KABANATA 5

38 4 1
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Students! Please refrain from making any unecessary noise." Sigaw ng isang professor na nagngangalang Holland, ngunit hindi siya pinakinggan ng mga estudyante.

Patuloy pa rin sa pag-iingay ang mga estudyante. Ang iba ay umiiyak na pinapatahan ng mga kasama at ang iba naman ay nagchi-chismisan sa nangyari.

"Listen, students!" Dumagundong ang boses ni Vivienne dahilan para matahimik ang mga estudyante at mapatingin sa kanya.

Tumayo siya sa maliit na platform sa harap. She cleared her throat and spoke.

"For now, dito muna tayo mag-stay dahil hindi pa cleared ang buong academy. If you ever feel or saw something wierd, tell us immediately. Nasa higit 30 ang nakapasok na rogue sa academy at merong na-detect na isang bloodhound so it's dangerous for us to separate. It's better to stay together." Matapos iyong sabihin ni Vivienne ay namayani ang katahimikan sa buong lugar.

Ang ibang estudyante ay natatakot sa ano mang mangyari. Ang iba ay kinakabahan at nag-iisip. Ang iba naman ay nakatulala lang.

Ngayon palang nangyari na may nakapasok na demons sa academy and hindi lang isa kundi marami. Hindi nila alam kung bakit dumadami ang mga pakalat-kalat na demons. They think that something is happening in the underworld o talagang marami lang ang gustong umalis sa underworld.

"Don't you think that we should help? Para naman mapadali ang pagpatay ng mga demons." Suhestyon ni Drake, the Academy's Vice President, na kanina pa tahimik at nakatayo sa tabi ni Vivienne.

Vivienne faced him.

"No. I don't think so. Paano nalang kung mapunta dito ang bloodhound? Kailangan tayo ng mga estudyante."

"This is the safe zone, Viv. Besides, the teachers are here."

"Still a no."

"President!"

Napalingon sina Vivienne at Drake sa pinanggalingan ng pamilyar na boses at nakita nila ang tumatakbong si Violet kasama si Evan. Nang makalapit na sila ay huminga muna ng malalim si Violet bago magsalita.

"The academy is cleared."

Nagulat si Vivienne pati si Drake sa sinabi ni Violet.

"Cleared? How come? Pati ba ang bloodhound ay execute na?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vivienne.

"Yes. Captain was there and he was the one who executed the bloodhound as well as the remaining rouges."

"Oh well. I'm not surprised. Hindi naman dapat ikagulat iyon lalo na't si Captain pala ang pumatay. The bloodhound only has 3,000 Imperium level and captain has more than that. I guess papapasukin na natin ang mga estudyante sa building."  Tumatango-tangong sabi ni Drake.

Vivienne faced the students who were mumuring. But before she can speak Violet held her arm which made her face the sheepish look on Violet's face.

"Um...you should know something." Parang kinakabahang sabi ni Violet.

Nagtaka si Vivienne sa kinikilos ng kanyang kapatid but nonetheless, she ushered her to talk.

Hunter's Academy: The Demon HuntressWhere stories live. Discover now