Chapter 2

158 6 0
                                    

-Chapter 2-

"There are people are meant to stay forever in our life and there are also people who meant to hurt us just to make us stronger"


-------

Natapos na silang maglinis ng silid kaya umupo na sila sa kanilang mga upuan. Katabi niya ngayon si Ana at yung babaeng nagngangalang Mylane. Nasa magkabilang dulo ang kinauupuan nila Hannah at Mylane samantalang si Ana naman ang naka-upo sa gitna. Malapit si Hannah dun sa bintana ng silid kaya nakikita niya ang mga estudyante na dumadaan sa kanilang silid.

Tahimik pa yung silid nila kasi hindi pa nila masyadong kilala ang bawat isa.

Nagkaroon ng lakas ng loob si Hannah na kausapin si Mylane upang makipagkaibigan dito.

"Hi! Ako nga pala si Hannah. Ikaw anong pangalan mo?" tanong niya kay Mylane at ngumiti dito. Kahit alam na nito kung ano ang pangalan ni Mylane ay tinanong niya parin para makipag-kaibigan kay Mylane.

"Ako pala si Mylane." sagot naman ni Mylane at ngumiti rin siya kay Hannah.

Naging panay na ang kwentuhan nila sa silid at hindi inakala ni Hannah na masyado palang palatawa itong si Mylane. Sumabay narin si Ana sa kanila maging si Aimie na nasa harap ni Mylane naka-upo ay sumabay narin sa pag-uusap. Dating magkaklase kasi sina Mylane at Aimie kaya hindi na masyadong nakaramdam ng hiya si Aimie na makisali sa usapan.

-------------

Naging maganda naman ang pagkakaibigan ng apat, masasabi nating magkalapit na kaibigan na sila kung tutuusin. Sabay sila kung kumain ng lunch at sumasama kung saan pumunta yung isa. Nasa kalagitnaan na ng Hulyo ang buwan na ito.

Nagkaroon sila ng activity sa asignatura nilang MAPEH. Bawat estudyante na magkapareho ang buwan ng kanilang kaarawan ay magkapareho ng tanong na gagawing takdang aralin nila. Enero  ang buwan ng kaarawan ni Hannah, ang araw naman ay 4.

Nagbigay na ng mga katanungan yung guro nila ngunit lumilipad lamang ang pag-iisip nito habang tumitingin sa labas. At nung bumalik na ang kanyang isipan sa klase ay hindi niya namalayan na tapos na pala yung pagbibigay ng tanong sa buwan ng Enero. Nagsimula nang kabahan si Hannah dahil takot siyang magtanong uli dun sa guro nila at baka mapagalitan siya kasi nga hindi ito nakikinig. Nahihiya siya at baka mapagalitan siya sa harap ng klase.

Kaya naisipan niyang magtanong kay Ana at nagbabakasakali na alam nito ang tanong sa buwan ng Enero. Ngunit hindi alam ni Ana yung tanong kasi naka focus lang siya sa buwan ng Agosto na kaarawan niya. Kaya nagtanong nalang siya kung sino pa sa kanyang mga kaklase ang may kapareha niya ng buwan ng kaarawan niya. Nakasagot naman si Ana, at ang sagot nito ay isa lang. Isa lang ang kapareho niya ng kaarawan at ito ay lalaki. Nasa ikalawang row ito at nasa pinakahuling upuan. Masayado itong tahimik kaya nag-iisip siya kung magtatanong ba siya o hindi. Wala na siyang pagpipilian kaya sinubukan nalang niyang magtanong dun sa lalaki.

Hindi naman panget yung pagmumukha nung lalaki, masasabi nating nasa katamtaman lang. Hindi siya sobrang gwapo, at hindi rin naman kapangitan. Kayumanggi ang kulay ng balat nito at mataas Sadyang tahimik lang ito kaya nakakatakot makipag-usap dito at baka masungit ito.

Lumapit na si Hannah sa lalaking ito. Kinakabahan parin siya kaya naisipan nalang niya na makunwaring magtanong dun sa katabi nitong lalaki na hindi naman masyadong nakikipag-usap dun sa lalaking may kapareho niya ng buwan ng kaarawan.

"Uuhm, excuse me? Alam niyo ba yung tanong sa may kaarawan ng Enero? Hindi ko kasi narinig masyado, maingay kasi. Napag-alaman ko may Enero rin dito banda."

Bigla namang tumingin ng seryoso yung lalaking ka pareho niya ng buwan ng kaarawan sa kanya. Bagkos ay bigla itong sumagot kahit hindi naman si Hannah derektang nagtanong dito.

"Give some example of food preservation." sagot nung masasabi nating misteryosong lalaki. Imbes na iyong lalaking tinanong niya ang sasagot bagkos yung misteryosong lalaki ang sumagot sa kanya.

"Aaah. Okay! Tnx!" sagot naman ni Hannah.

Dali daling bumalik uli sa upuan si Hannah. Hindi niya masyadong tinititigan ang pagmumukha nito kasi nga natatakot siya at baka tapunan siya ng tingin parang nakaka-istorbo siya. Hindi naman siya nag-atubiling magtanong kung ano ang pangalan nito.

Maling Akala ( Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon