Chapter 3

143 6 4
                                    

-Chapter 3-

The most important lesson in math that we can apply in love is that ...

"BE CAREFUL WITH THE SIGNS"


--------------

Dumaan ang ilang araw. Lunch ang mga oras na ito kaya kumakain lang sina Hannah, Mylane, Ana at Aimie habang kumakain. Nakaramdam si Hannah ng tawag ng kalikasan dahil narin sa juice na ininom niya. Kaya pumunta siya ng cr nila.

Nung papasok na sana siya ay nagulat siya ng may tao pala sa loob, napansin niya ito agad dahil hindi naman nakasara ang pinto ng cr. Lalaki yung nasa loob at nag-iipon ata ito ng tubig sa isang balde. Nung lumingon yung lalaki ay ito pala yung misteryosong lalaki na kapareho niya ng buwan ng kaarawan. Napag-alaman na nito na Dylan pala ang pangalan nito. Nagulantang si Hannah ng magsalita ito.

"Mag c-cr ka?" tanong nung lalaki na nagngangalang Dylan. Seryoso ang pagmumukha nito.

"Aaah .. oo." simpleng sagot ni Hannah dito.

Lumabas naman sa loob ng cr si Dylan kaya pumasok na si Hannah. Matapos gumamit ni Hannah ay binuksan na nito ang pinto. Laking gulat nito ng makitang naghihintay pala sa labas si Dylan. Napagtanto naman ni Hannah na nagbabantay pala ito ng pakapuno tubig sa balde na nasa cr.

Biglang may umeksenang kaklaseng babae habang nasa loob parin si Hannah.

"Hoy Dylan! Puno na ba yung balde?" tanong nung kaklase nilang babae na nagngangalang Arcie.

Lumapit ito malapit sa cr at nakita naman nito na nasa loob pala si Hannah.

"Ayeeee." biglang bulalas ng kaklase nila nung makitang silang dalawa lang pala yung nandun. Si Hannah nasa loob parin habang si Dylan ay nasa labas naghihintay na matapos si Hannah.

"Hinintay ko lang siya na matapos." sabi naman ni Dylan. Magkalapit lang ng upuan sina Dylan at Arcie kaya hindi masyadong nahihiya magsalita si Dylan sa kanya.

"Aayy .. Akala ko." sabi naman nung Arcie. Dali-daling lumabas si Hannah at bumalik uli dun sa upuan nila kung saan nandun parin sina Mylane.

------------

Ilang araw ang dumaan mula sa eksenang iyon. Nag-uusap sina Hannah at Mylane sa upuan nila.

"Grabe, nakaka nosebleed na yung math natin ngayon ah. Hahaha" kwento ni Mylane kay Hannah. Recess pa ng mga oras na ito at hinihintay lang nila na dumating yung next subject nilang guro.

"Oo nga, 6 out of ten nga lang yung score ko eh. Sumakit ata ulo ko, hahaha" kwento naman ni Hannah sa kaibigan.

Hindi namalayan ni Hannah na umupo pala sa tabi niya si Dylan kung saan yung inuupuan ni Dylan ay upuan ni Hannah na malapit sa bintana. Naka-upo kasi si Hannah sa upuan ni Ana kasi nga nakikipag kwentuhan siya kay Mylane, umalis kasi pansamantala si Ana, may binili sa canteen kasama si Aimie.

Nung lumingon si Hannah kung sino yung umupo sa tabi niya ay nagulantang nalang siya nang mapag-alaman na si Dylan pala iyon.

"Dito muna ako ha? Mahangin kasi." sabi ni Dylan habang nakatingin kay Hannah.

"A-aah okay." sagot naman niya dito.

Tumalikod agad si Hannah at humarap kay Mylane.

Hindi maintindihan ni Hannah ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi naman siya nagkagusto kay Dylan ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ganun nalang ang reaksyon ng kanyang buong sistema. Hindi nalang ito pinansin ni Hannah.

Dumating na sina Ana at Aimie ngunit umupo ito sa harap kung saan naka-upo si Aimie.

"Hayy nako. Nakaka-inis talaga ang math kahit kailan. Mylane? Ilan ba yung kuha mo kanina?" pasimula ni Ana ng mapansin na tahimik ang paligid. Si Ana palagi yung bangka ng kwentuhan. Mahilig kasi itong magbahagi ng kahit anong kwento. Maging kwento ng buhay niya ay ibinabahagi nito lalo na kapag wala na kapag naubusan na sila ng pag-uusapan.

"Ayy nako. 7 lang akin." sagot naman ni Mylane.

"Ikaw Hannah?" tanong naman ni Ana. Umupo na silang dalawa ni Aimie sa armrest ng upuan upang makaharap na sila sa amin.

"Naku nagtanong ka pa? 6 lang." sagot ko naman.

"Nako magkapareha pala tayo. Baka mapagkamalan tayong nangongopya nito. Hahaha" biro ni Ana.

"Eh ikaw Aimie? Panigurado malaki yung score niyan." sabi ni Hannah. Matalino talaga si Aimie lalong-lalo na sa asignaturang matimatika. Maganda rin ito kaya hindi malabong walang magkakagusto sa kanya.

"Ano ba kayo. Nakachamba lang eh, himala at naka 9 ako." sagot naman ni Aimie.

"Oh kitams? Ang talino mo talaga. Eh yung isa naman jan? Ilan kaya?" biglang pagsali ni Ana kay Dylan sa usapan. Kanina pa kasi ito tahimik, ngunit nakikinig naman ito sa kanilang apat.

"Naka chamba rin, himala." sagot naman ni Dylan na may guhit na ng ngiti sa labi. Napatingin naman si Hannah sa mukha nito nung ngumiti ito. Ito yung una pagkakataon na nakita niyang ngumiti si Dylan. Masyado pa rin kasi itong tahimik.

"Ilan nga?" pangungulit naman ni Ana.

"10." sagot ni Dylan. Bigla namang namangha si Hannah dun. Sa isipan ni Hannah 'grabe? nakakuha siya ng perfect sa nakakahilong quiz na iyon? Matalino pala itong lalaking to.' .. matalino naman talaga itong si Dylan, ngunit hadlang lang talaga ang pagiging tahimik niya upang makilala ang talino niya sa klase.

"Wow! Naka 10 ka? Ang talino naman pala nito!" sabi naman ni Ana.

"Oo nga. Sobrang tahimik, matalino naman pala." nakisali narin si Hannah sa usapan.

"Oo nga." pagsasang-ayon naman nila Mylane at Aimie.

Tumagal pa ang usapan nila at minsan ay sumasali narin si Hannah sa usapan. Pati narin ang kanina pang tahimik na si Dylan. Hindi naman nahiyang makipag-usap si Hannah kay Dylan kapag nag-uusap silang apat. Ngunit may kung ano paring nararamdaman si Hannah ngunit hindi naman niya ito pinagtutuunang pansin.

Maling Akala ( Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon