Chapter 52

9K 173 1
                                    

Chapter 52: I knew who you are to him

Nang hapon ay sinamahan ko si Tita Lucy sa bayan habang si Lucas at Jed ay ginagawa ang dapat naming trabaho dito sa bukirin nila. Hindi ako pwede doon dahil malubak at delikado dahil nga sa nangyari sa paa ko.

"Maganda ito, Mauree." Ipinakita nito sa akin ang isang bestidang kulay puti na may halong asul. "I'll buy this for you."

Nandito kami sa isang boutique sa mall at natingin ng damit kagaya ng gusto ni Tita Lucy. Tinignan ko naman ang presyo noon at nanlaki ang mata nang makitang double ang presyo noon sa sinasahod ko nang ako ay nag papart-time sa isang coffee shop.

"N-Nako! Huwag na po." Pigil ko dito.

"At bakit? Sakto lang sayo ito." Iginaya ako nito papasok sa fitting room.

"P-Pero-"

"Isukat mo na!" Ngumiti ito at tinulak ako papasok.

Napanguso na lang ako. Never in my life I bought something this pricey. Isinukat ko iyon. Hapit ito sa may bandang dibdib ko at maluwag naman sa may bandang bewang ko. Napangiwi nalang ako sa sitwasyon. Hindi naman gano'n kalakihan ang hinaharap ko pero bakit gano'n?

"Nako! Ang liit kase ng bewang mo, hija. Kumain ka ng marami at tiyak sasakto sayo iyan."

"Eh marami naman akong kumain."

"Hahanapan na lang kita ng ibang size at ia-adjust ko ang sa may bewang." Hinanapan ako nito ng ibang size gaya ng sabi niya.

Naging ayos naman ang size na iyon sa may dibdib ko ngunit mas lumuwag ang sa bewang.

"Ma'am ipapa-adjust ko na lang yung sa bewang niya. Pakibalikan na lang po siguro mamayang alas singko." Aniya nang na sa counter na kami. Tinanguan lang ito ni Tita Lucy at ngumiti. "Kunin ko lang po ang bewang niya." Kinuha nito ang tape measure at sinukatan ako.

Matapos noon ay umalis na kami doon dahil may bibilihin pa at balak kumain sa labas ni Tita.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil kahit hindi nito alam na may namamagitan nga sa amin ni Lucas ay maganda ang pakikitungo nito sa akin na para bang isa niya akong anak at obligasyon.

"Ang payat mo. Damihan mo ang kain mo." Nilagyan niya ng dagdag na pagkain ang plato ko.

Nanlaki naman ang mata ko dahil mukhang hindi ko kayang ubusin iyon.

"Ubusin mo iyan ha?" Ngumiti ito at nag patuloy sa pag kain.

Naalala ko naman bigla nang ipaubos ni Lucas ang madaming pagkain sa akin. Napanguso naman ako. Hindi naman ako sobrang payat. Ganito na nga talagay yata ang katawan ko habang buhay.

We're done eating and doing our businesses. Nang na sa parking na kami ay huminto si Tita Lucy sa pag lalakad.

"Yung dress na binili ko sayo nakalimutan nating kunin." She placed our plastic bags at the back of her car. "Dito ka lang at ako na lang ang babalik para kunin iyon." Nagmamadali itong naglakad palayo.

Napasandal naman ako sa kotse at napayuko. Nakipagtitigan lang ako sa suot kong flats nang may isang pares ng heels ang huminto sa harap ko. Nag angat naman ako ng tingin dahil doon.

I almost lost my balance when I realized that it was Arissa. She smiled at me. Napakurap na lang ako dahil doon.

"Hi!"

"H-Huh?"

"You look stunned, why is that?" Her beauty is so blinding to the point that I admit she's prettier than me.

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon