CHAPTER 3: UL-QUIO-RRA
Gulat na gulat din ang kanyang kuya sa pagdadala ng kanyang bunsong kapatid sa isang lalaking kakakilala palang niya at pinapatuloy pa niya ito sa kanilang bahay. Ngunit gayon pa man ay pumayag ang kanyang kuya na si Kensei ngunit binalalaan si Ulquiorra na huwag tangkaing gumawa nang masama lalong lalo na’t sa kanyang nakababatang kapatid. Nangako naman si Ulquiorra na gagawin niya ang lahat at ipapakita na siya ay isang mabuting nilalang at nang huwag masira ang kanilang tiwala sa kanya. Nang umalis na ang kanyang kuya ay biglang sumagi sa isipan ni Ulquiorra kung ano nga ba ang tunay na dahilan bakit siya pinatuloy ni Inoue.
“Inoue?”
“Bakit Ulquiorra?”
“Bakit mo naisipang patirahin ako sa inyong bahay gayo’t kakakilala mo palang sa akin gaya nga nang tanong nang iyong Kuya?”
Tinakpan ni Inoue ang kanyang mga mata at sinabing, “Kung mangangako kang hindi ka tatawa sasabihin ko sa iyo.”
‘Oo sige.”
“Kamukha mo kase ang kuya ko nung mga ganitong edad siya.”
“Hahahahahahahahah! Seryoso? Dahil lang don? Hahahahahahahah!”
“Sabi mo hindi ka tatawa?’
“Pasensiya na. Hindi ko akalain na sapat na palang rason iyon para patuluyin mo ako dito sa inyo.”
“Napakababaw hindi ba? Hahahah. Pati ako natatawa sa aking sarili ngunit napakagaan lang talaga nang loob ko sayo Ulquiorra.”
Namula bigla si Ulquiorra at tumingin sa ibaba.
“Sige medyo malalim na rin ang gabi. Matulog ka na at ako nama’y may pasok pa bukas.”
“Pasok? Saan ka pupunta?”
“Sa eskwelahan, isang lugar kung saan maaari kang mag-aral at doon ay marami kang matututuhan.”
“Kahit sa pagiging tao?”
“Ha?! Ayan ka na naman eh. Nagtatanong na naman nang weird. Alam kong pagod ka na Ulquiorra kaya’t ganyan na naman mga pinagsasabi mo. Sige, goodnight.”
“Goodnight?”
“Ayts. Matutulog na ako! Ikaw din ah?”
“Maari ba kitang samahan sa pagpasok mo bukas?”
“Ikaw ang bahala. Sige.”
Lumipas ang isang buwan ay marami nang nalaman si Ulquiorra sa mga bagay-bagay ukol sa mga tao at sa daigdig nang mga tao sa tulong nina Inoue at sa kapatid nito. Unti-unti nang nagiging tila isang tao si Ulquiorra sa isip, gawa at maging kilos.
Isang araw nakita niyang umiiyak si Inoue sa isang sulok nang kanilang bahay. Agad na nagtanong si Ulquiorra kung ano ang nangyari at kaagad namang nag-open sa kanya si Inoue. Ayon sa kanya ay may mahal siyang isang lalaki ngunit hindi siya mahal nang lalaking iyon. Kahit anong gawin daw niya ay wala siyang halaga sa paningin nang lalaking iyon. Pagkatapos ay niyakap niya si Ulquiorra habang patuloy na umiiyak at sinabing, “Ang sakit sa puso Ulquiorra.”
Nanlaki ang mga mata ni Ulquiorra at tinanong kung ano ang puso. Inalis ni Inoue ang pagkakayakap nito sa kanya at sinabing “Ano?”
“Ayon sa mga librong nabasa ko, makikita ito dito.” Tinuro ni Ulquiorra ang kanyang kaliwang dibdib at biglang tinuro naman ang kay Inoue at sinabing “If I rip open your chest will i find it? If I crack open your skull will I find it?”
Natakot bigla si Inoue sa mga pinagsasabi ni Ulquiorra at dinaan na lamang ito sa biro. “Ha? Tinatakot mo ba ako Ulquiorra? Hahahahah. Marunong ka palang mag-english eno? Hahahahah! Ano na naman bang mga pinagsasabi mo? Kung ginagawa mo yan para gumaan ang loob ko. Maraming salamat Ulquiorra.” Sabay ngiti at tayo ngunit napatigil sa paglalakad si Inoue.
“Ano ang pangalan nang lalaking iyong iniibig?”
Nakita ni Inoue na masama ang tingin ni Ulquiorra.
“Kahit itanong mo’y hindi mo rin naman siya kilala.”
“Sino nga siya?”
“Ichigo, Ichigo Kurosaki.”
“Ganun ba. Sige, matulog ka na.”
Hindi alam ni Inoue kung bakit bigla siyang nakaramdam nang kaba.