Kwon Soonyoung
Active nowNoEyES: Uji may ibibigay ako sayo bukas after class
Seen.
_______
Soonyoung's POV
"Ang tanga mo naman Soons kinalimutan mong ibigay sa kanya" sabi ni Jeonghan hyung at napasapo sa ulo.
"Ibibigay ko naman mamaya eh" sabi ko.
"Ngayon na kasi ang dami mong alam mamaya pa." Walang ka emo-emosyon niyang sabi.
"Bahala ka diyan may lakad sila mamaya nila Hanhee,Seungmi,Jiwon etchetera hindi mo siya makikita" dagdag niya.
"Edi ibigay, asan ba siya?" Tanong ko.
"Nasa garden? Ewan baka nasa classroom nag-aaral" sagot niya, tumango na lang ako.
Naglakad na muna ako sa hallway malay mo nandito siya diba? Mga ilang saglit lang may narinig akong pamilyar na boses.
"Hindi ko nga kasi siya gusto"
Boses ni Jihoon yun diba? Tama nga si hyung nasa classroom siya pero hindi siya nag-aaral. Lumapit ako sa pinto at nakinig.
"Weh... kakasabi mo lang kanina na gusto mo siya"
Si Hanhee ba yung kausap niya?
"Oo nga pero hindi ko nga talaga gusto si Soonyoung"
Ang sakit pre umaasa lang pala talaga ako sa wala, ginawa ko na ang lahat umamin na ako sa kanya pero hindi niya sineryoso ano pa ba ang kulang sakin? 2 years ko siyang naging crush or sabihin na nating napamahal na ako sa kanya pero wala pa rin.
Nabitawan ko na lang yung scrapbook sa harap ng pinto at tumakbo papalayo.
"Oy nabigay mo na?" Tanong ni Jeonghan hyung pero nilagpasan ko lang siya. Ang sakit sakit talaga.

BINABASA MO ANG
I'm Into You || SoonHoon
Fanfic"Akala mo lang na biro lang lahat ng sinasabi ko sayo pero akala mo lang yun kasi ayaw mo sakin, ayaw mong umasa, ayaw mong masakatan dahil mukha akong manloloko hindi naman ako ganun eh mamahalin naman kita ng lubos na higit pa sa buhay ko" 02/10/1...