CHAPTER 4: THE SAD GOODBYE
Makalipas ang ilang araw ay may kwento-kwento sa Bayan ng Karakura na may engkanto sa kanilang bayan dahil bigla bigla ay may mga hindi maipaliwanag na pangyayaring nagaganap. Isang gabi ay bigla nalamang nawala si Ulquiorra sa bahay nang magkapatid. Biglang may narinig na malakas na sigaw mula sa isang bahay at kaagad na nagtungo sila roon. Laking gulat nang magkapatid nang makita nila si Ulquiorra ngunit sa ibang anyo: may dalawang sungay ito sa ulo, malaking pakpak kagaya nang sa isang paniki at balot na balot sa itim ang katawan.
“Ul-quio-rra?” Ikaw ba yan?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Inoue.
Hindi kumibo si Ulquiorra, bagkus ay lalong lumapit lang ito kay Ichigo.
“Halimaw! Halimaw! Tulungan niyo ako!” Ang walang tigil na sigaw ni Ichigo.
“Lanza del Relampago.”
“Ulquiorra! Tumigil ka! Alam kong ikaw yan! Anong binabalak mong gawin kay Ichigo? Tumigil ka pakiusap!”
“Hindi ba ito ang lalaking nagpa-iyak sa iyo? Sinabi ko sa iyo na poprotektahan kita kahit anong mangyari at papatayin ang sino mang mananakit sa iyo.”
“Hindi! Mali ang pagkakaintindi mo. Huwag mong ituloy Ulquiorra! Tumigil ka na! Malaking kasalanan sa Diyos ang pumatay!’
“Diyos?”
Biglang dumating ang mga taong bayan sa bahay ni Ichigo at sinabing, “Tama ang akala nating halimaw nga ang lalaking kasama nang magkapatid na Orihime sa kanilang bahay! Sugurin at patayin na natin siya!”
Agad na sinugod siya ng mga taong bayan dala-dala ang kanilang mga armas at apoy habang walang tigil naman ang magkapatid sa pagpigil sa kanila.
“Nagkakamali po kayong lahat! Kaibigan po namin siya at tinuturing nang isang tunay na kapatid! Iwan niyo na lang po kami at kami na ang bahalang makipag-usap sa kanya!”
“Hindi masama? Papatayin na niya si Ichigo! Pasalamat pa nga kayo dahil dumating kami para patayin ang salot sa ating lipunan!”
Sa sobrang galit ni Ulquiorra ay nakapatay siya nang dalawang tao gamit ang kanyang matatakim na kuko. Mula naman sa likod ay binaril siya ni Ichigo at tumalab naman ito sakanya. Tumulo ang berdeng dugo ni Ulquiorra at sinimulan namang itapon nang taong-bayan ang kanilang mga apoy sa kanya. Kagad na nilapitan siya ni Inoue at nakitang inaabot naman ni Ulquiorra ang kanyang kamay sa kanya na unti-unti nang nagiging abo.
“Inoue? Natatakot ka ba sa akin?”
“Hindi! Hinding-hindi ako matatakot sayo! Kahit na noong una palang kitang makita ay alam kong kakaiba ka na! Tiis lang Ulquiorra, ilalabas kita diyan!” ang sabi ni Inoue habang umiiyak.
Ngunit hindi naman siya malapitan ni Inoue dahil sa apoy na nakapalibot sakanya.
“Hayaan mo na akong mamatay Nasa aking limitasyon na ako. Wala na rin akong lakas upang maglakad nang kahit isang hakbang man lang.”
Konting-konti nalang ay maabot na sana ni Inoue ang kamay ni Ulquiorra ngunit pati kanyang mga kamay ay naging abo na rin. Bago siya tuluyang mawala ay nabigkas pa niya ang mga katagang ito:
“Alam kong mali pero nagawa ko pa rin. Alam kong hindi maari pero naramdaman ko pa rin. Nararamdaman kong hawak ko ang iyong puso sa aking mga kamay.” Ngumiti ito at sinabing, “Mahal na mahal kita Inoue.” Bago pa siya tuluyang maging abo at mawala.
THE END. :) Thank you very much for those who read! <3