waa! >///////<. Okay. Keep calm Kri.

"AYIIIIIIIIIIIE" sabi ng mga kasama ko dito -___-

"Bwahahahaha! Dumadamoves na si Zach!" sabi ni Ken

Sus.If I know, pinagtritripan lang ako nito. :(

"Im serious." - Zach

WHAAAT! SYA? SERIOUS! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Ayoko na! Sana huminto ang oras!!!! PLEASSE! HAHAHA

Pero ayun, tadtad kami ng tukso. Nakababa na kami. Papunta na kami ng Cafeteria. Ang tahimik yata si Niel? Di ko man naririnig yung boses nya?

"Niel, okay ka lang ba?" -ako

"Ah. Oo" -Niel

Alam kong di sya okay. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko sya. Ang init nya. Madala nga sa clinic.

Ayaw ko mang iwan sina Zach dito, pero kailangan kong gawin. Hahaha. Magdrama ba? 

"Guys, punta lng kmi ni Niel sa clinic. Nilalagnat yata to e."-ako

Tumango nalang yung mga bffs ko at yung grupo nila Zach

[ZACH'S POV]

Papunta na kami ng cafeteria pero tadtad pa rin kami ni Kri ng tukso. Hindi naman nakakainis e. Kasi tinutukso ako sa crush ko. Alam nyo ba yung feeling na nililink kayo sa crush nyo? Ganun ang feeling ko ngayon. BWAHAHAHAHA

Habang papunta kami ng cafeteria, umepal naman itong si Nathaniel. Nilalagnat daw sya e. Dadalhin ni Kri sa clinic. Tumango nalang kami. Baka kung mapano pa yun. Haay. Panira talaga ng moment.

Ayun,kumain nalang kami habang hinihintay sina Kri. Lumabas ako saglit ng cafeteria at may kinuha sa classroom.

After 5 minutes, bumalik na rin ako. Dala- dala ko yung notebook na kinuha ko sa room. Makrereview muna ako para sa quiz mamaya.

Nung bubuklatin ko na yung notebook...

*BOOOGSH*

WTF!! Nabangga na nga ako, natapunan pa ako ng Nestea! Takte naman oh!

"Ano ba? Bulag ka ba?" -Ako

Punyemas, si Nathaniel pa pala tong nakabangga ko.

"Ay sorry Zach!"-Nathaniel

"Sorry mo your face! Nakita mo ba to? Nabasa pa ako!" -ako

Ewan, bat ang harsh ko magsalita pag dating kay Nathaniel.

"Nagsosorry na nga dba?! Napakaliit na bagay. Pinapalaki mo.G*go!" -Nathaniel

"Ako pa ngayon ang ginagago mo? Samantalang ikaw na nga ang nakabangga at nakatapon ng nestea sa akin! E mas gago ka pala e! -Ako

"Tang ina mo! G*ago!" sabi ni Nathaniel.

Nagmurahan pa kami hanggang sa nakwelyuhan ko sya ng di ko  napansin. Malapit ko na syang suntukin at that time sa sobrang inis ko sa kanya

"ZACH! ANO BA! BITAWAN MO NGA SYA!" sbi ng isang babae. Kilala ko kung kaninong boses yun, kay Kri. Nung sinabi nya yun, automatic naman na nabitawan ko si Nathaniel.

Nung binitawan ko si Nathaniel, napa-upo sya sa sahig 

"Niel! Okay ka lang ba? Ano bang problema mo ha, Zach? Kita mo na ngang nilalagnat si Niel, tapos mag-aaway pa kayo! Ganyan ka na ba katrip at walang magawa sa buhay at  nakikipag-away ka nalang?! Baka makalimutan mong V-President ka ng student council?!!! Ganyan na ba umasta ngayon ang mga vice president, ha?! Akala ko matino ka! Akala ko iba ka sa mga lalaki jan sa paligid. Oo nga, iba ka, dahil mas malala ka sa kanila. Tara na nga Niel" sabi nya sabay alalay kay Nathaniel papalabas ng cafeteriia

HUWAAAAW! Ako pa ngayon may kasalanan. Well, may kasalanan rin naman ako dun dahil sa pagpatol sa kanyya. Pero at the same time, may kasalanan rin sya.

Ngayon ko lang nakita sobrang magalit si Kri. Oo, masakit yung mga sinabi nya sa akin. Pero ano naman ang magagawa ko, totoo naman yung sinabi nya e. Ng dahil lang kay Nathaniel, nagalit sya sa akin ng sobra. -.-

Pero seriously?! Medyo nagselos ako, kampihan ba naman yung langyang Nathaniel na yun. Oo nga pala, I HAVE NO RIGHTS. Sino ba naman sayo para kampihan mo? Haay Krizha Morgan. Ba't mo ako ginaganito?

********

HAHAHA! Sorry guys kung pangit to. Pagpasensyahan nyo na. VOTE AND COMMENT NAMAN PLS. :)

Secretly Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon