Epilogue

116 7 4
                                    

Sabi nila, kaya raw naghihiwalay ang magkasintahan dahil sa hindi na nila mahal ang isa't isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sabi nila, kaya raw naghihiwalay ang magkasintahan dahil sa hindi na nila mahal ang isa't isa. Pero sa kaso ko, hindi gano'n. Maghihiwalay kami ni Arvin dahil mahal na mahal namin ang isa't isa to the point na suportado ko ang pag-abot niya sa mga pangarap niya.

Naisip ko ang bagay na 'yan habang nasa sasakyan papunta rito sa airport.

Ayaw pa nga akong pasamahin ni Arvin dahil baka raw umiyak pa ko at magbago ang isip niya. Sus, as if naman. Eh sa pagkakaalam ko buong-buo na ang desisyon niya.

"So . . . goodbye na?" nakangiti kong sabi nang kailangan niya na talagang umalis.

"Anong goodbye ka diyan?"

"Tinawag na ang flight mo, oh. Male-late ka."

"Hindi goodbye ang tamang salita, Randell. Para lang 'yon sa mga hindi na magkikita pa."

Ano ba 'yan, ang dami naman nitong alam. Mukhang siya pa ang mas magdadrama sa amin eh.

"Oh, ano dapat?"

"See you . . ." nakangiti niyang sabi. "See you after four years, Randell."

Dahil sa sinabi niyang 'yon, hindi ko na mapigilang hindi maluha. Lalo na nang muli niya kong bigyan ng halik.

"Yes, Arvin . . . see you after four years." huli kong sabi bago na siya tuluyang naglakad palayo sa akin.

THE END

A/N: Yo, Lovers! OMG! At last, natapos ko na rin ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Yo, Lovers! OMG! At last, natapos ko na rin ito. Huhu . . . By the way, I won't make this author's note a long one dahil may gusto lang naman akong ipaalala.

Tapos na po ang OHILY. Yes po. Tama po ang nabasa niyo. Legit The End na po 'yan. Diyan na po natatapos ang kwento nila Arvin at Randell.

Bitin ba? Well, in-expect ko na 'yan. So para sa lahat ng hindi na-satisfied sa ending, may inihanda po kong special chapter sa inyo na mamayang gabi ko ipo-post. Yep, special chapter. Hindi po book 2 o sequel. Special chapter lang po.

Pero may kaunting paalala rin po ako tungkol diyan. Kung umaasa kayo sa happy ending, I'm telling you that better not to read that one. Masasaktan lang kayo.

The moment na nabuo ko ang plot ng OHILY, ganyan at ganyan na po talaga ang ending. Naka-fix na po 'yan sa utak at puso ko. Hindi na nagbago. Kaya please, wag niyo na pong basahin ang special chapter na sinasabi ko kung nage-expect kayo ng ibang bagay.

Ayon, sabi ko hindi ko hahabaan ang note na ito pero failed HAHAHAHA.

Muli, maraming salamat sa pagbabasa nito! Mahal na mahal ko kayong lahat~

XO,
Endee

One Hundred I Love You'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon