👊 ika - 33 na banat 🐢

17 4 0
                                    

Tiffa's pov....

LOLAAAA?????!!!!

Muntik na akong mapaupo sa sahig pagkasabi nila niyon. Gulat na gulat lang ang mga peg!? Sabay sabay talaga sila at obyus naman na super shock sila sa sinabi ko. Hehehe...

Alam ko naman kung bakit ganun nalang reaksyon nila. Sabi ko nga diba. Si lola mirka ay hindi mo talaga iisiping lola na. Baka nga isipin mo pang ate ko sya kapag nakita mo sya ng personal. Mukha lang kasi syang nasa mid 20's.  Parang kaedad nya lang si glaiza de castro, angel locsin, toni gonzaga. Yun mga ganoong level ang hitsura nya.  Mas mukha pa ngang matanda sa kanya ang anak nyang si kuya Realm. At eto pa ang chika ko sa inyo. 65 years old na si lola mirka.

Tanungin nyo ako kung anong uri ng anti aging cream ang ginagamit nya. Isa pong malaking WALA!.

Sori nalang. Bigo kayo. Hehehe...

-----------

Aaminin kong ang exaggerated ng reaction ng mga to. Hindi ko naman sila masisisi. Kapitbahay nga namin di naniniwala na 65 na sya at lola ko sya at eto pa. May anak na syang 37 years old. Hahaha!!!

"Ok lang yang reaction nyo. Sanay na kami ng lola ko.hahahaha!!! " napailing nalang ako. "—Uminom na nga lang muna kayo ng tubig! Baka atakihin pa kayo sa puso dyan kasalanan pa namin." Tinalikuran ko muna sila para sundin ang utos ni lola.

"Dito na kayo mag lunch ha! Dinagdagan ko yung isasaing kong kanin." Alok ko habang hinuhugasan ko ang bigas. " Saka sabi rin ni lola dito na kayo mananghalian." Dagdag ko pa. Hindi sila kumikibo. Nakakatawa tuloy. Naiimagine ko pa rin yung shocked nilang mukha. Ung nakanganga tapos namimilog ang mga mata.Hehehe..

Inasikaso ko na rin yung dala ni lola na pang ulam. Manok,toyo,patatas,laurel,siling haba. Sigurdong adobo to. Kaya lang walang sibuyas at bawang.

"Lola wala pong sibuyas at bawang!" Malakas kong sabi sa paanan ng hagdan. Umakyat kasi sya. Narinig ko ang yabag ng tsinelas ni lola. Pababa na sya ng hagdan. Inabot nya sakin ang pambili pagka baba nya.

"Lola may pinabibigay po so kapitan sa inyo." Sabi ko. Tumikhim lang sya saka bumaba.

"Kainin nyo nalang yan." Pautos nyang sabi.

"Sige po. Lola" wow kotang kota na ako sa pagtawag sa lola ko. Hehehe.

"Bumili ka na rin ng softdrinks sa tindahan para sa mga kaibigan mo. At yelo." Ang cold talaga nitong lola ko magsalita. Pumunta sa kusina si lola. Nakita kong inilabas nya ang dalawang patatas.

"Opo." Sagot ko saka bumaling kina irvine. Kalmado na sila ngayon di tulad kanina.

"May bibilhin lang ako. Dyan muna kayo. Enjoy..." Nang uuyam kong sabi. Sabay ngiti.

Pa labas na ako nang awatin ako ni irvine.

"Ah sama ako!" Nilingon ko sya.

"Wag na!" Tanggi ko naman.

"Sige na isama mo na sya. May sasabihin pa yan sayo!," ngumisi ng makahulugan si mike. Tumaas ang kilay ko kay irvine. Saka ko nilingon si lola. Sumulyap si lola sakin. Yare ako nito... Baka mapagalitan ako mamaya. Siraulo talaga tong mga to.

Pinandilatan ko si mike. At itinikom nman nya ang bibig nya. Nakalimot din ata.

"Sige na nga! Tara na!" Singhal ko kay irvine. Kainis! Ngumiti naman sya ng malapad pagkasabi ko nun. Bakit ang saya nitong kumag nato? Hindi nya ba naisip na masasabon ako mamaya? Hay!!...

Nagmamadali akong lumabas. May bakuran pa kasi ang bahay namin. Bale nasa gitna ang bahay tapos may maliit na space sa magkabilang gilid. Tapos may pathway papunta sa bakod at gate na kahoy. Bago makalabas.

(TP)-The bad ass scholars. Where stories live. Discover now