Chapter 2: THE START
Kaagad naman na nagmagandang-loob ang babae at dinala siya sa pinakamalapit na ospital.
"Wala naman akong nakikitang kahit anong sakit o injury sa kanya. Ang kanyang pagkahimatay ay maaring bunga lamang nang pagod. Ayos na siya at wala ka nang dapat na problemahin pa." Ang wika nang doktor."
"Maraming salamat po dok."
Pagkaraan lamang ng ilang minuto ay nagising na ito at tinanong kung nasaang lugar na naman siya.
"Nasa ospital ka. Dinala kita rito pagkatapos mong mahimatay."
"Ospital?" Ang pagtatakang tanong ni Ulquiorra.
Takang-taka na naman ang babae sa mga tanong ng lalaking ito na parang walang kaalam-alam sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid.
"Oo. Ang tawag sa lugar na ito ay ospital kung saan dinadala ang mga maysakit at dito rin ay ginagamot sila."
Pinagmasdan lang ni Ulquiorra ang paligid at sinabing "Ganun ba." Ilang saglit ay tinanong niya ito nang, "May pangalan ka ba babae?"
"Ha?! Ano ba namang klasing tanong yan. Syempre lahat nang tao may pangalan. Hahah, ako nga pala si Inoue Orihime. Kinagagalak kitang makilala. At ikaw si?"
Tahimik lang ito nang ilang segundo at sinabing "Ul-ulquio-rra."
"Ulquiorra? Woah ang astig naman nang pangalan mo! Ano ang apelyido mo?"
"Hindi ko matandaan. Wala akong matandaan bukod dun."
"Sinasabi ko na nga ba't may amnesia ka eh!"
"Amnesia?" tanong muli ni Ulquiorra.
"Ang amnesia ay ang pagkawala nang ala-ala ng isang tao. Sakanga pala, saan ka nakatira? Ang sabi nang doktor ay okay ka na at wala naman siyang nakitang sakit. Maaari ka na raw na lumabas nang ospital."
Nanahimik lang ito at kitang-kita sa kanyang mukha na wala siyang naiintidihan.
"Umm. Kung gusto mo'y doon ka muna sa amin. Kami lang dalawa nang kuya ko doon. Sigurado ako't makakasundo mo naman siya kagad." Ang nakangiting sabi ni Inoue.
Pagkatapos titigan ni Ulquiorra ang kanyang mga kamay ay ngumiti ito kay Inoue at sinabing "Maraming salamat babae."