Chapter 89

30 7 0
                                    

"Please, Arvin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Please, Arvin . . . please give me an explanation na hindi ako masasaktan. Nakakapagod na kasi eh." huli kong sabi bago umupo sa isa sa mga bench. Marahan ko na ring pinunasan ang mga luhang tumulo kani-kanina lang.

Binalot kami bigla ng katahimikan na siyang mas lalong kinainis ko.

"Ano ba, Arvin?! Hindi ka talaga mage-explain sa—"

"I don't know where to start."

"Gaano ba kahirap sabihin ang tungkol sa pagpunta mo sa London?!"

"Hindi naman kasi gano'n kadali—"

"Then make it easier for you. Alangan naman akong maga-adjust. Arvin, kung nahihirapan ka. Mas lalo naman ako. At dapat alam mo 'yan."

Muli kaming binalot ng katahimikan bago siya nagsalita. "I got accepted in The City Law School in London. Scholarship at sagot lahat nitong school—

"Tinaggap mo?"

Hindi siya sumagot. Natawa na lang ako. That's a big opportunity, malamang tatanggapin niya talaga.

"Randell, alam mo namang pangarap kong maging Lawyer, diba?"

Oh, right. Ilang beses niya na bang sinabi sa akin na kapag nakakuha siya ng magandang trabaho pagka-graduate ay mag-iipon agad siya para makapag-aral ng Law? Sa sobrang daming beses, hindi ko na matandaan.

Ano nga ba ang laban ko sa pangarap niya? That's his dream. Ako? I'm just his girlfriend for Pete's sake.

"I-Ilang taon, Arvin?"

"Four to five years." Hindi ako nakapagsalita. That long? "Randell, saglit lang naman—"

"What? Did you hear yourself, Arvin? Saglit lang sayo ang apat na taon? Pinagloloko mo ba ko?"

"Pwede pa rin naman tayong—"

"I don't know if I can handle a long distance relationship, Arvin. I don't know . . ."

One Hundred I Love You'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon