Chapter 2: The Pursuit

20 1 0
                                    

Kris' POV

Kinabukasan, I can't stop thinking of her. There's something about her that caught my eyes. Never felt something this strong before. Ngayon lang.

Malapit ng matapos ang last subject ko for this day. Nakakatamad. Inaantok ako hindi kasi ako nakatulog kagabi. Yan ang nagagawa ng too much daydreaming. Gabi na pala yun, edi Nightdreaming? haha. Naisipan kong itext siya kahit na hindi ako sure kung sasagot.

"Hello!"

Isesend ko ba? Nakakahiya naman kapag hindi siya nagreply. Anong gagawin ko? To send or not to send? haaaay! Isesend na nga. Bahala na. Kung hindi magreply edi hindi. So what? 

"Sending message..."

Fuck! Cancel! Cancel! Pano ba to icancel?! Mawalan ka ng signal!

"Message sent!"

Waaaaaaaaaaaaaa! Anong gagawin ko? Sabihin ko kaya wrong sent? Sige. After 10 mins pag di pa nagreply sasabihin ko wrong sent. Hahaha! 

"Hi! :)" 

Wahaha! Wooooooh! Nagreply siya! Naman! You're the man Kris! 

"Anong ginagawa mo?" Reply ko sa kanya na may halong ngiti sa mukha ko habang kinukutya ako ng seatmate ko.

"Wala. Katatapos lang kasi ng klase ko. Hinihintay ko kasi si Bea eh. Ikaw?"

"Ahh. Eto, nagkaklase pa. Nakakatamad ngang makinig eh, Nakakaantok yung prof. San ka natambay?"

"Dito sa labas ng dorm. Ang init kasi sa kwarto kaya dito ko nalang siya hinihintay. Maliligo daw muna siya eh."

"Ahhh. San naman kayo pupunta?"

"Sa photocopy center. Di ko nga alam kung san banda yung nagphophotocopy na yun eh. May kailangan kasi akong kunin na handouts."

"Ahhh. Alam ko kung saan yun. May papaphotocopy din ako. Pwede bang sabay na tayo?"

"Osige ba. Dun nalang tayo magkita."

"Osige. May isasama akong brod ko ah."

"Sure."

Wahaha. Ang saya naman. Chance ko na to. Wala naman talaga akong papaphotocopy eh. Gusto ko lang talaga siya makita at makasama. You're the man talaga Kris.

"Hoy Kris. Napapano ka diyan? Makinig ka nga. Ngiti ka ng ngiti diyan mag-isa para kang baliw." Sabi ng seatmate ko.

"Bakit ba? Bawal ngumiti? Nasa batas ba na bawal? Manahimik ka diyan. Ang saya-saya ko sisirain mo pa araw ko." Sagot ko na may halong inis sabay tingin ulit sa phone ko at pangiti-ngiti. Haha.

Tapos na ang klase. Pupunta na ko dun sa kung san man yung photocopy na yun. Makikita ko na siya sa wakas. Magje-jeep nalang ako para mas mabilis. Pagdating ko dun, nandun siya. Tumatawa habang nagkukwento yung kasama niya.  Ang ganda niya talaga. Mukha siyang foreigner but not the usual foreigner na maputi at slim. Ibang klaseng foreigner. Lagi ko nga siyang tinatanong eh, "May lahi ka ba?" tapos maiinis siya kasi alam na daw niya kung ano ang ibig kong sabihin. Mula pa daw kasi bata siya madalas na siyang sabihan na mukha daw siyang may lahi. Natatawa ako pag naiinis siya. Ang cute niya kasi. Lumapit na kami sa kanila.

"Nandito na kami." Text ko sa kanya.

"Saan?" Sabi niya. Sabay kalbit ko sa kanya.

"Dito oh. :)"  Sa sobrang saya ko, hindi ko napigilang ngumiti pagharap niya.

"Wait lang ah. Nagpapaphotocopy pa ko. Ang dami kasing tao." Sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Across Miles: Hanggang Saan Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon