Chapter 4

2 0 0
                                    


Hindi agad ako nakagalaw. Lumabas si James ng sasakyan at lumapit sa akin.

"How are you Suz?" Tanong niya habang ako naman ay nakatulala lang sa kanya.

He put some strand of my hair and gently kissed my cheeks. At dun na ako nagising. Bigla akong lumayo sa kanya pero agad din niyang nahawakan ang kamay ko.

"Ano ba bitawan mo ako!" Naghihistirya kong sabi ngunit ang gago ayaw papigil at hinihila na ako papasok sa kotse nya.

"It's just a misunderstanding with my wife" sigaw niya napansin niya kasi na halos lahat ng tao na naghihintay ng taxi ay naka tingin sa amin.

Ng ma lock niya ang seatbelt ko agad siyang umikot papunta ng driver seat sinubukan kong buksan ang pinto pero agad niya akong napigilan.

"Ano ba James! Palabasin mo ako dito!" Pinaghahampas ko pa rin siya sa loob ng sasakyan.

"Stop it Suz mababangga tayo! Just you wait mag uusap tayo" balik niyang sigaw sa akin.

"Aaaahhh I hate you!!"

"I know" sagot naman nya habang patuloy pa din ang pagmamaneho.

Tahimik lamang kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Nang na park niya na ang sasakyan niya ay agad siyang lumabas ng sasakyan niya at umikot papunta da akin .

"Come on Suz dont be hard headed, please."

Sabi niya ng mabuksan niya ang sasakyan niya. Tahimik pa din ako habang nakaupo at di siya pinansin. Wala akong balak lumabas ng sasakyang ito.

"Hatid mo nalang ako please. I dont wanna talk to you" mahinahon kong sabi sa kanya.

"It's either you go out of the car willingly or I'll do it myself"

"Your imposible! No! iuwi mo nalang ako! Aaaahhh!"

And James being James he carried me like a sack.

"OMG! Oo na maglalakad na ako. Ibaba mo na ako nakakahiya!" Sabi ko sakanya feeling ko kasi masisilipan ako sa suot ko.

Binaba naman ako ni James. And of course he hold my hand alam niya kasing tatakas ako. Hinila niya ako hanggang sa makaupo kami sa pan dalawahang mesa. Agad niyang tinawag ang waiter at nag order para sa amin dalawa. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Lahat ng klasi ng pagpatay sa kanya nagawa ko na sa utak ko.

"Tell me James, ano ba talaga ang kelangan mo sakin?" tanong ko sa kanya ayaw ko nang makipag away. mag uusap na kung mag uusap ng matapos na ito.

"I know I've been years too late Suz. But I wanna make up for my mistakes."

Bahagya akong natawa dahil sa sagot niya. 

"Yes too late James Na actually di na kailangan. Okay fine pipatawad na kita. Just take me home please." 

Pagod na pagod na ako and I just want to go home and rest. 

"No Suz. I need an explanation from you. Where were you that time? Right after we made love? We're you just forced yourself to do it? Hindi mo ba yun ginusto? "

Ha! galit na mata ang binaling ko sa kanya. Nagpapatawa ba to?

"Ano pang ang kelangan kong e explain James? Na pinagsisihan ko ang katangahan ko sayo? That giving you myself is the biggest regret of my life? Ha! alam kong tanga na talaga ako dahil kahit alam kong kaliwat kanan ang babae mo noon I still believe na once ibigay ko ang sarili ko sayo eh magbabago ka na. But I was wrong!"

Pagkatapos ng lahat ng narinig ko matapos ng may nangyari sa amin at ang nakita ko ng sumunod na araw. 

"I loved what happened years ago Suz! I know I played a lot back then. And I'm stupid I know but I know even before I liked you...no I love you ... but I was still in denial. Ayokong mag commit. Nung bigla kang nawala ng umagang yun, I feel different I was used to just f*ck and leave but when you left I felt...I don't know different.." sinserong saad niya

"Sinungaling....I heard you and your friend and even saw you the day after lip locking with some chic" mahiinang saad ko

Bigla naman parang wala ng masabi si James. He must be really shocked. 

"I'm sorry.. " bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa " I want to make things right Suz."

Napatingin ako sa kamay kong hawak ni James, sobrang pagiingat ang hawak niya doon na para bang isa akong babasaging crystal. Pero siya din ang ng wasak sa crystal na ito noon pa man. 

Iling lang ang naging sinagot ko sa kanya . I don't want to make the same mistake again.

"Please Suz lets start over again... I want to love you right this time!"

Binawi ko ang kamay na hawak niya upang pigilan ang luhang tumulo sa mga mata. I wanted so bad to just accept him but its just so hard. After all the things I've been through. Hindi nalang sarili ko ang iniisip ko ngayon. 

"I'm sorry James" I said before I stood up from my seat. I walk as fast as I can para makalabas ng restaurant at pinara ko kaagad ang unang taxi na nakita ko. I'm crying inside the taxi ngbalik lahat ng sakit na ibinaon ko na.

"Okay lang yan mam. Wag nyo masayadong iyakan yan! sa ganda niyong yan ikaw ang kawalan sa kanya" alo sa akin ng matandang taxi driver. 

"Salamat manong" Napangiti naman ako ky manong isang malaking bagay yung sinabi niya sa akin kahit papaano eh nawala ang bigat ko sa dibdib.

Nang huminto na ang taxi sa tapat ng condo agad kong binayaran ang taxi at nagmadaling pumasok sa building at sumakay ng elevator. Nakakapagod ang araw na ito! ng makarating na ako sa tamang floor agad kong hinanap sa bag ko ang susi ng room naming. nang mabuksan ko ang pinto sabay naman din ang pagtunog ng cellphone ko."

Mommy calling......

Bigla naman ako kinabahan sobrang late na at napatawag pa sa akin si mama.

"Hello mama? my problema po ba napatawag po kayo?"

"Nako may gustong kumausap sayo kanina pa ito umiiyak. Nakatulog na naman to kanina biglang nagising tapos di na natigi sa kakaiyak" 

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni mama. 

"Sige po mama bigay niyo na yung phone sa kanya" 

Tanging lamp nalang sa sala ang nagsisilbing ilaw sa bahay . So sure akong tulog na si Jena at Tasha. Pero nabigla ako ng my anino sa kusina so pumunta ako dun para tignan.

"Mimi..I had a bad dream!" 

Napangiti naman ako ng marinig ko ang cute na boses ng baby ko

"Anak it's just a dream .. You want mama to sing for you?" 

"yes mimi. I miss you. when are you coming here? I want to hug you and kiss you!"

Binuksan ko ang ilaw ng kusina , muntik ko nang mabitawan ang phone ko ng makita ko sa liwanag ang aninong napansin ko sa kusina..


"What the fuck! Suzzane! Anak?!" malakas na sigaw ni James na halos mabingi ako.

"Someone's there Mimi?"

Di ako nakasagot sa anak ko. Tulala lang akong natangin ky James na puno ng galit ang mga  mata..














Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Best Damn ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon