ika-44 na banat!

12 3 0
                                    


Allen's pov         🐑➕🐼≈💖

"Allen hindi ko sinsadyang masaktan ka. I'm so sorry.. " nagtaka ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin dun? "Dapat  pala mas naging sensitive ako bago kita dinala dito. Para magpa criticize ng ginawa ko. I'm sorry..." Mas humigpit ang yakap nya sakin. Hinayaan ko nalang sya hanggang kumalma ako ng konti.

"Pasensya kana. Nadala lang ako.." Nahihiya kong sabi kahit humihikbo pa ako.
Umiling sya at hinaplos ang mukha ko habang matiim na nakatitig sa akin.

"Gusto mo ba sya?" Tanong nya. Bakas ang pag aalala sa mukha nya. Tumango ako bilang sagot.
"Mis na mis ko na nga sya eh. Kaya nasasaktan ako ng ganito." Dagdag ko pa. "Pero ayoko nang maghintay kung kelan sya magpapakita ulit sakin. Nasasaktan lang ako. Isa pa wala naman akong pinanghahawakan mula sa kanya."

"Paano kung mahal ka nya?" Natameme ako sa sinabing iyo ni hendrix. Matagal bago ako nakasagot.
"Imposible.paano nya mamahalin ang tulad ko? Ayoko nang dagdagan ang sakit."

"Allen" bumuntong hininga sya. Saka nya ako hinila paupo sa silyang inihanda nya. Naguluhan akong tumingin sa kanya.

"Lets talk while eating." Sabi nya. Nagunot naman ang noo ko sa pagtataka. " this supposed for someone I wait to have breakfast with. But I think you deserves this more." Sabi nya.

"Paano ang ka date mo dito?"

Umiling sya. " mas importante ka kesa sa iba." Kinabahan naman ako bigla dun.

"Ewan ko sayo." Nasabi ko nalang. Kumakalma na rin ako kahit papaano.

"And about dun sa sinabi mo..well., to tell you the truth. I have a crush on you." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Ano?" Kinakabahan ako.

"Whats with that expression?"

"Wag mo nga akong pinag lolo loko hendrix!"

"I'm not joking with you. Gusto kita. And I'm planning on courting you. At itong ginawa ko. Para sana sayo to." Napa nganga ako sa mga pinagsasasabi nya. Lakas ng tama nito sa utak.

"Nababaliw kana ba?" Kinabahan ako bigla. Naalala ko kasi ang sinabi ni ghost sa akin. Bawal ako lumapit sa ibang lalaki. Baka kung ano ang gawin nya.

"No. Maybe yes. Kasi gustong gusto kita. Hindi ka mahirap mahalin allen. You are a good person. Kaya yes i like you. Can I court you?" Hala! Derederetso lang magsalita?

Bagsak ang balikat ko dahil sa mga sinabi ni hendrix. Masyado syang deretsahan mag salita. Kaya lang hindi ko sya gusto. Si ghost ang gusto ko. Kaya sana magpakita na sya sakin dahil kung hindi. Pipilitin ko ang sarili ko na kalimutan nalang sya.

Tumayo ako para sana umalis na. Pero ang bilis ni hendrix. Nahawakan nya kaagad ako sa braso.

"Allen! Where are you going?"

"Bitawan mo ako hendrix." Mariin kong saway.

"But why? Sabi ko gusto kita—"

"Hindi kita gusto! Iba ang gusto ko! Sa tingin ko nga mahal ko na sya eh!" Bigla syang nalungkot sa sinabi ko. " si ghost ang gusto ko kahit di sya palaging nagpapakita sakin!" Nawala ang lungkot nya at kumikislap ang mga mata nya.

Pero ako malungkot.
"Wag mo akong hawakan. Ayokong makita nyang lumalapit ako sa ibang lalaki. Ayokong magalit sya sakin." Napaluha na naman ako. " pero kapag hindi pa sya nagpakita ulit sakin. Kakalimutan ko na talaga ang feelings ko para sa kanya.  " sunod sunod nang pumatak ang luha ko. Samantalang si hendrix., parang natutuwa pa sya. Pinagtatawanan nya ba ako?

(TP)-The bad ass scholars. Where stories live. Discover now