Chapter 1: Love at First Sight.

42 1 0
                                    

by: Jean Ackles

Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Paano kung ang tagal mo ng naghahanap ng taong para sayo pero the moment na marealize mo kung sino siya, yung sitwasyon naman ang hadlang? Paano kung yung taong pilit mong nirereject at binabalewala noon ay yung taong mamahalin mo pala ng sobra? Paano kung ngayong mahal mo na siya, magkalayo naman kayo? Kakayanin mo ba ang long distance relationship? O susuko ka nalang kasi alam mo mahihirapan ka lang? Anong sakit ba ang mas kaya mong tanggapin? Sakit na alam mong may chance kayo pero hindi ka lumaban dahil feeling mo masasaktan ka lang kahit di mo pa nasusubukan o sakit na kayo naman pero malimit niyo lang makita ang isa't isa at araw-araw nandun ang pagnanais na sana kasama mo siya? Pero paano kung nakaplano na ang buhay mo? Ano ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Mga panghihinayang na sana pwede mong baguhin. Nakaraan na sana pwede mong balikan. Ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig? Ito ang magiging kwento ko.

CHAPTER 1: Love at First Sight.

 Isa akong freshman sa isang university na malayo kung saan ako nakatira. Pinlano talaga noon pa na dapat hindi ako lalayo sa amin pero ayokong sayangin ang opportunity na natanggap ko na makapasok sa isang sikat na school sa bansa. Nung mga panahong yun, gusto ko rin talaga magexplore. Pero may palugit.

Nagsimula ang lahat ng gabing yun. May event na isinasagawa yung buong college namin yearly. Since freshman pa lang ako, bawal samin ang sumali sa organizations at wala din akong balak sumali dahil alam ko na aalis din naman ako. Bago ko pala makalimutan, ako nga pala si Jessie Sanchez. Dapat talaga hindi ako pupunta sa event na yun since ininvite ako ng classmate ko sa parang event ng christian organization nila. Pero pinilit ako ng dorm mate ko na batchmate ko na kacourse ko na si Beth na pumunta nga sa event ng college namin dahil kinakailangan daw niya pumunta kasi sumasali na siya sa isang sorority. Ayoko ng makipagtalo nun kaya pumayag na ko. Pumunta na kami dun sa Hall kung saan ginaganap. Iba-iba ang pwesto ng bawat orgs. Nakita namin yung isang blockmate namin na sumali na sa isang org at niyaya niya kami na magstay sa pwesto nila. Since wala naman talaga akong lugar dun, sumama na ko habang si Beth naman ay pumunta na dun sa sorority nya. Hindi ko inaasahan na dun ko siya makikilala. Siya si, Kris Castro.

Jessie's POV

Nanonood lang ako nun nung pageant. Since first day pa lang ng event na yun, pageant pa lang ang meron at singing contest. Nakaupo ako sa isang sulok kasi wala naman akong ibang kilala sa orgmates ng blockmate ko although pinakilala na niya yung iba niyang brods, still di naman kami close. Nananahimik lang ako nun at nakafocus sa pinapanood ko. 9 pm na. Gusto ko ng umalis kaso di pa pwede si Beth. Ayoko namang iwan na lang siya basta-basta. Paano siya babalik sa dorm. Delikado na.

"Okay ka lang ba diyan Jessie?" Sabi ni Rick. Yung blockmate ko.

"Oo. Nakakatawa lang tong contest na to parang joke time ang naglalaban." Sagot ko.

"Sige. Mag-enjoy ka lang diyan at tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka."

Sigawan lahat sila. Kanya-kanyang cheer sa pambato nila. Ako kunwari nagtetext kahit wala namang katext. Nakakahiya kasi. Bakante nun ang upuan sa tabi ko ng may biglang umupo. Hindi ko pinansin o kahit tiningnan man lang kasi alam ko hindi ko naman siya kilala.

"Hi!" Sabi niya bigla sakin.

"Hello"

"Freshman ka? Ngayon lang kita nakita. Anong org mo?"

"Oo. Wala po akong org." sabi ko

"Ahh. Akala ko bago ka ng member namin ng hindi ko man lang alam. Haha." sagot niya.

Love Across Miles: Hanggang Saan Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon