Chapter 3

10 0 0
                                    


Ang bilis ng araw akalain mo yun naka dalawang lingo na agad ako dito na dagdagan na din ang mga kaibigan ko ito nga kami ngayon naka tambay sa canteen sina Carina, Jessie, Paulo, MM, karla at kate mga maliban kay MM sila ang dating mga studyante dito, Ito nga kami ngayon nagkukwentuhan at nagkaka sayahan habang kumakaen.

"Alam mo Paris may transferee na gwapo sa civil engineering department graduating din tulad natin kaso mukhang suplado ata." Magiliw na kwento ni Kate ang madaldal at masayahin sa grupo namin.

"Sus ito na naman Kate lahat nalang ata ng lalakeng may abs ay gwapo sa paningin mo hahaha." Napatawa kami lahat dahil sa pag kontra ni Paulo na ikina lukot ng mukha ni Kate.

"Manahimik ka nga Paulo palibhasa'y wala ka non hmmmp!" pairap na sagot naman ni kate kay Paulo na tinawanan lang nito, aasarin pa sana nito si Kate pero nagsalita na ako at baka kung saan na naman mapunta ang bangayan nila.

"O siya tama na iyan at baka mag away na naman kayo hahahaha, eh ano naman kasi kung gwapo siya Kate ano naming kinalaman ko don?" naka tawa ko'ng tanong sa kanya.

"Eh kasi besh bagay kayo ang ganda mo kaya sexy pa." kinikilig na ani nito.

"Paano naman ako naging sexy aber eh ang taba ko nga nababaliw ka na naman." Kunot noo ko naming balik dito.

"Huy maka taba besh malaman ka malaman sexy ka kasi bumagay naman sayo." Tumango naman ang mga kaibigan naming bilang pag sang ayon na ikinailing ko nalang.

"Change topic tayo at alam niyo naming hindi pa pwedi magagalit sa akin ang tita at tito ko aral muna." Naka ngiti ko nalang sabi para matigil na ito.

"Haaay oo na napaka masunurin mo talaga, nga pala nood naman tayo ng presentation mamaya may project contest kasi ang civil engineering department." Excited nitong pag aaya sa amin.

"Oo nga pala mamaya na nga pala yun kaso di tayo magtatagal kasi may klase pa tayo." Malungkot na sagot ni Karla.

"Ayos lang yun ang importante naka panood tayo." Naka ngiti ko naming sabi.

"Sabagay ang gagaling kasi ng mga engineering eh lalo na sa projects nila." Humahangang sabi ni Karla na sinang ayunan naman ng lahat kaya na curious naman talaga ako.

"Oo walang kupas worth it na rin ang binabayad na tuition nila sa mga natututunan nila." Komento naman ni Jessie.

"True excited na akong Makita ang gawa ng grupo nong bagong transferee hehe." Ani ni Kate na kinikilig pa kaya napa tawa na naman kami.

"Manonood tayo mamaya pero bago yun tara ng magsi tayo at may klase pa tayo." Suggest ni Carina na inunahan na ng tayo kaya sumunod na din kami.

Pagka tapos ng klase diretso kami sa Gym ng school kasi doon gaganapin ang program ng engineering department medyo marami ng tao pero naka pwesto parin kami sa may gilid kung saan makikita naming ng maayos kung sakaling mayh mag peprese na, umupo kaming magkakaibigan habang pinapanood ang grupong nag pepresent.

"Yung grupo na daw nila Elis ang susunod ka group niya yung bagong transferee." Excited na sabi ni Kate kaya curious lang kami na naka tingin sa stage di nga nagtagal natapos na ang unang nag present at tinawag na ng professor ang susunod na magpepresent.

Tutok na tutok ako sa mga engineering student kaya kitang kita ko ang isang lalakeng pang huling lumabas para mag present ng gawa nila, gwapo ito malakas din ang appeal di ko maiwasang humanga dito, matangos ang ilong matangkad maputi hindi ko nga lang alam kung mabait pero for sure matalino kasi nakikita ko na ang ginawa nila ang ganda isa itong modern na tiny house, sa design palang ng bahay mukhang pinag isipan talaga kasi ang ganda ng pagkaka gawa.

"I knew it magaling talaga siya kasi sabi ni Elis siya daw nag leader nila." Tuwang tuwa na bida ni Kate.

"Oo nga ang ganda ng design pero sino ba yang Elis na sinasabi mo Kate?" nagtataka ko'ng tanong sa kanya kasi kanina niya pa binabanggit ang pangalang yun pero di ko naman kilala.

"Sorry di ko nga pala naikwento sayo siya yung kaibigan naming since day 1 dito hindi ko lang siya naipakilala sa'yo at busy nga sila gawa ng project nila hayaan mo mamaya papakilala kita mabait yun." Naka ngiting sabi nito.

"Ganun ba sige." Maikling sagot ko sakanya. Patapos ng mag present yung kaibigan ni Kate kaya nag aya na itong pumunta sa lobby ng school at doon daw naming kikitain sila Elis.

"Nandito nap ala sila." Biglang sabi ni Kate na naka tingin sa may daan papasok ng lobby nakita naming palapit yung Elis kasama ka group niya.

"Uy guys kamusta." Bati nong Elis kina Carina.

"Ok lang naman ikaw ang kamusta at matagal ka nang di sumama sa gimik naming." Sagot naman ni Carina dito.

"Sorry naman medyo naging busy lang nga pala sino pala tong dalawang bago niyong kasama?" naka ngiting tanong ni Elis.

"Ah si MM at Paris nga pala bago naming kaibigan kaklase din namin, Paris MM si Elis nga pala." Si Paulo na ang sumagot sa tanong ni Elis at nagpa kilala samin nakipag shake hands naman ito.

"Nga pala ito si Black kaklase at kaibigan ko, Black mga kaibigan ko t." Magiliw na papapakilala nito sa kasama niya. Ngumiti naman ito at nakipag shake hands samin agad ko namang binawi ang kamay ko kasi naiilang ako sa pagtitig niya.

"Ah guys sama kayo samin kakaen tayo sa labas mag cecelebrate kasi kami ni Elis dahil nakapasa yung project naming." Naka ngiting aya ni Black sa amin na sa akin parin naka tingin humanga naman ako sa magaganda niyang ngipin because why not ang puti at papantay kaya.

"Sure basta ikaw papa Black." Nagpapa cute na sagot ni Kate na ikinatawa ng grupo pati ako napatawa na din ang kulit kasi nito parang bagong nagdadalaga pero hindi ko naman ito masisisi gwapo kasi talaga.

"Ano pa ang inaantay natin tara na." excited na aya ni Paulo nagpa tiuna na nga ito sa paglalakad hinila pa si Carina kaya natawa na naman kami ulit, wala kaming nagawa kung hindi sumunod narin.

I will always Love youWhere stories live. Discover now