KABANATA 4

32 3 0
                                    

Unti-unting dumilat ang mga mata ni Scar nang maramdaman niyang may gumigising sa kanya.

"Scar! Gising! Dali, bangon na!"

Nalimpungatan siya sa sigaw ng roommate niya at bumangon agad. Nakita niya ang takot sa mga mata nito.

Huh? What's happening?

Kinusot-kusot pa nga niya ang mga mata habang humihikab nang narinig niya agad ang tunog na parang siren. It sounds like the academy's alarm.

"Attention, students! Please evacuate to the safe zone right now. Attention, students! Please evacuate to the safe zone right now..."

Paulit-ulit niyang narinig ang nakaka-iritang boses sa speaker ng kwarto nila. Sabayan pa ng alarm at ang ingay sa labas. Ano ba ang nangyayari?

Nagtatanong ang mga matang hinarap niya si Angelica.

"Bilisan mo na, Scar. Lumabas na tayo rito bago pa tayo maabutan ng mga rouges. I'll explain everything to you later." Natatarantang sabi ni Angelica at hinila siya patayo. Nagpahila naman siya.

Kahit naka pj's lang sila ni Angelica, lumabas pa rin sila sa kwarto. She was welcomed with the red lights that reflected the hallway. The other girls in the dorm were running while shouting. Meron pa ngang tumatakbong babae na naka-bra at panty lang kasama ang naka-topless na lalake. Paano kaya nakapasok ang lalakeng iyon sa girls dorm?

Napakagulo ng paligid.

Tumatakbo si Angelica habang hila-hila siya nito. She doesn't know the whole thing that is happening pero sa tingin niya may nakapasok na mga rouges sa academy, which is nearly impossible, kaya pinapapunta sila sa safe zone.

Napatingin si Scar sa wrist watch.

2:48 A.M.

Sh*t! Ang aga pa. Kukulangin talaga siya nito sa tulog. Like hell she cares about the students. Ang kailangan niya ay tulog, ngunit naistorbo siya dahil sa bwisit na rouges.

Nang makalabas at makalayo sila sa dorm building ng girls, tinanggal niya ang kamay ni Angelica na nakapalibot sa braso niya. Napatigil sila sa pagtakbo dahil sa ginawa niya at nilingon siya nito.

"Ano ba talaga ang nangyayari?" Tanong niya rito.

Naglakbay ang mga mata ni Angelica sa paligid, minamasdan ang mga tumatakbong estudyante, bago siya tinignan.

"As what I've heard, may nakapasok na rogues together with a bloodhound. I don't know how many but the League of 8 are taking care of it now." Maikling pagpapaliwanag nito sa kanya.

Nilingon niya ang direksyon ng building at matapos ang ilang segundo ay naglakad siya pabalik doon.

"Hey! Scar! Where are you going?! Come back here!" Narinig niya ang mga sigaw ng roommate pero hindi niya ito pinansin.

This will help her in accomplishing her mission.

Pumasok siya sa boy's dormitory dahil iyon ang pinakamalapit na building. Pagpasok palang niya ay nakita niya ang ibang sirang gamit sa sahig. Napakadilim pa rin ng paligid at kung hindi dahil sa pulang ilaw, which indicates emergency, mas didilim pa rito.

Hunter's Academy: The Demon HuntressWhere stories live. Discover now