May kinakaharap na malaking problema si Cassandra dahil sa pagkakautang ng pamilya nila. Nakasangla ang lupang kinatitirikan ng bahay nila na kung saan maraming alaala ng pamilya nila ang naroon kaya hindi niya gustong mawala sa kanila iyon. Pero saan naman siya kukuha ng malaking halaga na pera pambayad sa pagkakautang nila? Hindi na niya alam ang gagawin dahil hindi sasapat ang sweldong isinasahod niya bilang nurse.
Hanggang isang araw biglaang dininig ng Diyos ang panalangin niya. Ang gwapo at sobrang kisig na binata ay biglang dumating sa buhay niya. Si Crisostomo Nathaniel Arnaiz. Na hindi na pala binata dahil may anak na ito. Pero walang asawa. Ibig sabihin... He is single na may dalawang anak. Si Nathan at si Ana na unang beses pa lang ay naging magaan na agad ang loob niya sa mga ito dahil naging pasyente niya ang bunsong anak ng lalaki na si Ana.
Hindi niya lubos akalain na aalukin siya nito ng kasal at bilang kapalit ay tutulungan siya nito. Pero kaya ba niyang magpakasal sa lalaking ni hindi niya lubusang kilala? Pero may pagpipilian pa ba siya?
Wala na. She left no choice but marry him. And she was married in debt with him...
May pag-asa ba na maging normal na mag-asawa sila at magkaroon ng pamilya? Kung umpisa pa lang... mali na ang dahilan ng pundasyon ng kasal nila?
Para sa mga gusto ng kwentong punong-puno ng drama. Kwentong paiiyakin at pakikiligin ka. Story na parang roller coaster ride.. Story na punong-puno ng pagsubok at hamon... Para sa mga umasa at nasaktan. Para sa mga patuloy na nagmamahal at umaasa sa happy ending kahit walang kasiguraduhan ay nagbabakasakali pa rin... Para sa pag-ibig na kahit alam mong walang katugon ay sige pa rin dahil sa huli umaasa ka na mahalin ka rin niya pabalik. Dahil kung oo... Para saiyo ang kwentong ito :)
Sana po magustuhan niyo po :) Enjoy reading po <3 God bless <3 Mahal ko na po agad ang babasa nito <3
***
Maikling Info <3
BINABASA MO ANG
Married in Debt (Bachelor's Series #1)
Romance"I want you to marry me and I will help you," That was the offer I got from a man na siya raw makakatulong sakin para mabawi ang bahay at lupa namin. Pero kaya ko ba talagang magpakasal dahil lang sa pera? That's against my own principle in marriage...