Naka pag pa enroll na ako sa Lyceum laguna sa kursong Business Ad at sa lunes na ang pasukan excited na ako dahil sa wakas makaka pag aral na ako, 4th year college na ako kaya pagbubutihin ko para makatapos ako. Palabas na kami ng gate ng mag salita si ate bliss,
"hoy Paris ah mag ayos ka ng pag aaral dahil hindi biro ang perang gagastusin nila mama para sa tuition mo."
"opo ate maaasahan niyo." magalang kong sabi kay ate bliss.
"siguraduhin mo lang dahil mahal iyang school mo ewan ko ba kina mama kung bakit diyan ka pa sa lyceum eh pwedi namang sa public nalang tsss." masungit nitong komento pero hindi ko nalang pinansin, nsaktan ako siyempre dahil nga pina paaral lang ako pero hindi na ako umimik at pinag sa walang bahala nalang ang sinabi ni ate bliss.
"umuwi na tayo paris gutom na ako."
"sige po."
Nag aabang na kami ng jeep para umuwi dahil mag aalas dose na rin
at hindi pa kami kumakain, ng maka para na kami agad na kaming sumakay.Monday na first day ko sa school kaya maaga akong gumising para mag handa, tulog pa si ate bliss kaya nag luto na ako ng pang breakfast pagka tapos na ligo at nag bihis at since unang araw ko pa lang at hindi pa dumating yong uniform ko civilian muna ako, time check 6: 40 am na kaya ginising ko na si ate bliss para humingi ng allowance.
"ate bliss kukunin ko po sana allowance ko." tinapik ko siya sa balikat buti nalang na gising agad siya,
"kunin mo sa ibabaw ng study table tree thousand yon one moth allowance mo" mahinang sabi niya.
"ok po thank you alis na po ako." paalam ko sa kanya, tumango lang ito kaya bumaba na ako at umalis.Sa school naka upo ako sa likurang bahagi ng room kasi medyo nahihiya pa ako at bago nga inaantay namin professor namin para sa first subject na ito, habang nag aantay nilibot ko ang panigin ko sa loob ng silid napansin ko na kaunti palang ang studyante baka late yung iba nahihiya naman akong mag approach at baka mailang naman sila sa akin, maya maya pa ay may pumasok na babaeng nasa mid 30's agad nag siayos ng upo ang lahat pati na rin ako.
"Good morning students some of you are my old students but since we have transferees I'll introduce myself, my name is Hazel Perez and I am your accounting and economics professor. Transferees please stand up and introduce yourself." Agad kaming tumayo apat ang bagong studyante kasama na ako.
"Good morning Miss Perez I am Junard Cruz." Pakilala nong lalakeng naka salamin sa unahan.
"Good morning po ako po si Marvin Felomino."
"Good morning Miss Perez my name is Maria Margaret Fuentes." Pakilala ng babaeng maganda at may pagka kulot na buhok ako na ang panghuli kaya agad akong umayos ng tayo.
"Good morning po ako po si Paris Montenegro." Maikling pakilala ko kagaya ng mga nauna.
"Thank you transferees you may now sit." Agad kaming umopo at tumingin sa harapan kung saan nagsasalita ang professor.
"karamihan sa mga lumang studyante ko ay alam na kung anong rules ko bilang teacher niyo pero sasabihin ko ito ulit para sa mga bago, my rules are simple attend my class on time, respect me as I respect all my students, do anything I say and listen to me when I'm discussing in front, if you can follow that simple rules you can pass my subjects and earn the grades you deserve but if not you are free to drop my subjects are we clear?" seryosong sabi ng magandang professor hindi siya katangkaran, tuwid ang buhok hanggang balikat at simple lang kung manumit ito ng obserbasyon ko sa kanya.
"Yes Miss Peres." Sagot naming mga studyante.
"Good, now that we're clear let's discuss our first topic." Seryoso kaming nakikinig hanggang sa sumapit ang takdang oras para sa first subject.
"That is all for today see you tomorrow at 10 am be sure to bring your calculators accounting ang subject bukas at bawal mag labas ng cellphone sa klase ko unless may pahintulot ko." Pag di dismiss at paalala samin ni Miss Perez.
"Ok po bye ma'am." Sagot ng ilang studyante at sunod sunod na kaming lumabas, may 30 mins pa ako bago mag simula ang next subject ko kaya pumunta muna ako canteen ng school para maghanap ng makakain. Naka upo ako sa lamesa at kumakain ng siomai ng mapansing ko na may umupo sa harap ko, ito yung babaeng transferee din si Maria Margaret.
"Hi MM nga pala kaklase mo ok lang ba na sabay tayo? Wala kasi akong kasama wala pa din akong kakilala dito since transferee din ako." Nahihiyang pakilala nito, ngumiti naman ako kasi may magiging kasama na ako.
"Sure walang problema Paris nga pala." Pakilala ko sabay abot ng kamay na tinanggap naman nito agad, pagka tapos nain mag shake hands agad kaming nag usap tungkol sa sarili naming mabait kasi ito kaya agad akong naging komportable sa kanya, natapos lang kami ng sumapit na ang next subject namin.
6 pm ng natapos lahat ng klase ko at kasabay ko parin si MM habang nag aabang ng jeep pauwi habang nag uusap kami nalaman ko na nasa iisang barangay lang pala ang subdivision na tinitirhan namin siya sa hilt heights ako naman sa MDC heights, di nagtagal naka sakay na kami nag usap lang din kami hanggang sa mgpaalam sa isa't isa. 7:40 pm ako saktong dumating bahay naabutan ko si ate Bliss naka upo sa sala kinakalikot ang cellphone pero ng mapansin nitong dumating na ako agad lumipat ang atensyon nito sa akin.
"Kaen na tayo Paris mag bihis ka na kanina pa kita inaantay."
"Sige po ate." Yun lang at umakyat na ako sa taas para mag bihis, agad akong bumaba pagkatapos at nag hain ng pagkaen sa lamesa tinawag ko na si ate para kumaen. Matapos kumaen at mag ligpit agad kaming umakyat at natulog.
Kinabukasan nagisin ulit ako ng maaga para mag luto at maghanda para pumasok, kakatapos ko lang magbihis simpleng white V-neck shirt skinny jeans na black at sapatos na puti na bigay ni kuya Craig. Pumasok si ate Bliss sa kwarto at hinagis ang uniform sa kama.
"Paris paki plantsa nga nito liligo lang ako malelate na ako eh." Aroganteng utos nito na di ko nalang pinansin at tumango nalang kahit na nagmamadali ako kasi baka malate ako, binilisan ko nalang ang pagpa plantsa sakto naming natapos ako ng tumawag si MM sinabi nitong aantayin daw niya ako sa may sakayan ng jeep kaya agad akong kumilos kinatok ko nalang si ate sa cr at nagpaalam na aalis na.
SA school 3 mins nalang magsisimula na agad ang klase kaya nagmadali na kami ni MM pumasok buti nalang hindi kami nalate umopo kami agad pero bago yun nagpasalamat muna ako kay MM ngumiti lang naman ito at nag thumbs up, maya maya pay dumating na si Mr. Joseph Garcia ang marketing professor namin agad itong nagpa kilala at nag simula ng magturo.
BINABASA MO ANG
I will always Love you
RomanceParis Montero has a lot of dreams for her family, but since they are not rich she has to sacrifice leaving her family to continue her studies, Her father sent her to Batangas wala siyang choice kung 'di pumayag dahil may crisis silang pinag dadaana...