"kamusta ka diyan anak? kamusta biyahe mo?"
tanong ng kanyang ama sa kabilang linya, tinawag niya
kasi agad ito pagdating niya sa batangas.
"ok lang naman po pa huwag niyo na po akong alalahanin magiging maayos lang po ako dito."
"sige anak mag iingat ka diyan patayin ko na tong tawag dahil mag papahinga muna ako."
"sige po bye pa i love you."
" i love you too anak"
binaba ko na ang tawag at natulog na din dahil bukas marami pa akong aasikasuhin.
kinabukasan..
Nagising ako ng maaga bago ko gawin ang kailangang gawin bumaba na ako at pumunta sa kusina para sana uminom ng tubig pero naabutan ko si Kuya craig na nag luluto ng pang agahan kaya binati ko ito.
"good morning po Kuya Craig."
lumingon ito at ngumiti si kuya craig ang isa ko pang pinsan na nakatira dito dahil nag tatrabaho bali lima kaming mag pipinsan na nandito.
"oy good morning din aga mo atang nagising ah?"
"maaga po talaga akong nagigising naka sanayan ko na po sa probinsya, nga po pala may maitutulong po ba ako?" tanong ko dito.
"ay nako wala na patapos na rin ako eh maupo ka nalang diyan para makakain ka na."
mabait si kuya Craig alam ko yon dahil bago pa ito lumuwas pa batangas naka bakasyon na ito sa amin. maya maya ay umupo na ako pero bago yon nag tanong pa muna ako.
"kuya si ate bliss po ba hindi pa kakain?"
"nako mamaya pa yon magigising kaya mauna kana at papasok na din ako sa trabaho." ani nito tumango nalang ako. at nagpasalamat.
"thank you po kuya."
"walang anuman bunso."
umalis na si kuya Craig kaya kumain nalang din ako, pagka tapos kung kumain at magligpit chineck ko ang oras 7 palang ng umaga at hindi pa gising ang pinsan ko kaya nag linis nalang ako saktong 7:30 natapos ako ng magising si ate bliss.
"morning ate bliss." bati ko sa kanya.
"good morning din paris ang aga mo atang na gising ah."
"naka sanayan lang po ate."
"ah ok siya mabuti pa maligo kana at maghanda dahil pagka tapos ko kumain maliligo lang ako at aalis tayo para mag pa enroll sa papasukan mong school."
"sige po" yon lang at umakyat na ako para maka pag handa.
YOU ARE READING
I will always Love you
RomanceParis Montero has a lot of dreams for her family, but since they are not rich she has to sacrifice leaving her family to continue her studies, Her father sent her to Batangas wala siyang choice kung 'di pumayag dahil may crisis silang pinag dadaana...