Prologue

1.3K 50 4
                                    

Prologue













[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Ito na po ang kanilang Prologue na sana po ay magustuhan niyo :) Enjoy reading mga bb :) Sana mahalin at masuportahan niyo rin sila tulad ng kina Amanda at Lucian :) Sana tulad ng pagmamahal niyo sa CTBB ay ganoon din dito sa Married in Debt (MID) dahil isa ang mag-asawang ito ang paborito kong isulat dahil tulad ng love story nina Amanda at Lucian ay ganoon na rin katagal ang kina Cassandra at Attorney. Kaya sana matapos ko rin ito haha. So ayun po.  Maraming maraming salamat po <3 Enjoy reading <3 God bless <3 Saranghaeyo <3]










***





“I want you to marry me and I will help you in return.”








Napasinghap ako at nagulat sa sinabing iyon ni Crisostomo. Napalingon ako sa kanya na nakaupo sa tabi ko sa bandang harapan na upuan sa simbahan kung saan ko siya kasama. Sinamahan niya kong pumunta sa simbahan para makapagdasal ako sandali sa Diyos para humingi sa Kanya ng gabay at tulong.








Iilan lang ang tao sa loob ng simbahan dahil hindi naman linggo ngayon. Iilan lang ang taong narito para magdasal ng mga kahilingin nila sa Diyos. At katulad ng iilan ay nananalangin ako para humingi sa Kanya ng tulong para matubos ko ang lupa na pagmamay-ari ng pamilya namin na naisangla dahil sa isang malaki at importanteng dahilan at kapag hindi ko pa iyon natubos ay tuluyan iyong makukuha samin.








At hindi ko mapapayagan iyon dahil iyon na lang ang tanging alaala kung saan buo pa kaming pamilya. Ang bahay namin doon at ang lupain ay mahalaga sakin dahil iyon na lang ang mayroon kami para maalala ang masasayang sandali na buo pa kaming pamilya.








“Anong sinasabi mo, Mister?” tanong ko dahil baka nagkamali lang ako nang nadinig tungkol sa bagay na iyon.








“Gusto kong pakasalan mo ko at tutulungan kita bilang kapalit.”








Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya sakin ang mga iyon. Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya sakin na pakasalan ko siya at bilang kapalit ay tutulungan niya ko? Kalokohan ba ito? Hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi niya!








Napailing ako at natawa dahil tinagalog lang niya ang sinabi niya kanina. “I can understand English, Mr. Arnaiz. Ang tinatanong ko ay anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?”








Pakiramdam ko ay niloloko niya ko. Bakit naman niya ko aalukin ng bagay na iyon? Bakit naman niya ko gustong pakasalan at tulungan kung sandali pa lang naman kaming nagkakilala? Halos wala pa nga kaming isang buwan na magkakilala! Kaya bakit niya ko aalukin ng kasal? Nahihibang na ba siya? She’s asking a stranger’s hand in marriage! Paano kapag lolokohin ko pala siya at peperahan lang?








Kumalabog ang puso ko nang tignan niya ko nang may kaseryosohan sa mga mata. Masyado iyong mabibigat na hindi ko mapigilan ang pagbangon ng kakaibang kaba sa dibdib ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.








Ever since I’ve met Crisostomo ay naging ganito na ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong problema pero alam kong wala naman akong sakit sa puso kaya hindi iyon ang posibleng dahilan.








“Alam kong marami kang pinoproblema kaya gusto kitang tulungan.” sabi niya.








Napailing ako sa sinasabi niya at gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Tulungan? Nang may kapalit. Wala na talagang libre sa mundo. Alam ko naman iyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kasal pa ang hinihiling niyang kapalit sa tulong niya? Bakit ba masyado akong nadala noon at nasabi sa kanya ang mga problema ko na dapat hindi dahil wala naman siyang kinalaman sakin? Ni hindi nga kami magkakilala. He is a stranger to me. I am stranger to him. We are stranger to each other. I am just the nurse of his daughter na naospital. That day on the chapel is the only time na nakapag-usap talaga kami kaya bakit ganito na agad ang sinasabi niya sakin ngayon?








Married in Debt  (Bachelor's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon