34

1.4K 65 6
                                    

"Tahimik ka?" pagbasag ni Ricci sa katahimikang bumabalot sa silid. Hindi magawang tumunghay ni Adaline at patuloy itong umiiwas ng tingin. "Hello? May kausap kaya ako dit--"

"Hello." lamang ang tanging nasambit ni Adaline. Hindi niya ito tiningnan sa mata dahil marahil ay makikita niya ang pugtong mga mata nito.

"Hello lang?" demand pa ni Ricci. Tiningnan nito si Adaline ng pawang sinusuri ni Ricci. Hindi parin nakipagtagpo ng tingin si Adaline sa mga mata ni Ricci kung kaya't pinihit ni Rivero ang baba ni Ada upang magtagpo at makita nya ito ng malapitan.

Bahagyang kumunot ang noo nito ngunit nanlambot din ang facial expression sa pagkakataong tiningnan na siya ni Ada. "Umiyak ka kagabi?" tanong ni Ricci. Tila napako si Ada sa kinauupuan niya pero ipinilit ang isang ngiti. "Puyat. May inisip lang. Di nga kasi ako dapat papasok ngayon eh, kulit kulit kasi nung kausap ko."

Kumunot ang noo ni Ricci at nagpout na parang bata. "Kung di ka pumasok ngayon, edi di mo 'ko makakasabay dito? Ayaw mo 'ko kasabay?"

"Hindi ko naman alam na makakasabay kita ngayon. Edi sana January palang, pinlano ko na diba?" natawang sabi ni Ada at tumungo upang iiwas muli ang tingin dahil sa hiya.

"Ashush?" hindi naniniwalang sambit ni Ricci muli habang kumakain na ngunit tutok parin ang tingin kay Ada. Tiningnan siya muli ni Ada at nakitang nakatitig parin sa kanya. Siniringan ito nito, natawa at sinabi "alam mo ikaw?! Baka di ko matagpo yung kaibigan ko mamaya kakatitig mo, Rivero. Friendly ka ng sobra ah."

"Sinong kaibigan?", pagtataka ni Ricci na iniiwas na ang tingin niya kay Ada at nagpatuloy kumain. Ngumiti muna si Ada ng malumanay ngunit sobrang hopeful na makita ito ng ngayon. "Si River. Di ko alam apelido ng bonak na yun eh. Basta alam ko, makikita ko siya ngayon."

Tumunghay si Ricci ng nakasimangot. Nagtaka si Ada sa biglaang reaksyon niya. Nang mapagtanto ni Ricci ang ginawa nya ay bigla niya itong binawi sa ngiti at marahan naman itong ibinalik ni Adaline sa kanya

Crazier [a text talk novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon