Chapter 5

136 6 0
                                    

-Chapter 5-

"I need to know my place in your life cause I might get hurt if I expect too much."

"LIFE is a balance of HAPPINESS & PAIN. So when you're extremely happy, expect the reverse after"

-------------

Umaga nung hindi pa gaanong marami ang kaklase ni Hannah sa silid ay busyng busy ang lahat sa paggawa ng takdang aralin nila sa MAPEH. Yung iba ay nakalimutan nilang gumawa kaya marami ang nagsisitayuan para maghanap nang mapagkokopyahan ng sagot.

Maswerte naman at nasagutan na ni Hannah ang 2 sa tatlong katanungan. Kaya isa nalang yung kulang niya na hindi pa nasasagutan.

Habang nag-iisip siya ay biglang may humablot ng kanyang papel, nung tiningnan niya kung sino ay si Dylan pala ito. Grabe ang kanyang nadaramang kaba sa mga oras na iyon.

"Hoy Dylan! Akin na nga yang papel ko! Wala ka namang makikitang matinong sagot diyan eh!" sagot ni Hannah. Ngunit hindi parin binalik ni Dylan ang papel ni Hannah kaya tumayo si Hannah upang kunin ito.

Itnaas naman ni Dylan yung papel upang hindi makuha ni Hannah. At dahil mataas si Dylan at hindi kataasang babae si Hannah ay patalon-talon ito upang makuha lang ang papel.

"Akin na yan!" sabi naman ni Hannah. Ngunit nakaramdam naman ng kilig si Hannah sa pangyararing iyon. Sobrang lapit lang naman kasi ni Dylan mula sa kanya, at naamoy nito ang nakaka-adik na amoy ng binata.

"Teka lang. Tinitingnan ko pa yung sagot mo sa #3." sabi naman ni Dylan at tumigil narin si Hannah sa kakaagaw nung papel.

Pumunta malapit sa broombox si Dylan upang magsulat doon sa taas ng broom box. Sumunod naman si Hannah sa kanya.

"Patingin nga ng sagot mo sa #1, wala kasi akong sagot eh" sabi naman ni Hannah kay Dylan. Kinilig naman si Hannah nung binigyan siya ng konting espasyo doon sa taas ng broom box kaya silang dalawa na ang nagsusulat doon.

------------

Habang tumatagal ay lumalalim yung pagtingin ni Hannah kay Dylan. Nagkaroon narin ng pakiramdam si Hannah na may gusto narin ito sa kanya kasi panay ang pagkahuli niya sa binata na tumitingin sa kanya.

Mas lalong lumalim yung hinala ni Hannah nung tumabi si Dylan sa kanya. Lunch kasi nun at wala silang klase sa susunod na subject. Hindi naman sila magkaibigan ni Dylan ngunit tumatabi ito sa kanya, pati narin ang pag-upo ni Dylan malapit sa kina-uupuan ni Hannah ay lalong lumaki yung hinala niya na may gusto rin ito sa kanya.

Umupo si Dylan sa upuan ni Ana habang si Hannah naman ay nasa upuan ni Mylane kung saan ay magkatabi na sila. Nakaramdam ng kilig si Hannah habang katabi niya si Dylan.

Si Aimie naman ay naka-upo sa kanyang upuan na nasa harap ng upuan ni Mylane na inuupuan ni Hannah ngayon. Si Mylane naman ay nasa kabilang dulo ng upuan nila Aimie kung saan ay malapit sa bintana. Si Ana naman ay nasa gitna nila.

Tulog na yung mga kaibigan ni Hannah kaya silang dalawa lang ni Dylan ang gising sa row na kung saan ay naka-upo sila.

Tahimik lang silang dalawa kaya napaka awkward na ng atmosphere sa pagitan nila. Nagpaypay nalang si Hannah.

"Grabe ang init no?" pambasag ng katahimikan ni Hannah. Nagulat nalang si Hannah ng biglang kinuha ni Dylan ang pamaypay mula sa kanyang kamay. Bumilis ang pintig ng puso ni Hannah nung nahawakan ni Dylan yung kamay niya upang makuha lang yung pamaypay.

"Napakamang-aagaw nito." sabi ni Hannah kahit kinikilig naman siya sa ginawa ni Dylan.

Hindi namab sumagot si Dylan bagkos ay nagpaypay ito. Nagulat naman si Hannah nang pinaypayan rin siya ni Dylan. Sobrang kinilig naman siya sa nangyaring iyon. Pakiramdam niya kasi ay parang napakaespesyal ng ginawa ni Dylan sa kanya.

Upang itago ang ngiti ni Hannah ay kinuha niya ang kanyang panyo at nilagay ito sa kanyang mukha at kunwaring natutulog.

Nang maramdaman ni Hannah na wala na siyang hangin na naramdaman ay tinanggal niya ang panyo sa kanyang mukha. Laking gulat niya nang makita niya si Dylan na natutulog kagaya niya na may nakalagay ring panyo sa mukha. Kinilig lalo si Hannah.

Aksedente namang dumulas yung ulo ni Dylan kaya aksedenteng nakasandal siya sa balikat ni Hannah, ngunit hindi kalaunan ay nagsorry si Dylan sa nagawa niya. Inayos uli ni Dylan ang ulo niya ngunit hindi parin malayo yung ulo niya sa balikat ni Hanna.

Parang nawalan ng hininga si Hannah sa nangyari kanina. Mas lalong umaapaw ang kilig na kanyang nadarama. Kaya sinulit niya ang pagkakataon na bumalik uli sa pagtulog. Duon niya nilagay yung ulo niya malapit sa ulo ni Dylan kaya kung titingnan mo ay kulang nalang na magkadikit yung mga ulo nila. Lumitaw na naman sa isip ni Hannah na totoo nga talagang may lihim rin na pagtingin sa kanya si Dylan.

-----------

Dumating mula sa canteen si Hannah kasama ang kanyang mga kaibigan. Nung pagpasok niya sa silid ay tanging sila lang at yung iilang kalapit na kaibigan ni Dylan ang nasa loob. Umupo na sina Hannah sa kanilang upuan. Hindi maiwasang makinig ni Hannah sa pinag-uusapan nila Dylan.

"Wag ka nga .. Komopya ka lang kay Alex kaya malaki ang kuha mo!" biro nung isa nilang kaibigan na si Carlo. Inookray nila ang kaibigan nilang si Renz. Ganyan talaga ang mga magkakaibigan na sina Dylan at mga kaibigan niya.

"Oo nga. Hahaha." sabi naman ni Dylan.

"Eehh. Tumahimik ka nga jan Carmela!" sabi ni Renz.

"Yaaaaay." sigaw naman nung ibang kaibigan niya.

Parang nabingi naman si Hannah sa napakinggan niya. Sino si Carmela? Ba't hindi man lang nag react si Dylan dun? .. yan ang gumugulo sa isipan ni Hannah. Nakaramdam siya ng selos dahil dun.

--------------

Oktubre nung may kasiyahang naganap sa section na katapat ng silid nila Hannah.

Hindi naiwasan ni Hannah na ma curious dun sa katapat na section. Sabi kasi nila sobrang saya daw. Pwede ring pumunta ang taga ibang section para makisaya rin dun.

"Tara Hannah! Tingnan natin." sabi naman ni Mylane. Dahil nga curious naman si Hannah sa kaganapan dun ay sumama nalang siya kay Mylane.

"Aimie, Ana. Hindi ba kayo sasama samin?" tanong naman ni Hannah sa kaibigan nang mapansing naka-upo parin ang mga ito habang nag-uusap.

"Ha? Pupunta kayo dun? Ah wag na, kayo nalang." sagot naman ni Aimie.

"Okay." sabi naman ni Hannah at pumunta na sila dun sa sinasabing katapat na section.

Parang sinadya talaga ng tadhana ang mga nakikita ni Hannah. Parang napira-piraso ang kanyang puso nang makitang may kasayaw na ibang babae si Dylan. Nakatalikod si Dylan sa kinaroroonan ni Hannah kaya ang mukha lang nung babae yung makikita.

Yun pala si Carmela?. Biglang pumasok na tanong sa isip ni Hannah. Hindi na nakayanan ng dalaga na tingnan yung pangyayari kaya umalis na siya at hindi naman yun namalayan ni Mylane kasi busy ito sa pakikipag-usap dun sa dati niyang kaibigan.

Pinigilan ni Hannah na pumatak ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Bumalik na uli siya sa kanilang silid, hindi naman napansin ng kaibigan niyang sina Ana at Aimie ang kalungkutan ng kanyang mukha kasi busy sa pag-uusap yung dalawa. Umupo si Hannah dun sa kanyang upuan at agad na yumuko at isinandal ang kanyang noo sa likod ng kanyang kamay na nakalagay sa ibabaw ng kanyang armrest.

Hindi na napigilan ni Hannah ang kanyang mga luha. Bigla nalang itong bumagsak ng kusa.

Akala ko may gusto sakin si Dylan?. Biglang natanong ni Hannah sa kanyang isipan.

Hanggang sa uwian ay sobrang tamlay ni Hannah. Napansin naman ito ng mga kaibigan niya ngunit hindi nito sinabi ang totoong dahilan ng kalungkutan niya. Tanging masama ang kanyang pakiramdam ang kanyang isinasagot. Kaya hindi na siya kinulit pa ng kangyang mga kaibigan.

Maling Akala ( Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon