Chapter 67

29 7 1
                                    

"Nadulas sa akin ang pinsan mo," pagpapaliwanag ni mama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nadulas sa akin ang pinsan mo," pagpapaliwanag ni mama. "Ayaw pa ngang sabihin eh, pinilit ko lang."

Agad akong napatingin sa gawi ni Luisa at tinapunan siya ng masamang tingin. Ang loka, nag-peace sign lang at nagpaalam ng aakyat sa taas para matulog.

Kami na lang tuloy ni mama ang naiwan sa sala. Kinabahan tuloy ako bigla. Ramdam ko ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko.

Close naman kami ni mama at open ako sa kanya. Hindi rin ako madalas magtago ng sikreto. Pero simula nang naghiwalay kami ni Patrick, natakot na kong mag-share kay mama pag tungkol sa love life ko. Galit na galit din kasi siya sa nangyari sa amin noon.

"Hindi pa naman kami, 'ma." sagot ko na lang.

"Hindi pa?" makahulugang tanong niya.

"Opo," tugon ko. "Diba po sabi niyo, kailangan ko munang gumraduate bago mag-boyfriend?"

Ibi-bring up na sana niya ang tungkol sa amin ni Patrick nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Papa.

"Ay sweetheart, tamang-tama nandito ka na. May sasabihin ang anak natin sayo."

Wait, what?! Ako?

One Hundred I Love You'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon