ika-61 na banat 👊😨

7 3 0
                                    

Tiffa's pov 😶

WAAAAAAHH!!!!

Nahulog ako sa sahig dahil sa sobrang pagkabigla ko pagkaharap ko kay hellix.
Pupunasan ko sana yung natuyong dugo sa mukha nya para luminis sya. Hindi ko talaga mapaniwalaan.,ni hindi sumagi kelan man sa kahit anong segundo sa buhay ko na ang palagi kong nakakasama,
nakakayakap,nakakahalikan at nanliligaw sa akin ay siya!

Yung gulat ko na para akong nakakita ng multo.

Yung kulang nalang lumuwa ang mata ko at bagsak ang panga ko gaya ni the mask nung nakakita sya ng magandang babae. Feeling ko ganun yung reaksyon ko. Panga ko hanggang floor!

I-I-I-Ikaw????

Nilingon nya ako na may seryosong mukha., di makatingin ng deretso sa akin at parang naluluha na.

"K-k-k-kelan ka p-pa n-naging s-si hellix???"

"Simula ng ipinanganak ako".

Ibig sabihin yung lahat ng oras na kasama ko si hellix...ikaw yung kasama ko????

"U-um! Ako yung....kasama mo.."

"Ikaw talaga??"

Tumango na naman sya. Shit!!!

"Tumayo kana nga dyan...kinakabahan na nga ako dito eh."

Tumayo naman ako at di ko malaman kung anong gagawin. Tama sya.,niloko nya nga ako. Hindi nya sinabing sya din si hellix. Pikiramdam ko tinraydor nya ako.

Pero bakit ganon? Hindi ko magawang magalit sa lalaking to? Parang natutuwa pa akong nalaman ko na sya din si hellix.

"Nahihilo ako lalo sayo. Wag ka nang magpalakad lakad dyan. Kausapin mo ako please?" Manghihina nyang sabi. Tiningnan ko sya. Gusto kong malaman kahit sa reaksyon nya ang totoo. Baka joke lang to.

Kinurot ko ang piangi ko. Baka panahinip lang to eh.

Aray!!!!huta ang sakit!!
Totoo nga.

"Tiffa?" Usal nya. Iniaabot nya sa akin ang kamay nya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung aabutin ko din yun o hindi. Kasi naman eh...

"Galit kaba?" Tanong nya na parang nakikiusap. Tumingin ako sa kanya. Pinakirdaman ko ang sarili ko kung may galit akong nararamdaman.

Wala. Kahit konti hindi.

"K-kase naman eh!! Bakit di mo agad sinabing ikaw si hellix?"

"Natatakot akong iwasan mo ako kapag nalaman mo.galit ka nga sa akin diba?"

"IRVINE!!wag ka ngang mag asal bata dyan! Ako dapat yun eh dahil mas bata ako sayo! Nakakainis ka!" Pinagpapalo ko sya dahil sa sobrang inis. Pinipilit nyang salagin yun kahit dumadaing sa kirot.

Natigilan lang ako nung ipulupot nya sa bewang ko ang mga braso nya at hinila ako palapit.

Tumumba ako sa ibabaw nya at hindi ako nakapalag nung bigla nya akong halikan ng mariin.

Nagulat lang ako saglit pero hindi ko sya itinulak.

Nadatnan ko nalang ang sarili kong pikit matang tinutugon ang mapusok nyang halik na yon habang nakapulupot ang mga braso ko sa batok nya. Damang dama kong mahal nya ako. Kahit nagwawala na ang puso ko sa kinalalagyan nya. Sya na ang naka paibabaw sa akin ngayon habang palalim ng palalim ang paghalik nya sa akin. Nararamdaman ko na ang palad nya sa loob ng damit ko at ang labi nyang unyi unting bumababa sa leeg ko hanggan maabot nito ang dibdib ko.

(TP)-The bad ass scholars. Where stories live. Discover now