Rochelle's POV
Kung di niyo naitatanong, marami rin akong nakikita at nakakausap na multo dito sa university namin. May mga estudyante pati na rin mga teachers. Nang grade 8 nga ako, ay mali grade 9 pala, marami na agad ang nangyaring kababalaghan. Mula sa bahay, kahit sa mga panaginip ko at sa university namin, nararamdaman ko ang mga multo. Marami akong nakilala magmula ng Second Semester ng grade 9 life ko.
*flashback*
Malayo ang bahay namin sa university na pinapasukan ko. Halos mga isang oras ang binabyahe ko araw- araw mula sa bahay hanggang sa university kaya 4:00 am pa lang, dapat gising na ako para magawa ko ang mga bagay- bagay na kailangan kong gawin. Magsisimula na ang Second semester na ng school year ng may mga nangyari saakin; mga magaganda at 'di magaganda.
*vibrate* kring! kring! kring! kring!
*strech sounds*
"Hay, umaga nanaman, papasok nanaman ako ng school" sabi ko habang nag s-stretching sa kama ko.
Bumangon ako mula sa kama at in-off ko ang alarm. Tiningnan ko ang cellphone ko at ang oras na nakalagay ay 4:06 am. Pagkatapos ay in-on ko ang mga ilaw sa kwarto tsaka nag exerscise.
"One, two, three, four, five, six, seven...."
Habang busy ako sa pag e-exercise, bilang may narinig akong foot steps na galing sa labas ng kwarto ko. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang tunog ng foot steps na parang palapit sa kwaryo ko. Pero 'di ko pinansin iyon dahil ang akala ko ay si yaya Flor lang. Pinagpatuloy ko ang pag e-exerscise ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Sino kaya yun? Siguro si Mommy o kaya si yaya Flor." sabi ko sa sarili ko. "Sinong nan diyan?" sabi ko.
"Sino iyan? Sino ka? Sumagot ka nga! Hoy! Sino ka?!?!" sabi ko habang nanginginig.
"Rochelle! Rochelle!" sabi ng tunog.
"Ano kaya ang problema nito? Multo kaya to? Hala!! Anong gagawin ko?" bulong nito sa sarili. "Sumigaw kaya ako? Kung tawagan ko kaya sina daddy?"
Patuloy ang pagkatok ng babae habbang paulitulit na sinasabi ang pangalan niya.
"Rochelle! Rochelle! Rochelle!" sabi ng babae.
Sisigaw na sana ako nang may bigla na lang na may tumakip sa bibig ko.
Kring!kring!kring!kring!kring!kring!kring!kring!
"Rochelle, Rochelle, Rochelle! gising!" sabi ni Mommy.
"Aaahhhh!" sigaw ko habang natutulog.
"Rochelle! Rochelle!" sabi ni Mommy.
Nagising ako at biglang napaupo sa kama.
*sigh* *sigh* *sigh*
"Rochelle!" sabi ni Mommy na nasa gilid ko.
"Aaahhh!" sigaw ko pagkaharap ko kay Mommy.
"Ano ka ba? Ako to, huy!" sabi ni Mommy.
*sigh*
"Akala ko naman kung sino, kayo lang pala Mommy. Hay, isa lang palang masamang panaginip." sabi ko.
*sigh*
"Teka lang Mommy, bakit kasi ganyan ang itsura mo at bakit ka po naandito" sabi ko.
"Narinig ko kasi ikaw na sumisigaw kaya pumunta ako dito. Ano ba yang panaginip mo at para kang ewan kung sumigaw?" sabi ni Mommy.
"Bawal ko pong sabihin at baka magkatotoo. Anong oras na po ba?" sabi ko.
"Ay oo nga pala! bilisan mo na at 4:36 na. Baka mahuli ka sa klase niyo,.maligo ka na at naihanda ni yaya Flor ang almusal. Bumangon ka na diyan. Bilis!" sabi ni Mommy.
BINABASA MO ANG
The Third Eye
Gizem / GerilimAnong gagawin mo kung malaman na may Third Eye ka at dahil dito, nakakakita ka ng mga bagay-bagay na ikaw lang ang nakakakita pwera sa mga bagay na nakikita ng mga ordinaryong tao? Iyan ang situasyon ni Rochelle Mae Garcia, isang highschool student...