VI. Gerbera Daisies

2 0 0
                                    

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung first date namin ni Jamie. Every weekend nagkikita kami minsan kapag may free time ako galing sa opisina ng weekdays lumalabas kami para magmerienda o dinner.

Sa apat na linggo na nagkakasama kami ni Jamie siguro iniisip nyo na nagkiss na kami.. Well hindi pa kahit naman napakatempting ng sitwasyon, hindi pa ako nagiinitiate na turuan syang halikan.Gusto ko syang maging komportable sa akin.

Sweet na tao tong si Jamie kaya nagtataka ako kung bakit. iniwanan sya ng boyfriend nya. Marami akong nadiscover about her lalo ang pagging maaalalahanin nya. Yung tipong itetext ka ng umaga,tanghali at gabi na wag kalimutang kumain sa tamang oras at palaging magiingat sasamahan pa ng greetings. Siguro sa ibang lalaki parang scripted na ang datingan ng pagkasweet ni Jamie pero para sakin gumagana yung kasweetan nya. Araw araw kasi akong napapangiti ng mga sweet messages nya.

Hindi sya umaalis ng bahay at may online shop syang inaasikaso. Nagiging katulong nya ang kapatid niyang may motor sa pagdedeliver ng mga products na napipili ng mga customers.

Marami pa kong napagalaman sa kanya isa na dito ang allergy nya sa manok. Kaya nung unang date namin, nagkarashes sya dahil dun. Pero nakasanayan na kasi nyang kumain ng manok kapag stress sya. Ayon sa kanya lumitaw lang ang allergy nya tatlong taon na ang nakakaraan nang isang linggo syang deppressed at kumakain ng manok.

Hindi rin ako nahirapang magadjust sa kanya dahil hindi naman sya sobrang mature at hindi rin naman sya sobrang childish.She's just somewhere in between. But what makes her pretty is her simplicity. According to her hindi talaga sya mahilig magmake-up.

I was in the middle of dreaming about Jamie when my phone buzzed. So i took it from my pocket.

"Hindi ka na naman nagrereply? Siguro may babaeng nagsasayaw sa harapan mo na nakatopless."

Napangiti ako sa text nyang yun. Ganito sya kapag mabagal akong magreply sa text messages nya at alam nyang wala naman akong ginagawa. Selosa at napakapossessive.

Magkikita kami ngayon dahil first month ng deal namin kaya as a gift bumili ako ng mga bulaklak. She always wanted a rose daw and she was expecting that her ex boyfriend would give her even just one. Pero hindi daw nangyari yun sa dalawang taon nilang pinagsamahan na kahit sampaguita lang daw sana ang ibigay hindi pa nakapagbigay. So kahit hindi naman nya ko boyfriend para lang mapasaya ko sya bibigyan ko sya ng bulaklak. Hindi naman ito rose kagaya ng gusto nyang matanggap pero sana matuwa sya dito. Automatic na kasing nakakapagpangiti sa mga babae ang mga bulaklak diba?

"Nandito na ako sa loob, sa dating pwesto." I simply replied then I quickly hide the Gerbera Daisies under the table para surprise. She's from church daw then went home para maligo dahil mainit daw kaya sya nalate. Usually kasi on time sya dumadating ngayon lang sya nalate ng ganito.

After a couple of minutes nakita ko na sya na naka floral sundress at may purse tote bag syang dala as women call it. Nakatirintas sa gilid ang hanggang kili-kili nyang buhok medyo magulo na din iyon dala na din siguro ng pagcocommute nya pero mas bumagay pa sa kanya.And like the usual, wala syang make up. I smiled at her the moment she saw me.

"Ang init grabe."She dragged her bag sa katabing upuan nya sa harapan ko. Pinanuod ko syang hawiin ang iilang buhok na humaharang sa mukha nya. Sinadya kong titigan sya at napansin nya naman kaagad yun dahilan para huminto sya.

"Wag ka ngang ganyan makatingin." Ngumiti lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa kong pagtitig sa kanya. Halatang naco-conscious sya sa ginagawa ko but there's really something in her na worth staring at. She's too cute. Hindi umaalis ang tingin ko sa kanya nang ilabas ko ang ilang pirasong gerbera daisies na binili ko kanina sa flower shop. Her eyes opened wide.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Angel's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon