End of Part Two: Special Chapter

113 4 39
                                    

A/N: First of all, thank you! Wala naman na kong ibang sasabihin dahil nasabi ko na sa author's note ng epilogue. Kaya uulitin ko na lang . . . in a simplest manner.

If you want to get hurt, continue to read this. If not, then stop right now. Hayaan niyo na sa  imahinasyon niyo ang sunod na nangyari kila Arvin at Randell after the airport scene on the epilogue.

Para sa mga masokista at gustong-gustong masaktan, enjoy reading!

P.S. This special chapter is still in Randell's POV.

XO,
Endee

x

END OF PART TWO:
SPECIAL CHAPTER

WHEN IT comes to love, hindi sapat ang sangkap na mahal niyo ang isa't isa. Dahil kung ihahalintulad niyo ito sa isang recipe, isa lamang 'yon na main ingredient. At hindi magiging masarap ang putahe kung wala ng iba pang sangkap bukod sa pagmamahal.

For the past two years, wala akong ibang inisip kundi siya. Wala naman na kasing ibang laman itong puso't isipan ko kundi siya lamang.

Months after Arvin left me, naging maayos pa ang komunikasyon naming dalawa. Nasasabayan ko pa siya kahit papaano dahil wala pa kong trabaho no'ng mga oras na 'yon. I decided to take a rest kasi. Ilang buwan lang naman.

Umaga ro'n, gabi rito. Umaga rito, gabi ro'n. Hindi magkatugma ang oras naming dalawa. Kapag gising siya, tulog naman ako. Kapag tulog siya, ako naman ang gising. Kaya naging mahirap talaga para sa amin ang mag-adjust. Hindi rin naman kasi pwede na araw-araw na lang kaming magpupuyat para lang makausap ang isa't isa.

After a year, naging madalang ang pag-uusap namin. Nakahanap na kasi ako ng trabaho. Habang siya, naging busy na sa pag-aaral. Pahirap na rin kasi nang pahirap ang pinag-aaralan niya ro'n. Kaya kinailangan naming mag-focus sa mga landas na tinahak namin.

Nang mag-second year siya, halos hindi na talaga kami nag-uusap. He's so busy that he can't lend a bit of his time to me. Noong mga panahong 'yon, sa aming dalawa, ako na ang nanlilimos ng oras niya. Sinusubukan niya naman pero hindi talaga kaya. Inintindi ko. Wala naman na rin kasi akong magagawa, diba? I just need to understand him and his situation all over again.

After a year and nine months, napagod ako. Dumating na kasi yung kinakatakutan kong araw na pasuko na ako. I tried to contact him that night. Gusto ko kasi talaga siyang makausap para naman magkaroon ulit ako ng rason na kumapit. But he's out of reach. Not only for a day or two, but for a fucking month.

Isang buwan siyang hindi nagparamdam sa akin. I almost cursed him every night dahil nag-aalala na talaga ako. Ni hindi na nga ko makapagtrabaho ng maayos dahil siya lang talaga ang iniisip ko. Kung napaano na siya. Kung anong nangyari sa kanya. Kung bakit isang buwan na siyang hindi nagpaparamdam sa akin.

After his unexpexted one month disappearing act, he reached me. Nag-sorry, nag-explain. Nagalit ako syempre. Pero two days lang. Kasi for the nth time . . . inintindi ko na naman siya. Hindi lang naman kasi ako yung hindi niya kinausap ng isang buwan. Pati pamilya niya. Kaya inintindi ko na lang. Busy daw kasi siya. That time, I was wondering kung tungkol pa rin ba sa pag-aaral yung pinagkabusyhan niya.

We back to our routine. Muli kaming nakapag-usap. Milagro na ang three times a week. And as usual, ako ang naga-adjust. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero . . . naramdaman ko na kasing napagod ako. But then again, pinilit kong kumapit. Ulit.

Lumipas ang ilang linggo, akala ko okay na ulit kami. Pero may nangyari na naman. Nagsimula na naman siyang hindi magparamdam. Ayoko mag-isip ng kung anu-ano pero . . . hindi ko mapigilan. Para kasing nanggagago na siya. Na kung kailan niya gustong bumalik, babalik siya. At kung gusto niya namang umalis, aalis siya. It looks that he was taking me for granted.

One Hundred I Love You'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon