(Hehehe... last na niya)
Still Jihoon's Pov~
Nagtulug-tulugan ako para hindi na ako papasukin ni mama kasi kapag late na akong nagigising hindi na niya ako papasukin dahil pa-VIP daw ako pagpumasok pa ako o diba ang lawak ng isip ni mama ang importante nga makapasok ako.
Nagring nanaman yung phone ko litsi panira kayo eh
Calling: Seok
Answer | Decline"Hoy! Asan ka na ba? Papasok ka na ba ng gate?"
"Bakit ba?"
"Yung mahal mo at yung nagkakacrush sayo dati nagsasapakan dito!"
"Ano?! Si Soonyoung tas Seungcheol?!"
"Oo! Nasaan ka naba?!"
"Hah? Ah eh malapit na"
" Bilisan mo! Hindi namin maawat"
/Call Ended/
Litsi kikilos tuloy ako nang sobrang bilis nang wala sa oras ano ba kasi ang pumasok sa utak ng mga yon at nagsasapakan?! Sira ba sila?!
_______
Nakapasok na ako ng school at hinanap sila deba bwisit hindi nga ako papasok ngayon eh.
Lah asan na ba sila? Nyemas kung saan-saan na ako nakarating ah niloloko ba ako ng mga hayop na yon?!
Pumunta na lang ako sa auditorium malay ko ba sa mga paa ko kung saan-saan ako dina-dala tapos kanina pa nagstart yung klase hayst.
Bwiset bakit ba ang dilim dito? Rinig kong may nagsara ng pinto.
"Hala huy punyeta! Hindi ako nakikipagbiruan!"
"Kung sino man kayo please huwag ako ang pagtripan niyo"
Bumukas bigla yung spotlights nakatutok sakin yung isa at yung isa sa bandang stage. Hindi ko maaninag yung mukha nung nasa stage pero may hawak siyang mic.
"Ehem"
Nagsalita na siya at ang boses na iyon ay kay Soonyoung.
"Hi Uji ko! Namiss kita ng sobra kahit kahapon ka lang nawala, sorry kung ang kulit kulit ko, sorry kung lagi kitang ginugulo hehehe gusto ko lang kasi na mapansin mo ako dahil 2 years na kitang mahal sa 2 years na yun lagi kitang iniistalk, sinusundan at iniisip wala eh kasalanan ko bang na I'm Into You ako sayo. Akala ko noon wala na akong pag-asa, akala ko noon aasa na lang talaga ako sa wala pero ngayon nangyari na yung pinakahihintay ko salamat Uji dahil sinubukan mo akong mahalin kaya ngayon hindi na kita papakawalan kailanman sakin ka na ah hindi na kita ibabalik. Uji pwede ba kitang maging Uji ko forever?"
May tumulong luha sa pisnge ko hindi ko alam kung bakit at hindi ko din alam ang gagawin ko kaya lumapit na lang ako sa kanya at niyakap.
"Sayong sayo na ako Hoshi ko"
Bumukas na yung ilaw at nagsipag-sigawan silang lahat.
"Yieee! #walaparingForever!
"Nays naman SoonHoon na talaga!"
"Sorry Uji ko kung napapunta ka dito hehe kunwari lang yung nagsasapakan kaming dalawa ni Cheol kasi alam naming hindi ka papasok" sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Panira kaya kayo pero hayaan mo na basta kasama na kita, I Love You Hoshi ko"
"Ihh I Love You too Uji ko"
___________________________
Ihh tapos na siya tenku sa inyo hantayin niyo lang yung next na bakla series hehehe kung gusto niyo lang salamat uli❤
BINABASA MO ANG
I'm Into You || SoonHoon
Fiksi Penggemar"Akala mo lang na biro lang lahat ng sinasabi ko sayo pero akala mo lang yun kasi ayaw mo sakin, ayaw mong umasa, ayaw mong masakatan dahil mukha akong manloloko hindi naman ako ganun eh mamahalin naman kita ng lubos na higit pa sa buhay ko" 02/10/1...