Jessy's POV
Hi, ako nga pala si Jessy Mae Garcia katulad po ng sinabi ko kanina, kakaiba ako. Nakakakita ako ng mga multo, pero ngayon, hindi na ako natatakot sa kanila, konti na lang dahil mababait naman sila. Minsan nga ay kinakausap ko pa sila kaya napapagkamalan pa akong baliw. Sabi ng mga magulang ko, minana ko daw ito sa lolo ng lolo ko. Naalala ko pa ng nadiskubre ko tong Third Eye ko.
*flashback*
Grade 6 palang ako ng nadiskubre ko na may Third Eve ako. Hapon noon ng umuwi ako agad sa bahay namin para gawin ang mga takda at proyekto dahil na rin sa malapit na ang Final Exams.
"Mommy! Daddy! Naandito na po ako! Mommy! Daddy!" sigaw ko pero walang sumasagot.
"Siguro umalis sila kaya't walang tao. Andiyan naman siguro si yaya Flor pero bakit di niya ako naririnig?" sabi ko sa sarili ko.
"Yaya Flor! Yaya Flor! Makibukas po ng gate! Yaya Flor!" sigaw ko pero wala paring sumagot.
Hindi ako makapasok dahil naka lock yung gate namin. Hindi pa lumilipas ang isang minuto ay nakita nalang ako nang isang matandang babae na bumukas ng gate namin.
"Nasaan po ba sina Mommy at Daddy?" sabi ko.
Hindi umimik o nagsalita ang matanda at itinuro niya nalang ang bahay namin. Hindi ako natakot o nagtaka kung bakit may matandang babae sa bahay namin dahil ang akala ko ay bagong katulong o tagaayos ng hardin namin.
"Salamat po! Papasok na po ako." sabi ko habang pumapasok sa bahay namin. Pagpasok ko ay nakasalubong ko si mommy. Hinalikan ko siya sa cheeks.
"O anak! Sino ang nag papasok sa iyo?" sabi ni Mommy. "Hindi ba't sarado yung gate? Nag over the bakod ka ba?" dagdag pa niya.
"Hindi po ma, binuksan po ako ng matandang babae. Bago po ba natin siyang katulong?" sagot ko.
"Ano? Wala naman akong hinire na bagong katulong. Baka si yaya Flor ang tinutukoy mo. Pero hindi naman pwede dahil nasa taas siya at nagdidilig ng mga halaman." sabi ni Mommy. "O baka ang Daddy mo ang nag hire ng bagong katulong. Halika, puntahan natin siya. Nasa taas sa kwarto namin." dagdag ni Mommy.
Tumaas kami sa kwarto nina Mommy. Nakita ko si Daddy na nanonood ng TV. Hinalikan ko siya sa cheeks.
"Hon, Ikaw ba ay may hinire na bagong katulong natin? Bakit 'di ko to alam?" sabi ni Mommy.
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Si Yaya Flor lang ang katulong natin dito at tsaka hindi naman ako maghahire na katulong na hindi mo alam." sagot ni Daddy.
May napansin akong litrato na naka sabit sa may kwarto nina Mommy. Tiningnan ko ito. Napansin kong parang nakita ko na ang matandang babae sa litrato.
"Mommy, Daddy, sino po 'tong matandang babae sa litrato?" sabi ko habang kinukuha ko ang litrato na nakasabit sa kwarto nila.
"Anong ibig mong sabihin anak?" sagot ni Mommy.
Inabot ko ang litrato kay Mommy.
"Parang nakita ko na po siya eh. Ah! alam ko na! Siya yung matandang babae kanina na nagbukas ng gate. Bakit po Mommy, kilala niyo po ba siya?" sabi ko.
"Anak, sigurado ka ba diyan sa mga sinasabi mo?" sabi ni Mommy.
"Opo, sigurado po ako. SIya po yung matandang babae kanina." sabi ko.
"Anak, siya ang Lola mo." sabi ng Mommy.
"Talaga po? bakit ngayon ko lang po siya nakita? Saan po siya nakatira at bakit po siya nandito?" sabi ko.
"Matagal ng patay ang Lola mo. Namatay siya dahil sa lung cancer." sabi ni Mommy.
Bigla akong kinabahan.
"Daddy, kung patay na po si lola, bakit ko po siya nakita kanina lang?" sabi ko.
"Totoo ba talaga 'yang mga pinagsasabi mo?" sabi ni Daddy.
"Hindi ba po ba kayo naniniwala saakin? Nagsasabi po ako ng totoo. Nakita ko po na binuksan ng matandang babae o, o si lola ang gate. Maniwala po kayo." mangiyak-ngiyak kong sinabi.
"Hon, 'wag mo namang husgahan ang anak natin. Alam kong nagsasabi siya ng totoo." sabi ni Mommy.
"Rochelle, siguro namana mo iyan sa lolo ng lolo mo. Nakakakita rin siya ng mga taong namatay na. Iyan yung tinatawag nilang Third Eye." sagot ni Daddy.
"Third Eye? Nakakakita ng pat-tay? Bakit po ako merong ganito? Mommy?" umi-iyak kong sinabi.
"Huwag kang matakot anak. Huwag ka lang gagawa ng masama para hindi ka nila takutin. Mga kaluluha lang sila. Di ka nila masasaktan." sabi ni Mommy habang pinupunas ang luha ko.
"Tama anak ang Mommy mo. Pabayaan mo lang sila. Hindi ka naman nila sasaktan, tingnan mo, kanina nakakita ng multo pero di ka naman sinaktan, tinulungan ka pa." sabi ni Daddy.
Hindi na ako nakapag salita sa sobrang takot. Patuloy ang pag-iyak ko.
*end of flashback*
Iyon na nga ang araw na nagiba ng buhay ko. Magmula noon hanggang ngayon ay nakakakita parin ako ng mga multo.
Pero kahit na ganito ako, may mga kaibigan naman akong maaasahan tulad ni Chloe at ni Joyce. Mga isang taon palang kaming nagkakilala pero ang turingan namin sa isa't-isa ay para ng magkakapatid. Naalala ko tuloy dati kaibigan ko pa ang matatawag na mga enemies ko ngayon na sina Athena at Allison.
Narrator's POV
*flashback*
Bata palamang sina Athena, Allison at Rochelle ay matalik na silang magkakaibigan. Masayang-masaya sila kapag naglalaro sila at kapag nagkwe-kwentuhan sila tungkol sa mga bagay na gusto nila.
Naglalaro sila ng Nanay Tatay.
"Nanay, tatay, gusto kong tinapay, ate, kuya, gusto kong kape, lahat ng gusto ko ay susundin niyo, ang mag kamali ay pipingutin ko. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu!" sabi nila habang masayang naglalaro.
Nagkamali si Athena sa pagbilang kaya't siya ang natalo pero masaya parin siya dahil masaya ang kanyang mga kaibigan.
"Nagkamali si Athena, Rochelle" sabi ni Allison.
"Oo nga, tara pingutin na natin siya Allison" sabi ni Rochelle.
At piningot na nila si Athena. Tuwang tuwa sila sa paglalaro. Pati si Athena tumatawa rin
"ang saya naman nito!" sabi ni Athena
"Oo nga!" sabi ni Rochelle at Allison
"Hahahahahahahahaha!" tawa nila.
"Sana palagi lang tayong ganito. Masayang naglalaro, diba?" sabi ni Rochelle.
"Tama ka diyan Rochelle." sabi ng dalawa at patuloy ang pagtawa nila.
*end of flashback*
Rochelle's POV
Ang saya namin noon. Sana nga hanggang ngayon ganon parin kami.
Kung ikukumpara ko kung alin ang mas nakakatakot sa multo at mga tao, sa tingin ko mas nakakatakot ang mga tao dahil mas malaya silang nakagagalaw at nakakagawa ng mga bagay-bagay dito sa lupa. Kumpara sa mga multo, konti lang ang tsansa na makita sila, ito ay kung may Third Eye ka o kung may ginagawa kang mali. Mas nakakatakot ang mga tao lalo na university na pinapasukan ko.Maraming bullies. Maraming masasamang tao.
BINABASA MO ANG
The Third Eye
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kung malaman na may Third Eye ka at dahil dito, nakakakita ka ng mga bagay-bagay na ikaw lang ang nakakakita pwera sa mga bagay na nakikita ng mga ordinaryong tao? Iyan ang situasyon ni Rochelle Mae Garcia, isang highschool student...