Ulquiorra-Inoue: "Ang Pinagbabawal na Pag-Ibig"

102 3 3
                                    

Originally, ginawa ko lang itong kwentong ito dahil nagpatulong lang sa assignment ang aking bunsong kapatid sa "10 Uri nang maikling kwento" and ang pinili kong gawin ay ang mga "Kwento nang pag-ibig at kakatakutan." 

I owe credits to the Anime "Bleach" of "Mr. Tite Kubo" because may mababasa kayong part dito na galing talaga doon. Hahahah, after all I am a certified Otaku- Anime Lover. :)

 Please basahin niyo man lang yung may gusto. Maikli lang to pramis! XD

Arigatou gozaimasu minna-san! <3

Ito ay tungkol sa kwento ng pagmamahalan nang dalawang nilalang, ngunit hindi naman sila mahal nang taong kanilang mahal. Lol, alam ko madaming relate diyan.

CHAPTER 1: ULQUIORRA'S FIRST MEETING

        Isang Arrancar, isang nilalang na mula sa ibang dimensiyon at daigdig na nagngangalang "Ulquiorra Cifer" ang inutusang pumunta sa daigdig ng mga tao upang imbistigahan kung paano ba ang kilos, ugali, ginagawa ng isang tunay na tao. Noong oras na makarating na siya sa daigdig nang mga tao ay agad niyang nakita ang isang babae. Maganda ito, mahaba ang buhok na kulay kahel, masayahin ngunit kitang-kita sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Ngunit nilapitan naman niya ito at tinanong nang:

"Babae? Nasaan ako? Ito na ba ang daigdig ng mga tao?"

Nagulat ang babae sa tanong ng lalaking ito na si Ulquiorra. May itim na buhok na hanggang balikat, matangkad, balat na sing-puti nang niyebe at ang pinakakapansin-pansin sa lahat ay ang kanyang mga matang kulay berde na waring kapag iyong tinitigan ay wala kang mababasa o makikita.

"Um, oo, ito nga ang daigdig ano ka ba? Hahah. Marahil ay naliligaw ka, ang tawag sa bayang ito ay ang Bayan ng Karakura," ang sagot naman nang babae.

Nagulat rin si Ulquiorra dahil naiintidihan din pala siya ng babae. "Bayan nang Karakura?" tanong naman muli ni Ulquiorra at pagkatapos ay bigla nalang itong nahimatay.

"Oy, oy, oy! Huwag ka namang biglang mahimatay sa harapan ko. Naku, ano ba yan." Ang biglang pag-aalala at pagkabalisa naman ni Inoue.

Osya, osya next! :3

&quot;Ang Pinagbabawal na Pag-Ibig&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon